"Ano ba, Tonton? Wala ka naman ginagawa sa inyo at wala ka namang assignments!" Padabog kong binagsak ang aking gamit sa tabi ko.
Napaka gulo talaga. Gusto lang mangasar. Kanina ay nakita ko sila Nicole at Zeke na naguusap sa classroom ng babae. Tsk.
Bahagya pang nagulat si Zeke nang nakita niya ako. Nakakahiya. Siguro naalala niya yung nangyari noong nakaraang linggo.
Nagaaway nanaman ba kaya sila? Makikinig sana ulit ako kung di ako hinaltak nitong unggoy. Ang sabi may assignment daw kaya kahit may ibang gustong gawin ay nagpahatak nalang ako. Pag dating dito sa baba ay wala naman. Nakakairita ang mga trip sa buhay.
Tinatawanan lang niya ang iritasyon ko. Sige tumawa ka pa para pagtinginan nanaman tayo tapos mabugbog nanaman ako. Tsk. Bakit kasi naging kapatid ka pa noon? Pareho tuloy kayong kinababaliwan ng mga tao.
"Uto-uto ka kasi, Aling Panget. Wala akong assignments ngayon pero totoo na may gusto akong malaman." Naging seryoso ang mga mata niya at tinignan ako. "Sabihin mo na saakin kung sino may gawa sayo nun? Bilis, baka maunahan pa ako." Mayabang niyang saad.
Napangiwi ako sa kanya. Ano bang problema nitong unggoy na ito? I thought he has better things to do? Or is he guilty because he wasn't there. Well, hindi dapat siya ma guilty dahil hindi naman tumuloy. May iba namang sumagip saakin at hindi pa ako nakakapagpasalamat sa taong yun. Nakakahiya. Naistorbo na, hindi pa pinasalamatan.
Napaangat ang tingin ko ng nagtakbuhan ang mga estudyante papunta sa guidance.. siguro? Ano nanaman nangyari?
Seryosong napatingin si Payton sa likod ko. Curious, I looked at what he was trying to kill with his stare. I was a bit shock to see the man again. "Killua.." banggit ko at tumayo habang nakayuko ang ulo. Siya parin naman ang may ari ng eskuwelahan.
Gamit ang kamay, marahang inangat ni Payton ang mukha ko pabalik. Seryoso siyang nakatingin sakin ngayon. "Don't bow to anyone, Allison." Saad niya at muling ibinalik ang malamig na tingin kay Killua Yuri.
Pero, di ako kasing yaman niyo. Nararapat lang na magbigay respeto ako dahil ito ang nagpapaaral sakin. Hindi man siya, pamilya naman niya. Sinubukan kong humingi ng tawad sa kanya. Haharapin ko palang ng hatakin ulit ako ni Payton paharap sa kanya. "Anong kailangan mo?" Malamig niyang saad sa tao na nasa likod ko.
Nakakahiya.
"I need her... in the office." Malamyos niyang banggit.
Nagtaas ng kilay si Payton sa kanya at tinignan ulit ako nito. Ang lumanay pala magsalita ni Killua. Ang akala ko ay mapaglaro o di kaya ay seryoso din ang boses o tono nito pag nagsasalita kagaya ng magkapatid at ibang mayayaman.
"She does not follow anyone's order." Sagot ni Payton sa kanya.
Kumawala ako sa pagkakahawak ng kaibigan. Tinignan ko ang lalaki at tumango. Nakatingin lang siya kay Payton. Hindi natatakot.
"Except yours?" Tanong nito.
Nginisian siya ni Payton. Akala mo kasing tanda niya ang inaasar niya. Sa bagay. Maski kuya niya ay ganito niya tratuhin.
"She'll answer your question." Saad ni Payton.
Tinulak ko si Payton. Naiirita sa ugali niya. Tinawanan lang ako nito at tumingin nalang ulit sa lalaki ng may pahiwatig. Tama siya. Di ako sunod sunod-an.
YOU ARE READING
Tears in Heaven: Liability
RomanceWould you give up the love that you have waited for all your life? Harper is a fan of a Man, not an actor but the first son of a business tycoon. Like any other teenager, she had a crush on a 'Man' too far from her league. Will she ever have the man...