Louise's POV
"TASIO HUBAD!" inis na sigaw ko pagkapasok na pagkapasok pa lang sa VIP2 room ng Revz. Nandito na rin si Reeze mabuti naman at mukang buo pa naman sya. Iniwanan ko kasi sya kanina kasi nalaglag kung saan ang salimin ko.
"ANONG NANGYARI SAYO?" sigaw ni tasio, pao at reeze. Tiningnan ko naman sa salamin dito at gulo gulo ang buhok kong nakabun, basa na din ang hoodie ko dahil natapunan ng alak. May scratch na ako kong saan saan dahil sa kaguluhan kanina na kahit ako hindi ko alam kung bakit saakin napunta ang atensyon ng mga tao pagkapasok ko ng bar, dahil nakita ko na ang salamin ko sa may labas or should I say, may nakakita at inabot sakin.
"Ewan ko! nakakainis! nasa labas ako tapos nakita ko na salamin ko pagkapasok ko nagulat na lang ako nakatingin na saakin lahat tapos hindi ko na alam" inis na reklamo ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis dahil sa nangyari saakin o dahil tunatawa sila ngayon at bumalik na sa kanina nilang ginagawa.
"Tasio! hubad na kasi pahiram muna damit sukang suka na ako sa amoy ng hoodie ko" reklamo ko pero hindi nya ako pinansin.
"Aray!" reklamo ni reeze ng siniko ko sya ng mahina ng umupo ako sa tabi nya kasi kanina pa syang tawa nang tawa habang nakatingin sa cellphone.
"Hindi mo ba papansin itsura ko? ano bang tinatawa tawa mo dyan naiinis ako sa muka mo" reklamo ko na ikinairap mya sabay pakita saakin ng cellphone nya.
"WHAT THE FUDGE?!" sigaw ko ng makita ang pagmumuka ko sa secret website ng school.
Kinuha ko ang cellphone ni Reeze at tiningnan ang mga comments. Ang OA naman nila bakit naging trending yon? mga bweset.
"Fck! let's go!" seryosong sabi ni calum na ikinatingin namin sakanya.
"BAKIT?" sabay sabay na sabi ng tatlo maliban samin ni calum.
"He's here" mahinahon at seryosong sabi nya.
PUTATOKWA!
ANO BANG NANGYAYARI SA BUHAY KO?
UGHHHH!
Pagkauwing-pagkauwi ay agad kaming pumasok sa bahay dahil nakita ko na ang kotse nya. Nakakalat na din ang mga lalaking nakasuit na black. Maya maya rin ang bati ng mga tao don.
"Saan kayo nanggaling?" seryosong tanong nya.
"Kumain sa labas" seryosong sabi naman ni calum sa kaliwa ko.
"Bakit ganyan ang itsura ng kapatid mo?" galit at seryosong seryosong sabi nya.
Fudge! nakakatakot. Alam kong hindi ako ang masesermonan pero nangingilig ako sa takot.
"HAHAAHA WALA TO BOSS NADAPA LANG HEHEHE BIG BOSS KARARATING MO LANG BA? SOBRANG SAYA AKONG MAKITA KA LOLO! HAHAHAHAHA" tumatawa at masiglang bati ko kahit pilit dahil mabait akong kapatid para hindi nya sermonan si calum. Ngiting aso naman ang natanggap ko at isang napakahigpit na yakap.
May utang to sakin si calum, humand sya sa paniningil ko.
"TALAGA BA APO? AKALA KO AKO LANG ANG MASAYANG MAKITA KA! MISS NA MISS KITA ALAM MO BA YON?! HAHAHAHAHA" at niyakap nya ako ulit.
Pagkatapos ng mahabang yakapan at kwentuhan ng kung anu-ano dahil puro sya tanong kung kumusta ako, kung anong gusto ko, hindi daw ba ako pinapahirapan, at kung anu-ano pa. Yung iba nakatitig na lang ako sa TV at hindi na pinansin pa dahil purga na ang utak at tenga ko sa mga sinasabi nya.
"Calum, mag uusap tayo bukas. Magpahinga na kayo" nakangiting sabi nya dahil uuwi na sya sa bahay nya. Tumango lang si Calum.
"Chrasperia, gumising ka ng maaga at dadalawin ko ang unibersidad na iyong pinapasukan" tumango lang naman ako. Sure, dadalawin nya lang pala-pero bakit gigising ako ng maaga?
YOU ARE READING
EZX99
Novela Juvenil"...life is full of sufferings-as well as happiness. Life is not just about storms but also rainbows. Life can be tricky as a tunnel so dark but there's a light at the end. We may face rocky roads through the journey yet we can have ice cream when w...