kabanata 5

25 5 0
                                    

Family's Love

NAGISING ako sa mga umiiyak na naririnig ko saaking kapaligiran, kaya kahit na nahihirapan ay pinilit kong imulat ang aking mga mata, at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay medyo masilaw pa ako sa liwanag na nanggagaling sa ilaw.

Kaya sinanay ko muna ang aking mga mata sa liwanag na dala ng ilaw. At sa paglinaw ng aking paningin ay muli kong hiniling na sana ay hindi ko nalang pala iminulat ang aking mga mata upang hindi ko na nakita ang scenario na bumungad saakin.

Kaya imbis na ituloy ang pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay pinili ko nalamang na ipikit ng bahagya ang aking mata at piniling tumahimik para hindi nila mapansin na gising na ako. Dahil alam kong hindi nila magugustuhan kapag nakita nila akong nakikinig sakanila.

Nasa kanang bahagi ko si mama na bahagyang nakatalikod saakin at nakapwesto kung saan wala ang IV fluid na nakadikit saaking kamay, habang nasa may bandang likod naman niya si daddy na medyo nakapaharap dito saakin.

At base sa namamasang mata ni daddy alam kong gusto na niyang sabayan si mama sa pag-iyak ngunit mas pinili nalang ni daddy na magpakatatag para kay mama...para saamin.

Yun si daddy ehh, masaktan na siya't lahat lahat. Wag lang kami. At kung masaktan man siya mas pipiliin niyang itago nalamang ito kesa sa ipakita saamin, dahil alam niya na kapag malungkot siya magiging malungkot na rin kami.

"Z-zander bakit kailangan pa itong lahat danasin ni Zb, masyado pa siyang bata para maranasan lahat ng ito Zander. Hindi niya deserve lahat ng ito.... Hinding hindi" kasabay nun ang mahinang paghagulgul ni mama.

Alam ko na isa sa mga ayaw nila mama ay ang makita namin silang pareho na nasa ganitong sitwasyon. Pero ang hindi nila alam lagi ko silang nakikita na ganito hindi ko lang sinasabi dahil alam ko na mag-aalala lamang sila saakin.

"Oo alam ko Alicia... Alam ko, kaya gagawin natin ang lahat ng makakaya natin para gumaling at makasurvive siya, kaya tumahan ka na hindi pwedeng makita ni Zb na ganito ka. She needs our support and love ok?" narinig kong pag aalo ni daddy sakanya.

Tumango nalamang si mama bilang pag sagot kay daddy, kita ko naman mula dito kung paano punasan ni daddy ang mga luha na nasa mukha ni mama gamit ang kaniyang kamay bago niya ito yakapin ng puno ng pagmamahal at pag-aaruga.

What a scene to be hold! Siguro kapag namatay na ako, isa ito sa mga mamimiss ko na pagmasdan araw-araw. Pero dadalhin ko naman itong mga ala-alang ito hanggang sa kahuli hulihang hininga ko.

My parents.... For me, my parents is my true difinition of forever, of true love. Sila ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa forever.

Why? Because I was one of the witnesses of how they both faced the problems that were going through them. how they chose to solve the problem together, how they protect each other, and how they chose each other despite all the pain they went through.

Alam ko sa sarili ko na kahit sila napapagod na sa kalagayan ko. Hindi na nila masyadong naasikaso ang kompanya dahil sa pag aalala saakin. At sigurado akong hindi narin nila nabibigyan masyado ng attention sila Zack at Zamiel dahil sa sitwasyon ko.

Pero kahit ganun hindi sila nagreklamo sa kalagayan ko bagkus sila pa ang mas nagpapatatag at nagpapalakas ng loob ko na lumaban, hindi lang para sakanila kundi para narin sa sarili ko.

Pero paano ako lalaban kong hindi ko na kaya? Paano ako lalaban kong wala na akong lakas para piliting lumaban pa? Paano ko sasabihin sakanila na kaya ko lang pinipilit at pinipiling mabuhay at lumaban para sakanila ay dahil hinihintay ko lang na maging ready at matanggap nila na hindi na ako gagaling. At para narin kung sakaling mamatay man ako, hindi na masyadong masakit kasi nakapag ready na sila.

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now