#15 IKAW PA RIN

93 1 0
                                    

IKAW PA RIN

Sa mundong ito, mga BABAE naman titingalain.

Sila ay mga Ilaw ng tahanan kung tawagin.

Pasensya kung sakit ng ulo ang dala namin.

Dagdag mo pa ang puting buhok na nanggaling din sa amin.

Sa tuwing kami'y lalaitin

Ika'y laging nandyan handang rumesbak sa amin

Pagsapit ng umaga
sermon mo ang bubulaga.

Minsan kami'y naiinis na

Sa mala machine gun mong bunganga.

Pero ina gusto kong magpasalamat sayo

Salamat dahil isa ka sa humubog ng pagkatao ko.

Salamat sa lahat ng paghihirap mo

Upang iluwal ako sa mundo.

Salamat sa lahat ng mga sakripisyong ginawa mo.

Ikaw ang kauna unahang tao na nagtiwala sa kakayahan ko.

Oh aking Ina, salamat sa radikal na pagmamahal mo.

Ano man ang mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.

Lagi man tayong mag away

Ikaw pa rin ang Ina na gusto kong makasama habang buhay

Araw araw man akong maging pasaway

Pasensya mo ay mas mahaba pa sa tulay.

Magkaroon man tayo ng tampuhan

Sa huli ikaw pa rin ang mahal kong ilaw ng tahanan.

Hinding hindi ako aalis sa tabi mo

Hanggang sa huling hininga mo.

At kung iniisip niyo na BABAE lang siya, nagkakamali kayo

Dahil ang aming Ina ay hindi babae lang

Siya ay BABAE na maraming nagawa.

BABAE na kahit mag-isa lang ay kayang UMABANTE

BABAE na LALABAN para sa kinabukasan.

BABAE na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.

Hindi siya BABAE LANG dahil siya ay BABAE.

Matapang, Malakas at may paninindigan

Iyan ang ilaw ng Tahanan.

-----------
Happy Mother's day sa lahat ng mga nanay, sa titang Ina at sa mga tatay na nagpakananay. Saludo po ako sa inyo🌸

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon