IKALAWANG KABANATA
MAHABANG paliwanagan ang inabot ng mag-ina nang magpaalam si Lianna upang makapagtrabaho sa Maynila. Ayaw pumayag ng kaniyang ina sapagkat iyon ang unang pagkakataon na lalayo ang kaniyang anak upang magtrabaho. Nang ipaliwanag naman ng kaniyang anak ang kaniyang dahilan sa paglayo ay wala rin itong nagawa kundi pumayag kahit labag sa kalooban niya.
Labis ang lungkot na nararamdaman ni Lianna sa gagawin niyang pag-alis at pagsisinungaling sa kaniyang ina tungkol sa klase ng trabaho na kaniyang papasukin.
Labag sa kalooban niya ang kaniyang gagawin pero iyon lamang ang naiisip niyang paraan para tulungan ang magulang niya. Balak niya ring bumalik agad sa probinsya kapag nabayaran na niya ang mga utang ng tatay niya.
Nasa paradahan na siya ng bus biyaheng pa-Maynila at hinihintay ang kaibigang si Amanda. Halos kalahating oras rin siyang naghintay bago ito dumating."Wala ng bawian ito, Lianna. Ipinaintindi ko sa'yo ang kapalit ng trabahong ito," pagpapaalala muli sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
"Oo, alam ko. Tara na at nang makarating tayo nang maaga."
Lulan ng bus ay binaybay nila ang kahabaan ng expressway patungo sa kanilang destinasyon. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras dahil siya ay nakatulog habang nasa biyahe. Ginising lamang siya ng kaniyang kaibigan no'ng sila ay malapit na sa kanilang bababaan.
"Lianna, gising na. Malapit na tayong bumaba," sabi sa kaniya ni Amanda. Nagpalinga-linga si Lianna at iyamot na tinatanaw ang naglalakihang mga building na sa pakiwari niya ay nagdadala ng matinding polusyon sa siyudad kaya sobra ang alinsangan ng kapaligiran. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya sa Maynila kahit karamihan ng tao ay nagsisiksikan doon dahil mas malaki ang pasahod kaysa sa probinsya.
Bumaba sila at isang taxi ang sumundo sa kaniya papunta sa kanilang tutuluyan.
Sa isang apartment sila tutuloy ng kaibigan."Welcome sa Maynila, ineng," bati sa kaniya ng isang babae na sa tantiya niya ay nasa late 30's na.
Isang tipid na ngiti lamang ang naging tugon niya.
"Infairness, Amanda. Ang ganda ng kaibigan mo. Pak na pak! Mukhang tatalunin ka pa nito sa dami ng magiging raket," sabi ng babae kay Amanda."Naku! Napilitan lang 'yan, Madam. Baon na kasi sa utang ang tatay niya. Alam mo naman itong kaibigan ko, huwarang anak," sagot ni Amanda.
"Sakit talaga sa ulo ang mga lalaki. Kaya nga hiniwalayan ko ang dati kong asawa, eh. Wala rin namang matinong ambag sa buhay namin ng mga anak ko," sagot ng babae.
Pamilyado rin pala ang tinatawag na Madam ni Amanda. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot nang mapagtanto na maraming kababaihan na pala ang nagagawang magbenta ng aliw para may maipambuhay sa kanilang pamilya. Aminado siyang mababa ang tingin niya sa kanila noon dahil sa pananaw niya ay marami namang marangal na hanapbuhay ang puwede nilang pasukin pero napagtanto niyang iba pala talaga kapag ikaw na ang nasa posisyon ng taong minamaliit mo.
"Kung gusto mong makabayad sa utang ng tatay mo nang mabilis ay galingan mo. Maging mautak ka. Huwag kang padadala sa matatamis na salita ng ilan sa kanila. Natural lang na maganda ang maririnig mo sa kanila dahil nag-e-enjoy sila pero itanim mo sa utak mo na customer lang sila. No strings attached dapat. Ibigay mo ang hanap nila at kunin ang pakay mo. Hayaan mo lang ang matang mga mapang-husga sa tabi-tabi. Lalaitin ka nila, iinsultuhin at pagtatawanan pero maniwala ka kahit isang kilo ng bigas ay hindi ka nila bibigyan. Kung magiging mautak ka sa paggamit ng pera ay madali kang makakaaalis sa ganitong trabaho. Mag-ipon ka at magpundar para may magamit ka sa pagsisimula mo kapag tumalikod ka na sa ganitong klase ng hanapbuhay. Hindi kita pipilitin na manatili dito," bilin ng babae sa kaniya.
Nabagbag naman ang kalooban ni Lianna sa sinabi niyang iyon. Hindi siya proud sa papasukin niya pero gagawin niya ito para sa pagmamahal sa pamilya niya.
Nangako siya sa kaniyang sarili na kapag nakabayad na siya sa pagkakautang ng tatay niya ay agad rin niyang tatalikuran ang ganitong gawain."Alam kong pagod ka pa, ineng, pero mayroong kliyente na naghahanap ng libangan ngayon. Go ka ba? Ang sabi ng kakilala ko ay malaki raw ang bigayan doon. Malay mo ay malaki ang makuha mo roon makapagsimula ka ng mag-ipon ng para sa utang ng tatay mo," alok ni Madam sa kaniya.
Pinagpawisan ng malamig si Lianna dahil magkahalong nerbiyos at takot. Kinakabahang nagtango siya ng kaniyang ulo.
"O, siya kung desidido ka ay magpahinga ka lang muna diyan at ako na mismo ang maghahatid sa'yo mamaya."MABILIS NA LUMIPAS ang oras at nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan.
Inayusan siya ni Amanda at ihahatid na siya ni Madam sa kauna-unahan niyang customer. Pakiramdam niya ay dinig ni Madam at ng driver ng taxi ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Nagsisimula na rin magtubig ang kaniyang mga mata dahil ito na ang araw na isusuko niya ang kaniyang dignidad at puri sa isang tao para lang sa pera na malayong-malayo sa pangarap niyang lalaki na pinaglalaanan niya nito.
Binaybay nila ang kahabaan ng high way at tinungo ang isang magarang mansyon.
"Nandito na tayo," sabi ni Madam sa kaniya at saka sila bumaba sa sasakyan."Parang ang yaman ng nakatira dito, Madam," sabi ni Lianna sa kasama niya.
"Oo, kaya galingan mo. Ipapakilala lang kita tapos ikaw na bahala dito. Tawagan mo na lang ako o si Amanda para masundo ka pagtapos niyo," bilin nito kay Lianna.
Pagkasabi niya no'n ay nag-door bell ito. Pinagbuksan sila ng gate ng isang babaeng may edad na. Hindi naman ito nagtanong pa at pinapasok sila sa loob.
Pagdating nila sa sala ay nagsalita ang matanda. "Naroon si Sir sa loob ng kwarto niya," tipid na sabi ng matanda.Lalakad pa lamang sana sila patungo sa kwarto ng unang customer ni Lianna nang bigla itong lumabas sa kwarto. Kapwa silang nabigla sa biglang pagsulpot ng lalaki. Matangkad, maputi at may magandang hubog ng katawan. Kabaligtaran ng nasa isip ni Lianna na isang matandang amoy lupa na pero mapera.
Maging ang kasama niya ay hindi rin agad nakapagsalita. Makalipas ang ilang saglit ng pagka-starstruck sa itsura ng lalaki ay tumikhim ng ilang ulit ang kasama ni Lianna bago nagsalita."G-good evening, Sir," bati nito sa lalaki. "Ito po si Lianna. Siya na po ang bahala sa inyo," pagpapakilala ni Madam kay Lianna.
"Wala bang bibig 'yang kasama mo at ikaw ang nagpapakilala sa kaniya?" Seryosong tanong nito na nagbigay naman ng takot kay Lianna.
"M-meron naman po. S-sige po, maiwan ko na po kayong dalawa."
Hindi na nito hinintay ang sagot ng lalaki at madali itong umalis ng mansion. Sinenyasan lamang nito si Lianna bago tuluyang umalis."Let's go inside," utos ng lalaki sa kaniya. Taranta siyang sumunod rito papasok ng kwarto. Hindi niya matingnan nang diretso ang lalaki dahil naiilang siyang makita itong nakatapis lang ng tuwalya.
"Bakit hindi ka makatingin ng diretso? Hindi mo naman siguro first time makakita ng lalaking nakatapis lang?" Puna ng lalaki sa kaniya ngunit nanatili lang siyang nakayuko.
Humalakhak ang lalaki dahil sa reaksyon niya. "Are you trying to be funny or what? Stop acting like it's your first time. Hanap-buhay mo ito, 'di ba?" May himig ng pang-iinsulto na sabi nito sa kaniya. Ang mga salita nito'y parang punyal na itinarak sa dibdib niya. Inasahan na niya iyon pero iba pa rin ang naging epekto sa kaniya.
Nagbabadya muli ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata ngunit maagap niya itong pinigilan. Nagsimula na siyang mag-alis ng kaniyang damit upang isagawa ang pakay niya.
Itinapon niya ang kaniyang kahihiyan kasabay ng pagtapon ng kanyang suot.
BINABASA MO ANG
Sold Dignity
RomanceIsang mapagmahal anak at nag-iisang si Lianna na walang ibang hinangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Nang minsang malulong sa casino ang kaniyang ama at nabaon sa utang ay walang alinlangan nitong ginawa ang lahat upang...