Eksena Sa Jeep

157 1 0
                                    

Lunes...

Alas syete na papasok na naman

Sa gilid ng kalsada'y doo'y magaantay

Ng jeep na magdadala sa akin sa patutunguhan

Ngunit badtrip ang dami kong kasabay!

Bakit ba kasi 1:60 ang ratio ng jeep sa pasahero

Hindi sana sasakit ang aming mga ulo

Sa di kalayuan may jeep ng paparating

Sa wakas, ako (at sila) ay makakasakay din

Buti na lang at sa akin ay tumapat

Isang hakbang lang at ako na'y makakaapak

Sa gara-garang jeep, puwet ko ay makakalapat

Parang katapusan na ng mundo,lahat ay nag-unahan

Tulak dito, tulak doon, siksik dito, siksik dun..

Buti na lang ako ay nakapag-almusal

Ng konting tinapay na hotdog ang palaman

Sa kamalasan ako ay naunahan

Ng isang lalaking malaki ang katawan.

Salamat sa Diyos at ako ay nakasakay na

Malas nga lang sa aking nakatabi

Isang matandang babae na may amoy na matindi

Di ko na lang pinansin hanggang ang jeep ay umariba

Pinagmasdan ko lahat ang aking mga kasabay

Ang iba'y masaya,ang iba'y matamlay

Sa bandang unahan ay aking napansin

Isang babaeng maganda at mukhang mahinhin

Pinaganda pa lalo dahil sa kanyang make-up

Mamula-mulang pisngi tulad ng ketchup

Ngunit aking napansin ang mata niya'y malamlam

Parang may kalungkutan siyang dinadamdam

Sana kahit isang saglit siya'y makita kong ngumiti

Ngiti na magmutawi sa kanyang manipis na labi..

Sa aking tapat naman isang lalaking gagalangin

Suot na uniporme, propesyonal sa unang tingin

Makinis ang balat at mukhang mestisuhin

Ngunit ng ito'y magsalita ako'y biglang napailing

Boses babae ang loko, taenga ko'y natuliling

Bakla pala si sir at ako'y lihim na natawa

Gwapo pa naman, yun pala'y isang fafa. whew!

"Bayad po!" sambit ko sa matandang drayber

Sabay abot ko sa mama sa aking unahan

Na dalawang taong pagitan sa aking kinauupuan.

Eto naman isa kanina ko pa napapansin

Di pa nagbabayad ang lalaking patpatin

Nagtutulog-tulogan hanggang makarating

Di ba siya naaawa sa pobreng drayber?

Na sa konting barya lang, maagang nagigising

Upang sa pamilya'y makapagpadala kahit burger.

Sari-saring pasahero, sari-saring pagkatao

May babae, may lalaki, dalaga, binata't matanda

Ano kaya ang kanilang mga iniisip?

Masaya ba ang kanilang mga pamilya?

Ang iba'y may kausap, ang iba'y nakaidlip

May naghihikab, may nagtetext, may nabibilang hanggang sampu

May maganda, may pangit at may hitsurang pwede na

May mataba, may payat, mayroong may kargang bata

Ang iba'y maamo ang mukha, ang iba ay galit

Dahil sa bagal ng jeep na bumibilis ng pilit

Hay, konting tiis na lang makakarating na din

Sa aming kanya-kanyang patutunguhan

Isang kanto na lang ang aming iikotan

At isang malutong na "Para!" ang aming sasabihin

Sa tabi na lang at kami'y bababa na

Sa wakas mahihiwalay na ako sa aking katabi

Sa matandang babae na may amoy na matindi

Tapos na ang tulakan at siksikan...

Anak ng...Di pa pla, my LRT pang sasakyan.

Panibagong tagisan ng lakas at ng kakayahan

Tulad ng nangyari sa jeep na nilulan..

Parang hamon lang ng buhay na dapat labanan

Dahil kung hindi makakaya ika'y mapagiiwanan..

Eksena Sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon