HALOS limang buwan na syang nagtatrabaho bilang sekretarya ni Zerachiel ngunit ito pa lamang ang pinakaunang pagkakataon na nakapasok sya sa cafeteria ng kompanya nito. Malimit kasi syang kumakain sa pantry ng opisina nito o di kaya naman ay sinasama sya nitong kumain sa labas.
" Di ba sabi ko treat ko?" Kinuha ni Faye ang hawak niyang tray.
" Masarap ang mechado dito ni Ate Simang,"
" Tig-dalawang serving nga po ng mechado at adobo." Sabay turo ni Faye sa mechado at adobo na nakalagay sa dulong bahagi ng istante.
" Iyon lang ba?" Tumatangong tanong ni Aling Simang na kung hindi lang malumanay ang tinig ay iisipin niyang galit. Malimit kasing magkadugtong ang dalawang kilay nito.
" Opo," Si Gertrude na ang sumagot dahil tila'y nawala na sa tamang pag-iisip si Faye nang makita ang head ng Human Resources department na naglalakad papalapit sa kanilang kinaroroonan.
" Ayos ka lang ba?" Takang tanong niya nang tarantang paypayan nito ang mukha.
" Ang hot niya talaga," Impit na tili nito.
" Good morning Sir Dylan," Bati nito sa lalaki. Tipid na nginitian nito si Faye at tumango. Mahina syang natawa nang eksaheradang napahawak sa tapat ng kaniyang puso si Faye.
" Pwede na akong mamatay!" Natawa ang ilan sa mga nakarinig dahil sadyang hayagan ang pagpapakita ng babae ng paghanga para sa lalaki.
" Ms. Fonseca? Fancy meeting you here." Inilahad ng lalaki ang isang kamay kay Gertrude. Inabot niya ito at tipid itong nginitian.
" The-" Mabilis niyang kinuha ang kamay dito nang pisilin ito ng lalaki.
" Oo nga e, minsan lang kasi lumabas itong magandang freny ko," Ani Faye, si Faye ay nagtatrabaho bilang personal assistant ng head ng marketing department at masasabi niyang isa sa mabilis niyang nakapalagayan ng loob. Hindi kasi nagkakalayo ang pag-uugali nito sa matalik niyang na kaibigang si Erelah.
" Kulang na lang ay isipin kong ipinagdadamot sya ni Sir Zerachiel," Patuloy niyang saad.
" Are you free tonight?" Hindi niya maiwasang mailang sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ng lalaki. Wari'y hinuhubaran sya nito sa pamamagitan ng tingin.
Bastos.
" Ha? Why?" Kunot-noong tanong niya dito. Gustuhin niya mang suntukin ang magkabilang mata nito ay umakto na lamang syang kalmado.
" I'll be celebrating my birthday tonight at Achilles. Pwede ba kitang maimbitahan? I know we've just met but I'll be elated if you could come." Mabilis na saad nito.
" Ako Sir, 'di niyo i-invite?" Wari'y naiiyak na tanong sa kaniya ni Faye. Ngunit hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang babae.
" So?"
" I'm sorry, I have a lot of things on my plate right now." Bumagsak ang magkabilang balikat nito. I'm not a party person, mas gugustuhin ko pang makipagtitigan sa apat na sulok ng aking apartment.
" Sayang naman, it's a great opportunity for you to socialize with our fellow officemate." Alangan syang ngumiti dito.
" Subukan mo lang, most of our officemate are fun to be with,"
" May-"
" It's crystal clear that Ms. Fonseca doesn't want to be with you Mr. Madrigal," Ani Zerachiel na bigla na lamang lumitaw sa kaniyang likuran.
" Learn to accept rejection from a woman, it's a way of respecting them." Ngiting patuloy ni Zerachiel.
Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pagdilim ng awra ng huli.

BINABASA MO ANG
Ever After Always (COMPLETED)
RomanceGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.