CHAPTER TWO
DANGER
✧༺✦✮✦༻∞ ❦ ∞༺✦✮✦༻✧DEVON
"Oh My God!" gulat na sabi ko ng sadyain na talaga nitong banggain ang kotse ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko pero di ko pa naida-dial ang number sa palasyo ng banggain na naman ako nito at di sinasadya na nabitawan ko na ang cellphone ko.
"Shit!" puno ng kaba na sabi ko. Ito na yata yung kapahamakan na sinasabi ng Kuya Ethan ko na pwedeng mangyari sa amin.
"Focus, Focus Dev----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng banggain na naman nito ang kotse ko ngayon ay mas malakas na. Hindi ko na magawang abutin ang cellphone sa sahig ng kotse kaya naman binuhay ko na ang makina. Dapat makalayo ako dito, agad kong pinatakbo ito pero kita ko na nakasunod agad sila sa akin.
"Gosh what is happening!" Takot at frustration na ang nararamdaman ko kasi kahit na anong bilis kong patakbuhin ang kotse ay ang bilis nilang makasunod sa akin. Agad kong iniliko ang kotse sa ng makakita ako ng eskinita hoping na hindi na sila makakasunod sa akin pero minamalas talaga ako ngayon dahil patuloy sila sa pagsunod sa akin. Bibilisan ko pa sana ang takbo ng kotse ng may humarang na kotse sa dulo ng eskinita.
"Damn!" Napahinto ako saka ako napalingon at kita ko na aabutan na nila ako. Magkasama ba sila? Sino ba sila? Why are they after me? Di ko na alam ang gagawin ko. Kung bubungguin ko ba ang humarang na kotse or uurong ako pero di pa man ako nakakapagdesisyon ng makarinig na ako ng putok ng mga baril mula sa likuran ko. Nakita ko din na nakababa na yung mga lalaking sakay nun.
"DEVON!" agad akong bumaling paharap at nakita ko si Avery na nakatago sa poste na nakikipagbarilan sa mga lalaking humahabol sa akin habang tinatawag nya ako.
"Avery!" kabadong tawag ko sa kanya. Hindi ko din alam kung paano ako baba sa kotse. Patuloy lang sa pakikipagpalitan ng putok ng baril si Avery hanggang sa tamaan nito ang isa sa mga lalaki, ng bumagsak ang lalaki ay kinuha ni Avery na chance yun para makalapit sa akin.Agad nyang binuksan ang pintuan ng kotse nya, mabilis akong bumaba.
"Avery.."
"Move faster!" utos nito saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako sa pababa. Agad nya akong niyakap. He shielded me with his body habang ang isang kamay nito ay nakatutok sa mga lalaking humahabol sa akin.
"Move." utos nito ulit sa akin saka bumaril pabalik sa mga kalaban. Kahit nanghihina ang tuhod ko dahil sa takot at kaba sa mga nangyayari ay pinilit kong bilisan ang takbo papunta sa kotse ni Avery.
"Get in!" agad kong binuksan ang pintuan ng kotse nya at sumakay.
"Yumuko ka!" anito sa kanya saka isinara ang pintuan ng kotse, dali-dali ko naman na ginawa yun at tanging putok na lang ng mga baril ang nadinig ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan sa driver seat at sumakay doon si Avery.
"Manatili kang nakayuko." sabi nito saka pinaandar ng mabilis ang kotse palayo sa lugar. Hindi ko na nilingon kung napatay ba nito Avery ang mga lalaki, ang mahalaga ay makalayo na kami sa lugar.
"Thanks God duma---may tama ka!" sabi ko ng makita kong may dugo sa balikat nito.
"It's nothing daplis lang yan." seryosong sabi nito at hindi natinag sa mabilis na pagpapaandar ng kotse.
"Hindi sugat pa din yan... Sa hospital tayo." utos ko sa kanya. Umiling naman si Avery.
"Huwag mo ng pansinin. Ang mas mahalaga ngayon maibalik kita sa Palasyo." sagot nito saka kinuha ang cellphone sa bulsa at iniabot sa kanya.
"Press 1, connected na yan sa palasyo." utos nito na ginawa naman nya. Di nagtagal ay may sumagot agad sa kabilang linya.
"Captain Sandejas, this is Agent Ruel---"
"Agent Ruel this is Devon." seryosong sabi nya."Kamahalan... Ano pong nangyari?" Tanong agad nito. Napatingin naman ako kay Avery.
"Tell them red alert."
"R-Red alert."
"Copy Your Highness." sagot naman ni Ruel saka Ito nawala sa linya. Di naman ako mapanatag ng husto na nakalayo kami lalo na ng paglingon ko ay nakita kong nakakahabol na sila sa amin.
"Avery...n-nahahabol na nila tayo." nag-aalalang sabi ko. Napailing naman si Avery saka nito mas binilisan ang takbo ng kotse pero napasigaw na lang ako at napayuko ng marinig ko ulit ang mga putok ng baril na alam kong para sa aming dalawa.
"Yumuko ka lang." bilin ni Avery saka ko naramdaman na lumiko ang kotse at huminto pero kasabay nun ay ang paghawak sa likod ko ni Avery para manatili akong nakayuko at ang sunod sunod na palitan ng putok ng baril. Napapapikit na lang ako sa takot na nararamdaman ko. Ilang sandali din tumagal yun bago tumahimik ang lahat. Napatingala ako at nakita kong nakasandal na sa upuan si Avery.
"A-Ano ng nangyari?" Tanong ko saka ako dahan-dahan umayos ng upo saka ko nakita sa labas ng kotse ang mga bodyguard mula sa palasyo. Nilingon ko din ang kotse na humahabol sa amin at napaiwas ako ng tingin ng makita kong nakabalandra na sa kalsada ang mga katawan ng mga lalaking humahabol sa amin. Napalingon ako sa side ko ng bumukas ang pintuan nito.
"Kamahalan...agent Ruel Torres po, may sugat ho ba kayo?" tanong ni Ruel. Umiling naman ako.
"Si Avery. Sya ang may tama ng baril..." sagot ko saka ko ito nilingon.
"I'm fine. Sige na kuhanin nyo na ang Kamahalan at ibalik sa palasyo." utos nito.
"Pero kailangan magamot---"
"Wala ito Devon.... You need to go back." mas seryoso na ang pagkakasabi nito at napatango na lang ako bago ako inalalayan ni Ruel pababa ng kotse para sumakay sa kotse na dala ng mga ito para ibalik ako sa palasyo.
BINABASA MO ANG
False Promises And You
Fiksi RemajaRoyal Series (G1) #2 Prince Devon's life is in danger and the only one who can protect him is the same man who broke his heart. Avery. D.S.: August 2024 [Note: Not MPreg]