Chapter 2: She's Pissing Me Off

39.6K 1.4K 795
                                    

Paris' PoV:

"Miss President, here's the coffee that you requested awhile ago."

"Thank you, Miss Sasha." Binigyan ko sya ng isang maliit na ngiti bago ko tuluyang kinuha ang coffee na ginawa nya.

She leaned closer. Ipinatong nya ang kanyang kamay sa aking table. "Don't hesitate to call me, Miss President. Andito lang ako."

Akmang ilalapit nya pa ng husto ang kanyang sarili sa akin nang tumayo ako.

I faked a cough. "Okay, I understand."

Too much na ang distance namin. Ayoko pa naman n sobrang lapit sa akin. I hate it. Parang nasusuffocate ako.

Sasha, which is my secretary, plastered a strange smile. Halatang may kakaiba roon. Pero hindi ko na 'yon pinagtuunan pa ng pansin. Walang malisya.

I continued working. Napakaraming papeles ang nasa table ko. This is all about Stanford University. Mabigat talaga ang trabaho ko lalo na't ako ang Student Council President. Sanayan lang lalo na't pangatlong taon ko na 'to sa panunungkulan.

The girl named Sasha was the elected Secretary. Kabatch ko rin sya. Last year, she was placed on the P.I.O. position.

I am Paris Sylven Leviere. I am 20 years old. I'm taking Bachelor of Science in Business Administration. But to be honest, mas gusto kong maging isang doctor.

Too bad, hindi 'yun align sa business namin. I am the next heir of Leviere's Group of Company. Ako ang maghahandle non sa hinaharap. Ngayon pa lang ay tinetraining na ako bilang COO ng kumpanya.

Hindi ko naman mahindian sila Mommy at Daddy. Sumusunod ako sa kung anong gusto nila. I guess, I was the kind daughter. I never broke their rules.

Tinanggal ko ang aking salamin. Napahilot ako sa aking sentido. Mygoodness. Sumasakit na ang ulo ko.

Tumayo ako. I think, kailangan ko munang magrelax. I'm too pre-occupied on my work.

When I walked out of my office, sumalubong sa akin ang hindi makandaudadang mukha ni Princeton. He was the Vice-President.

Hindi ko na sya inabala pa. He seems focused. I started to walk to an empty hallway. Sabado ngayon at walang klase ang mga estudyante. Nag-overtime na kami dahil may kailangan pa kaming asikasuhin.

Using my car, I decided na pumunta sa isang pastry shop na malapit dito. I want to eat something sweet. A chocolate cake to be exact.

Pagpasok pa lang ay agad na sumalubong sa akin ang mabangong aroma ng cake. Mas lalo akong natakam.

"3 slice of chocolate cake with Iced Tea. Dine in." Pag-order ko. Yes, kayang-kaya kong ubusin 'yan.

"That would be P7,000, Ma'am." The cashier said. Ibinigay ko na sa kanya ang bayad. While waiting for my order, inilibot ko ang aking paningin sa interior ng pastry shop na pinuntahan ko.

Masarap sa feeling ang ambiance. Nakakagood vibes. Everyone is busy minding their own business. I guess, dito ko makukuha ang peace of mind na hinahanap ko.

"Here's your order, Ma'am. Enjoy your day." Nakangiting turan ng babae. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya bago ko tuluyang kinuha ang 3 slice ng cake.

Pumwesto ako sa may gilid kung saan tanaw na tanaw ang labas. I prayed first before finally eating my cake.

I really like sweets. Pero hindi ako sweet ng tao. But I guess, lalabas din ang sweet side ko soon. The one who deserves it can see that.

"You!" Someone yelled. Napakalapit nito sa akin.

I shrugged at itinuon muli ang aking atensyon sa aking kinakain. Baka hindi ako ang tinutukoy ng tao. I guess, it was someone that is sitting behind me.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon