You both like...

417 11 4
                                    

Stranger: Hi!

You: Gusto na kita!

Stranger: Hindi mo pa nga ako kilala, gusto mo na agad ako?

You: PERO GUSTO TALAGA KITA!

Stranger: Gusto pero may mahal na iba.

You: NO!

You: 1k4w L4n6 $4p4t n4!

'Yan ang una nating pag-uusap sa isang site kung saan ay maaring makipag-chat sa isang total stranger. Ako ang 'You', ikaw ang 'Stranger'. Natuwa ka sa akin dahil sa '1k4w L4n6 $4p4t n4'. Natuwa rin naman ako sa 'yo dahil naki-ride ka sa kabaliwan ko. Hindi tayo naubusan ng pag-uusap. Nakakatuwa. Hindi ko alam na may makakausap akong matino sa site na 'yon. Naglipana kasi do'n ang bastos na kahit ikaw ay muntik ng mabiktima. Mabuti na lang at nagkataspuan tayo.

Nagkakilanlan tayo. Ang dami nating napag-usapan. Tinawag mo akong 'baby', tinawag rin kitang 'baby' or 'babe' without even knowing our gender. Oo. Hindi pa natin alam kung babae ba o lalaki ang kausap natin. Pero habang tumatagal ang pag-uusap natin ay nagkaalaman tayo ng kasarian dahil na rin sa paraan ng pag-uusap natin.

You: Ang jeje ko. HUHU

Stranger: Ayoko sa jeje.

You: Ayaw mo na ako? TT___TT

Stranger: Ayoko sa jeje pero gusto kita.

You're sweet. Pero paanong naging sweet ang isang tao na may allergy sa chocolate? Sinubukan mo pang kumain ng chocolate habang kausap ako na naging dahilan ng pagkawala mo ng ilang minuto dahil sa paghahanap ng gamot. Hindi ka makahinga. Ang bad mo. Hindi mo naisip na nag-aalala ako. Kahit hindi naman talaga tayo magkakilala. Nagnosebleed ka pa that time.

You: Ano'ng gusto mo sa babae?

Stranger: Gusto ko sa babae, matalino.

You: Pero hindi ako matalino :(

Lahat ng gusto mo sa babae ay kabaligtaran ko pero sabi mo gusto mo ako, na kahit wala sa akin ang katangiang hinahanap mo sa babae ay ako itong mahal mo. Natutuwa talaga ako sa 'yo pero hindi ibig sabihin ay nahulog na ako ng tuluyan dahil alam ko, madi-disconnect tayo dahil na rin sa daloy ng internet connection nating dalawa. Ang internet connection ang magde-decide kung tatapusin niya ba ang pag-uusap natin o hindi.

You: Hindi ako marunong magluto.

Stranger: Don't worry. Kukuha tayo ng cook.

Natuwa ako sa sagot mo. Kasi madalas sasabihin ng lalaki ay kailangang marunong magluto ang babae pero ikaw 'tong nagsabi na kukuha na lang tayo ng cook na sinang-ayunan ko naman. Ayon kasi ang lagi kong sinasabi sa Nanay ko, na kukuha kami ng tagaluto dahil nga hindi talaga ako marunong magluto. At hindi rin ako willing matuto.

Napag-alaman kong nalaman mo ang site at ang interest na ginamit mo dahil sa kaibigan mong bumisita sa 'yo. Napadaan lang sa bahay mo. Hindi ko alam pero may naramdaman ako sa dibdib ko nang malaman kong may kaibigan kang babae na halos kakausap mo lang. Binisita ka pa. Naging maiikli ang reply ko noon at nalaman mo na agad na nagseselos ako. Ang selosa ko kahit hindi naman tayo totoo. Pero kasi no'ng araw na 'yon ay boyfriend kita.

You: Niloko mo na ba ako?

I asked you that question. Actually halos lahat ng nakausap ko bago sa 'yo ay tinanong ko ng ganyan. Ang pinagkaiba lang ay tinanong kita as if you're my boyfriend. Sila, tinanong ko ng bilang stranger, "Naranasan mo na bang manloko?" Sinagot nila ako ng 'Oo'.

Stranger: Hindi kita magagawang lokohin dahil ikaw lang ang gusto ko.

Sagot mo. Napangiti ako. Ang landi nating dalawa. Aakalain talaga ng makakabasa na totoo tayong magboyfriend and girlfriend.

You: Mabuti naman.

Stranger: Ako ang niloko.

With that, naging seryoso ang usapan natin. Nalaman ko na sinubukan mong maghabol sa best friend mo pero hindi ka niya ginusto. Sinabi mo pa na suicidal ka, na sinubukan mong kitilin ang buhay mo sa paraang ng pagkain ng chocolate. Paanong kayang kitilin ng paborito kong chocolate ang buhay ng baby ko? Nakakalungkot.

Stranger: I like you.

Nakaramdam ako ng kaba sa nabasa ko. Oo, alam ko na hindi mo 'yon sinabi dahil sa pagpapanggap nating magboyfriend-girlfriend. Sinasabi mo 'yon bilang isang lalaki. Oo, sumasagot ako ng 'I love you too' sa tuwing sasabihan mo ako ng 'I love you' pero sinasagot ko lang 'yon bilang girlfriend mo that day.

Pero ang KJ ko. Iniiba ko ang usapan. Nagtatanong ako ng iba. Hanggang sa nalaman ko na mas bata ka sa 'kin ng ilang taon. Graduate na ako ng college, currently working habang ika'y magti-third year college pa lang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagugustuhan na kita pero sobrang bata mo. Sobrang bata mo para sa akin.

Posible bang magustuhan kita in just eight hours of nonstop chatting?

Maari. Dahil nagkagustuhan nga tayo. Hindi ko alam sa 'yo pero at least ako, totoong nagkagusto sa 'yo. Siguro dahil hinayaan ko ang sariling mahulog sa sa 'yo, sa isang stanger.

Pero katulad ng ibang story sa site na 'yon. Darating ang time na madi-disconnect tayo sa isa't-isa at mahirap ng magkahanap dahil sa dami ng gumagamit ng interest na ginagamit natin.

You created new interest for both of us pero sinabi kong hindi ako madalas sa site na 'yon. Minsan lang akong tumambay doon at nagkataong ikaw pa ang naka-chat ko. Pero alam mo bang gusto kong hingin mo ang number ko, ang facebook account ko, ang twitter o kahit na ano pero hindi mo ginawa. Sabi mo you don't do facebook and twitter. Hanggang tumblr ka lang na wala naman ako.

You: May viber ka? Bigay mo sa akin ang number. I really need to go.

Hindi mo alam na halos gusto ko nang bawiin 'yong sinabi ko. Kasi hindi ko gawain 'yon.

Stranger: Wala akong viber, baby. Hindi naman ako pwedeng mag-exit dahil madi-disconnect tayo.

You: Number na lang, babe na gagamitin mo sa viber mo. Hindi ko kasi memorize ang number ko kaya hindi ko maibigay.

Nanginginig ang kamay ko noon sa pata-type. Nakakaramdam na ako ng kaba. Nakakapag-isip na ako ng negative. Nagmumukha na akong despirada.

Stranger: What if I say, I won't?

With that reply, my tears automatically fell. Ayaw mo. Ayaw mong makausap ako sa labas ng site na 'yon. Ayaw mong mas lumawig pa ang relationship natin na nagsimula doon. Ayaw mo. Ayaw mo. And it's break my heart.

You: it's okay.

Wala na akong masabi noon kung hindi 'okay' kahit hindi naman talaga okay. Madali naman kitang makakalimutan eh. Kaya ko namang kalimutan ka. Isipin ko pa lang ang agwat ng edad natin ay maari na 'yong dahilan para makalimutan ka.

Stranger: I'm sorry.

You: It's okay. Okay lang talaga.

Stranger: Hahanapin kita kapag nakagraduate na ako.

You: 2 years pa? Baka may asawa na ako noon.

Nagawa ko pang magbiro noon kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Paanong nagagawa akong saktang ng isang stranger lang? Paano mo ako nagawang saktan? Paanong hinayaan kitang saktan ako?

Stranger: I'm sorry. Hahanapin talaga kita.

Me: Mahirap akong hanapin. Hindi ka na makakahanap ng katulad ko.

Stranger: Baby :(

Me: Pero bibigyan kita ng clue para mahanap mo ako.

Binigay ko ang screen name ko na ginagamit ko sa lahat ng site. Ang despirada ko nang oras na 'yon. Sobrang despirada para lang makausap ka ulit.

I waited for your reply but that site said...

STRANGER HAS DISCONNECTED

-



MICHIIMICHIE:

One-shot lang 'to. Thank you so much.

Gawa sana ako ng audio para boses ko maririnig niyo sa authors' note pero. HAHA. Bakit ganoon ang boses ko?

Ang kyut lang ng bagong feature ni wattpad pero ang boses ko *sigh*

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon