Chapter 50

41 3 0
                                    

dalawang araw ang tinagal ng byahe. kung siguro di namin kasama si audrey ay baka inabot kami ng buwan dahil nga malayo ang elemental kingdom.

naramdaman kong may tumabi sakin sa pag lalakad at alam kong si zaiden yon. sa loob ng dalawang araw ay dumidistansya ako kasi naiilang ako kapag nakikita kong nakatingin sila samin ni zaiden.

papasok na kami sa loob ng kahariang elemental at namangha ako sa nakita. napakaganda rito may mga amazing mini falls sa bawat gilid. puno ng mga halaman na ibat ibang kulay, marami ring puno. may entrance dito sa gitna ng dalawang malaking puno. Ang mga sanga nila ay mag kadikit at puno ng bulaklak kaya napakaganda nitong tignan. napaka sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin rito.

pumasok kami sa loob ng kaharian at sinalubong kami nila queen Harreth and king Matias.

"ina, ama!" sabay takbo ni lira sabay yakap sa dalawa. sumunod na yumakap sa kanila ay sina lincoln at efir.

"mga kaibigan namin ina, ama" sabay harap nila samin nag bow naman kami.

"masaya kami sa pag punta nyo rito sa aming kaharian.
"

"kinagagalak namin na maparito, hari at reyna." ngumiti naman sila sa pag sagot ni audrey. Iniisa isa kaming tignan ng reyna ng tumigil sya sa gawi ko.

"masaya akong nag balik kana prinsesa kairan" sabi ng reyna, naiilang naman akong nag pasalamat.

pagkatapos ng pagbati ay dinala kami sa aming magiging kuwarto at maganda naman dito at maaliwalas. pumunta ako sa may bintana at nakita ko ang mga pag de-dekorasyon ng mga tao para sa gaganaping pagdiriwang bukas. sa dulo ay kitang kita ang pula na kulay na kulay ng fire element, sa gilid naman ay ang asul na kulay ng water element, sa unahan naman ay kayumanggi na kulay ng land element, at sa katabi ng land element ay kulay puti na kulay ng air Element.

tinalikuran kona ang tanawin at nahiga na sa kama at di ko namalayan na nakatulog nako

ZZZzzzzz....

tumatakbo ako sa isang madilim na kagubatan. hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol. hingal na hingal ako. hindi ko alam kung anong yayari. sa hindi inaaasahan ay nadapa ako.

"arghhh!" daing ko

pinilit kong tumayo at sinubukan mag lakad. hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ng makawala. naririnig ko ang mga yapak nila sa malayo.

kumakabog ng malakas ang puso ko at paika ika akong tumakbo. nahihirapan na ako kaya sumandal ako sa isang malaking puno at umiyak

"kanina ka pa namin hinahanap at nandito kalang pala?" sabay ngisi ng isang babae at hinawakan ang baba ko at pinisil. hinawi ko naman ang kamay nya ngumisi sya.

"sige na kunin nyo na sya para maialay natin" lalapit na sana ang mga tauhan nya ng biglang may sumulpot na isang maitim na tigre at inatake ang mga kasamahan ng babae

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon