1

15 0 0
                                    

"Bes! Halika na, malelate na tayo!" Sabi ni Natalie habang hinihila ang best friend sa hallway.

"Dahan dahan lang, bes!" Sabi naman ni Jonathan, "Hihimatayin ako sayo eh."

Sa school, hindi ka pwedeng malate ng kahit isang minuto lang, dahil hindi na kayo papapasukin ng teacher nyo sa loob ng classroom.

Ito namang si Natalie, masyadong good student.

Umakyat sila ng hagdanan, nang nakarating na sila sa first floor ay saktong nakalock na ang classroom nila.

"Ay, lock na." Sabi ni Jonathan.

Humarap naman si Natalie sakanya, "Obvious ba? May quiz pa naman tayo sakanya!" Sabi niya, "Hay nako, singko."

"Sorry na, bes," Sabi ni Jonathan.

Pinalo naman ni Natalie ng pabiro si Jonathan.

Si Jonathan, ang best friend ni Natalie simula pa nung pagkabata. Lagi siyang nandyan para sakanya. Ginagawa ang lahat para lang maging masaya si Natalie. Siya ang nagpupunas ng mga luha niya sa oras na nasasaktan siya o may pinagdaanan.

Yan ang tunay na kaibigan. Pero sandali, kaibigan nga ba talaga?

"Hay nako! Ilibre mo ako ng ice cream, patatawarin kita." Hamon ni Natalie.

***

"Thank you, bes."

Nasa canteen ang dalawa, naka-upo, kumakain ng ice cream. Niyakap niya si Jonathan ng sobrang higpit.

"Wala yun. Ikaw pa." Sabi naman ni Jonathan ng hinalikan niya si Natalie sa noo.

Habang tinatapos nila ang ice cream nila, natulala bigla si Natalie ng makita niya ang ultimate crush niya na si Clarence. Ang gwapong sikat ng university na ito.

Mayabang nga lang.

Sa kakatitig ni Natalie kay Clarence, hindi niya napansin na nabitawan niya ang ice cream at nahulog sa sahig sa kung saan sana dadaan si Clarence.

"What the hell d-" Nagalit si Clarence pero agad rin itong kumalma. Muntik na kasing malagyan ng ice cream ang sapatos niya. "Sorry, but next time kasi tumingin ka."

Tumayo bigla si Natalie nung narealize niyang nahulog ang ice cream niya. "Okay ka lang, Clarence?! Oh my god I'm sorry." Nagpanic si Natalie.

"No, I'm fine," napatingin si Clarence kay Natalie, "and you are?"

"Natalie. Natalie Hermosa ang pangalan ko."

"Hello. Are you okay? I'm sorry... uhm, Natalia.

"Na-ta-lie, hindi Natalia."

"Argh, sorry, Natalie, yes Natalie. Sorry."

Kinikilig itong si Natalie dahil nakaharap niya si Clarence. For two years, ngayon lang siya napansin at tinanong pa ang pangalan. Ito namang si Jonathan, inatake ng selos kaya agad narin siyang tumayo at inakbayan si Natalie.

"Hi Clarence, ako naman si Jonathan. At kailangan na naming pumasok para sa susunod naming subject." Sabi ni Jonathan ng umalis na sila ni Natalie sa canteen.

Nang nakalabas na sila ng canteen, agad umalis si Natalie kay Jonathan.

"Bakit mo ginawa yun? That's my moment!" Padramang sabi ni Natalie.

"Sa daming pwede mong magustuhan, bakit si Clarence pa?" Tanong ni Jonathan.

"Eh ano problema mo?"

"Wala."

"Wala naman pala eh."

"Eh kasi, ano ba nagustuhan mo doon?"

"Ewan ko. Kasi gwapo?"

"Gwapo lang ba ang importante sayo?"

Hindi na nakapagsalita si Natalie kaya agad itong niyakap ni Jonathan. "Ayoko lang na masaktan ka." Sabi niya.

***

"Who's that bro?" Tanong ni Mark, isa sa katropa ni Clarence.

"Just some girl, you know, Natalie. Patay na patay daw sakin yun eh." Sabi ni Clarence.

"Anong balak mo?" Tanong naman ng isa na si Adam.

"You know me," simpleng sagot ni Clarence.

Tumawa ang lahat ng magkakatropa na parang naintindihan nila ang ibig sabihin ni Clarence sa sinabi niya.

Boys will be boys.

Just Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon