Chapter 2

12 1 0
                                    

Hindi ko na ise-censor yung mga badwords kasi kahit gawin kong sh*t, shit parin yan. Sorry for the typos.


*


After 3 years ng pananahimik ko napag desisyunan ko na, na bumalik sa Pilipinas. Siguro naman nakalimutan na niya ako miski sa sarili ko, aaminin kong hindi ko parin siya nakakalimutan.


Iniwan ko siya mng walang maayos na paliwanag kung bakit ako aalis at iiwanan siya, pero huli na kung ngayon pa ako mag si-sisi. Tapos na ang lahat, nagawa ko na. Nasaktan ko na siya at tatlong taon na ang nakalipas.


Sa tingin ko huli na ako pero ang kalahati ng utak at puso ko ay umaasa parin na hindi pa huli ang lahat. Umalis ako at iniwan siya dahil may dahilan rin ako. Mahal ko siya at hindi ko magagawang saktan siya ng walang rason. Sa ilang taon na pagsasama namin, akala ko rin kami na ang mag papatunay ng forever katulad ng pareho naming sabi nang maging kami.


Pero katulad nga ng sinabi ng kaibigan ko, "lahat ng bagay may katapusan at matatapos at matatapos rin ito. Hindi rin natin alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon, kasi malay mo biglang may big twist. Yung kala mo may forever na kaso biglang nagka-problema? Pero ang swerte siguro ng mga taong malalagpasan yon at tiwala parin sa isa't isa na may forever"


Napangiti ako nang inalala ko yun. Oo nga 'no? Ang swerte ng mga taong nagmamahalan na sabay nilang malalagpasan ang malaking problema na makakaharap nila. Pero sana ganun lang kadali, pero sa reyalidad, alam natin maraming twist ang mangyayari. Masaya ka ngayon, sa tingin mo ba masaya ka parin bukas?


Oo nga, hindi natin alam ang mga mangyayari sa ihaharap, pero ang kailangan nalang natin gawin ay mag pakatatag at harapin ito.


"Hey." Napatingin ako sa katabi ko. Hindi ko namalayang tulala na pala ako. Bumalik ako dito sa Pilipinas para mag simula ulit. Pero biglang bumalik ang nakaraan. Pero sa tingin ko rin ay kailangan ko nang kalimutan ang mga ito.


"Aldrenn, bakit?" Si Aldrenn, ang ibang tao ay tinatawag siyang Brent pero ang gusto niyang tawag ko sakanya ay Aldrenn kaya yun ang tawag ko. Nakilala ko siya sa ibang bansa kung saan ako nag tago. Naging matalik na mag kaibigan kami at sinamahan niya akong bumalik sa Pilipinas. He's half Filipino at ilang taon narin nang huli siyang makabisita sa Pilipinas.


"You okay? Tulala ka nanaman. Simula ng pagkarating natin sa Pilipinas ganyan ka na. Reminiscing moments?" Ngiting sabi sakin ni Aldrenn at nginitian ko lang siya. Alam niya ang storya ko kaya alam kong naiintindihan niya ako. Siya lang naman ang nasabihan ko ng problema nang nasa ibang bansa ako kaya mapapagkatiwalaan ko siya.


"Okay lang ako Aldrenn. Don't need to worry about me." Tinaasan niya ako ng kilay pagkasabi ko nun.


"Look, don't smile if you don't want to. Halata namang peke eh." Pinitik niya ang noo ko at ngumiti siya sakin. 3 years narin akong nililigawan ni Aldrenn pero hindi ko pa siya sinasagot. Ayoko siyang gawing rebound. Gusto ko muna makasigurado na okay na ako, na ready na ako para sumubok ulit sa panibagong relasyon.


"Thank you for always being there Aldrenn." Ang swerte ko talaga at nakilala ko siya. Siya rin ang tumulong sakin habang nasa ibang bansa ako. Kaya malaki ang utang ng loob ko sakanya.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon