"Naulit Muli"

89 3 1
                                    

"Naulit Muli"

I. Ang bilis mong pumasok sa puso ko
Ganon Karin kabilis nawala sa buhay ko
Bakit biglang nagkaganito
Nagkahiwalay agad tayo.

II. Nung una nalilito pa ako sa nararamdaman ko
Hindi ko alam kung paano ko mapapadama sayo
Pinipigilan ko Ang sarili ko mapalapit sayo
Dahil ayaw ko ng masaktan dahil takot na ako.

III. Bawat araw na magkausap tayo
Marami akong bagay na nalaman tungkol sayo
Maraming bagay na magkaparehas tayo
Kaya unti unti nahulog ako sayo

IV. Dumating Ang araw na masaya na ako
Na meron na akong nararamdamam para sayo
Nasasanay na ako sa mga ginagawa mo
At hinahanap ko na Ang isang tulad mo.

V. Nang dahil sayo , sumaya ulit ako
Nagkaroon ulit ng kulay Ang madilim Kong mundo
Bawat araw na magkausap tayo , kontento ako
Natuto ulit Magtiwala para sayo.

VI. Dumating na Ang araw na kinakatakutan ko
Ang Masaktan ulit ng dahil sayo
Dahil sa isang pagkakamali ko
Iniwan mo at nawala ka na sa buhay ko.

VII. Ang bilis lumipas ng panahon
Dati rati araw araw na magkausap tayo
Pero ngayon tumahimik na ulit Ang mundo ko
Ang naiwan nalang Ang mga Alaala mo.

"Naulit Muli"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon