Sorry for the typos.
Three
"Aldrenn, mall lang ako." Sabi ko sakanya habang inaayos ang laman ng bag ko. Tumayo siya sa pagkaupo at lumapit sakin.
"Samahan na kita." Ngiti niya sakin at dire-diretso sa kwarto ko. Nandoon rin kasi ang iba niyang damit miski katabi lang ng room ko ang room niya sa apartment na inuupahan namin. Hindi na niya inantay ang sagot ko, miski naman kasi pagbawalan ko siya sasama at sasama parin siya. Nasanay narin kasi siyang lagi akong kasama at syempre nakasanayan ko narin.
"I'm done!" He cheerfuly said pagkalabas niya ng kwarto ko. Simple lang ang soot niya. Gray v-neck na t-shirt at pantalon. Ako naman ay t-shirt lang rin at pantalon dahil hindi niya ako pinapayagan na mag short pag lalabas. Kahit nung nasa ibang bansa pa kami ganun talaga siya. Sabi niya ayaw niya lang daw mabastos ako. Syempre alam ko namang concern lang siya sakin kaya sinusunod ko nalang siya.
"Let's go?" I asked him at nginitian niya ako. Dinukot niya ang kamay ko na walang hawak at ininterwined ang fingers namin habang papalabas kami. Ganto siya lagi, gusto hhww kami. Napangiti nalang ako. Medyo may pagka-posessive rin siya miski hindi naman kami.
*
Nasa supermarket kami habang namimili ng pagkain para may stock ng pagkain sa apartment. Sinabihan ako ni Aldrenn na may call of nature daw siya kaya dali dali siyang umalis. Ang cute cute ng mukha niya eh! Halatang pigil na pigil na. Nalaman kong kanina pa pala niya pinipigilan ayaw niya lang sabihin sakin kasi ayaw niya daw akong iwan. Syempre, sino ba namang hindi kikiligin?
Habang pumipili ako ng mga gulay na bibilhin, hindi ko namalayan na may nabangga ko na pala yung cart ng iba.
"Sorry M——" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko kung sinong tao ang may hawak ng cart na nabanggan ng cart ko.
*
Arli's POV
Sinadya kong banggain ang cart ni Jam nang makita ko siya. Of all places dito ko siya makikita? Napangiti ako ng palihim. All of these years na nag tatago siya bigla siyang mag papakita? That's odd. Kala ko pinatapon na siya sa ibang bansa, hindi ko naman alam kung anong dahilan. Pero sana kung saan man siya nag tago ng mga nakaraang taon nanatili nalang siya dito.
Kasi as the matter of fact, parang wala na siyang karapatan na bumalik dito sa Pilipinas. Anong babalikan niya dito? Ang mga parents niya ay nasa ibang bansa narin, at alam ko ang mga pinsan niya ay sumunod na rin. Anong kailangan niya? Babalik para sa reunion? Silly bitch. Alam ko na kung ano talaga ang binalikan niya sa Pilipinas.
"Oh, look who's here? Hi Jam!" I cheerfuly cheered. Of course, plastik. Sino ba namang matutuwa na makikita mo ang impokritang babae na sinaktan ng todo ang minamahal mo? Oo alam kong tatlong taon na ang nakaraan. Pero syempre, hindi mawawala sakin ang uyam ko sakanya.
"A-Arli." Napansin kong parang nanigas siya sa kinatatayuan niya. I smiled. She didn't expect to see me huh? Impokrita! If I know, alam niya na malapit sa lugar na to ang bahay nila Aron.
"Hey, It's unexpected to see you here. Kamusta ka na?" I asked her with my innocent smile. Of course, ang kontrabida hindi agad nag mumukhang kontrabida sa umpisa. You use your fake kindness para linalangin sila.
"Ah— oo." Natawa ako ng palihim dahil trying hard siyang i-maintain ang poise niya. Silly bitch. Pinadala sa ibang bansa pero ganyan parin? Bakit 'to nagustahan ni Aron? Pwe.
"Okay lang ako. Ikaw?" She asked and smiled. With that smile? Ew! Hindi ko talaga alam kung bakit nagustahan ni Aron ang babaeng katulad nito.
"I'm doing great! Ang balita ko pumunta ka na ng ibang bansa ah? Bakit bumalik ka pa?" I said as I slowly put my charming smile para hindi magmukhang pinapalayas ko siya even though that's the real meaning about this shit.
"Ah, I have important things to deal with." Ngumiti nalang ako miski gusto ko nang matawa dahil hindi niya ma-maintain ng maayos ang poise niya. Kinakabahan siya? Why? Aba ewan ko ba dito sa babaeng 'to.
"You don't need to be nervous. Pero hindi naman sa nang hihimasok sa privacy mo but what is that important shit to deal with mo?" I said maintaining my poise. Even though that cuss came out of my mouth.
"Ah, personal kasi. Sorry. Mauuna narin ako if you don't mind." Sabi niya at iniliko na ang cart niya, so she's avoiding me now?
"Hey that's mean. Hindi pa tayo tapos mag usap. By the way, are you coming to the reunion?" I asked. Kasi kung hindi siya bumalik para sa reunion, I would know what the important shit is. Dahil may duda na ako.
"Reunion?" She asked innocently. I tsked. Siguro kasama sa important shit niya ang pakikipag balikan kay Aron? In her dreams! Akin na si Aron simula nang hiwalayan niya ito. If she's planning to get Aron away from me I won't let her. She's not a threat though, she's a shit. But still, I won't let her ruin it.
"Highschool reunion. Me and my Honey, Aron, are coming. How 'bout you?" I asked smiling. Ngawit na ata ako sa kakangiti ng peke, this shit. Nakita ko sa mata niya na nagulat siya sa sinabi ko. Ah, my honey Aron? Totoo naman ah. In her face! Kami na ni Aron and she can't do anything to ruin it. I won't let her.
"Ah pagiisipan ko." She said at tuluyan nang niliko ang cart niya. Aww poor little bitch. Ayan kasi iiwan mo tapos babalikan mo? Wala ka nang babalikan. It's been three years. Nasa reyalidad tayo, wala tayo sa fairy tales na pag balik mo mahal ka parin niya. Bago siya tuluyan na umalis hinawakan ko siya sa braso and showed her my sweet little fake smile.
"You can bring a date rin daw kaso isa lang. Even hindi natin ka-batch it's okay. For more information? I guess open up your social account. See ya!" I said and walked out. I won't let her be the one to walk out, in every conversation, ako lagi ang nag wa-walk out. It's time for a rivalry eh? I'll show her what I can do.
*
Feel na feel kong isulat ang POV ni Arli. Hihi.