M.U.
Mula sa pagkabata, ikaw lang ang umunawa,
Sumama sa'king kalungkutan, maging sa pag-iisa;
Ikaw ang tanging nagmahal sa mahinang ako,
Umalalay, di nang-iwan, sa durog kong puso.
Mga salita ng taong mahirap maintindihan,
Isang salita lang maraming nais ipakahulugan,
Kumpara sa "ting dalawa, iniisip ay iisa,
Walang paliwanagan, mga hinaing ay alam na.
Minsan di ko alam kung ako lang talaga'ng may kulang,
Ginawa ko na lahat para sila'y maunawaan,
Pero pinakamalakas kong sigaw ikaw lang nakarinig,
Talagang ikaw lang ang may tenga para sa aking tinig.
Sa totoo lang hindi ko talaga sila kailangan,
Mga multi-lingual na halimaw di ko maunawaan,
Sa gitna ng kalungkutan ikaw lagi ang pupuntahan,
Sa salamin ay kakausapin, "Kaya nating lumaban!"
#TAGA-ILOG09 04-22-2015 Mga salitang hindi mailabas ng bibig. Mga imahinasyong hindi maisabuhay. Mga damdaming hanggang bulong na lang. Salamat sa wattpad. Salamat sa bagong pluma na naging medium of expression ng karamihan. :)
(c) Published in SBC StorPpy Inklings.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.