Chapter 2

85 5 4
                                    

Start of war.

KATHRYN

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama yung mga kaibigan ko.

Andito ngayon si Liza at Janella. Si Julia yung nag-order ngayon.

Siya yung nakatokang manlibre eh. Bukas ako naman yung manlilibre. Oo ganito kami.

Katuwaan lang naman na naging habit na namin tuwing nag-lulunch.

"Ughh! Kath, hindi talaga ako maka move-on about what happened a while ago eh. Lakas ng loob ng Julia Bruhildang iyon to make away with you, huh? Isn't she afraid that you will make her paalis in this school?" Nanggagalaiti na sabi ni Janella.

Conyo alert. Napatawa ako.

"Nako, Janella. Ikaw talaga. Mahal mo talaga ako eh no?" Humalakhak ako. "Okay lang iyon. Kayang-kaya ko naman yung bruhang iyon eh. Try niya lang. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya." Sabi ko.

"Alam naman namin iyon, Kath eh. Ikaw pa. Kaya nga hindi na kami naki-alam sa inyo kanina. Enjoy nga yon eh. Parang nanonood lang kame ng movie. Kulang nalang pop corn. " Biro ni Liza at humalakhak.

Hay sa wakas naman bumalik na siya sa dati. PMS lang talaga siguro iyon kanina.

"Oo nga eh. Enjoy na enjoy kayo kanina." Sarcastic na sabi ko.

Tumawa sila.

"Oh! Julia's here already. Salamat naman. I'm like so gutom na kaya." Alam niyo na kung sino nag sabi niyan. Sino ba yung conyo dito?

Edi si Janella. I chuckled at my own thoughts.

"Thank you naman at dumating kana best. Parang balak mo kame patayin sa gutom eh." biro ko kay Julia. Tumawa kami.

Teka. Ba't parang galit na galit siya?

May binubulong-bulong pang kung ano-ano eh. Narinig ko ngang sinabi niya 'Akala mo kung sinong gwapo' with matching pairap-irap pa.

"Anyare sa'yo?" Tanong sa kanya ni Liza.

"Oo nga. Ba't parang di maipinta yang pagmukha mo? Nagkasalubong ba kayo nina Julia B?" Tanong ko.

Eh kay Barretto lang naman yun nagiging ganto ka galit eh.

"Hindi! Mas malala pa don! Sobrang malala. Kilala nyo si Katsumi?!" pasigaw na sabi niya habang nilalapag yung mga pagkain sa mesa.

"Ah, oo. Siya yung-" Pinutol ako ni best.

"Oo siya nga! Yung hilaw na naka-glasses na feeling gwapo na super yabang na napakapangit. Tama! Siya yun!" Dire-diretsong sabi niya. Galit na galit talaga eh.

"Anong oo, eh wla pa nga akong sinasabi?" Bumuntong-hininga ako. "Tama na nga yan. Kumain muna tayo. Magta-time na hindi pa tayo kumakain. Mamaya na natin pag-usapan yan." Sabi ko kay Julia.

30 minutes nalang kasi bago mag time. Antagal pa naman naming kumain.

"Yah. You're so tagal kaya! I'm like so gutom na talaga. Kaya let's make kain muna bago tayo mag make usap about your problem, okay?" Sabi ni Janella.

"EH KUNG KAYO KAYA YUNG NANDON TINGIN NIYO HINDI KAYO MATATAGALAN?! EH SA BW*SIT YUNG KATSUMING YUN EH. BAKLA TALAGA! SARAP SAPAKIN HANGGANG SA MAMATA-- ARAY!" Napasigaw siya. Sbay-sabay kasi naming binatukan si Julia. Paka-ingay. Sinabing mamaya na eh.

Sama ba namin? Hindi naman. Maganda lang talaga ako.

Napabuntong-hininga ako. Hindi nalang namin pinansin si Julia at nag start na kaming kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating the Casanova (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon