2

8 0 0
                                    

Nung gabing yun, nakadapa ng position si Natalie sa higaan niya habang nakadikit ang cellphone nito sa tenga niya, tinatawagan si Jonathan.

"Hello?" Sagot ni Jonathan sa kabilang linya.

"Bes! Binilhan na naman ako ni Anonymous ng mga paborito kong chocolate." Sabi ni Natalie, "Nakita ko sa harap ng pintuan ng dorm ko."

"Oh talaga?" Sabi naman ni Jonathan, "Edi mabuti."

"Alam mo, minsan naiisip ko, paano kaya kung si Clarence yun."

Nabingi yata si Jonathan, "Ano? Paki-ulit?" Sabi niya.

"Sabi ko, paano kung si Clarence ay si Anonymous."

"Bakit siya?"

"Malay mo, it's a miracle."

"Tanga. Kanina niya nga lang nalaman ang pangalan mo, tapos si Anonymous na halos magdadalawang taon ng naka-anonymous, hindi nagpapakilala kung sino siya, nagbibigay ng mga kung anu-ano lalo na pag malungkot ka, tapos maiisip mo na siya si Clarence? Ang labo."

"Eh bakit ba?"

"Hindi siya yun."

"Paano mo nasabing hindi siya?"

Natahimik bigla si Jonathan. Ang hindi alam ni Natalie, na kausap na niya si Anonymous. Oo, totoo yun. Kaso hindi maamin amin ni Jonathan dahil masyadong in love si Natalie sa mayabang na Clarence na yun.

Kaya rin hindi handa si Jonathan na sabihin sakanya, dahil ayaw niyang lumevel up nga ang relasyon nila kung sakali, tapos maghihiwalay din pala sila, edi sayang rin ang friendship nila simula pa nung mga bata pa sila.

Mas importante kay Jonathan ang kung anong meron sila. Okay na siya doon. Basta makita niya lang si Natalie na masaya, doon siya, at susuportahan niya pa.

"Huy!" Sigaw ni Natalie sa phone.

"Ha?" Nawala yata si Jonathan sa kakaisip.

"Bakit bigla kang natahimik?"

"Ano? Sus, wala."

"Ows?"

"May tanong ako."

"Go." Simpleng sabi ni Natalie.

"Paano kung nahuli mo na si Anonymous, anong gagawin mo?"

"Anong anong gagawin ko?"

"Pag nagkaroon na sya ng lakas ng loob na ligawan ka, may chance ba siya?" Pinagpawisan tuloy si Jonathan sa kaba sa pwedeng maisagot ni Natalie.

"Depende." Simpleng sagot naman niya.

"Dependeng ano?"

"Kung type ko siya." Sabi ni Natalie, "teka nga, ikaw yun no?"

"Ha? Anong ako?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jonathan.

"Ikaw! Ikaw yun diba?"

"O edi sige, ihalimbawa natin na ako yun, may chance ako?"

Medyo natagalan ng pagsagot si Natalie, "Depende." Sabi niya.

"Depende na naman?"

"Bakit? Gwapo ka naman, mabait, nasayo na ang lahat." Sabi ni Natalie.

"O tapos?"

"Imposibleng ikaw, bes,"

"Bakit?"

"May iba akong gusto, iba rin ang gusto mo. So imposibleng ako ang liligawan mo at imposibleng ikaw si Anonymous." Sabi ni Natalie, "at imposibleng ikaw si Clarence."

"Ang korny mo."

"Pero mahal mo ako."

"Oo."

"Eww, malandi."

"Tanga. Matulog kana nga."

"Wala akong kasama dito." Sabi ni Natalie,

"O tapos, problema ko ba yun?" Asar na sagot ni Jonathan.

Ganyan sila kaclose. Minsan, mapagkamalan mo silang magsyota.

"Hindi. Jan nalang ako matulog sa inyo." Sabi ni Natalie.

"Makaistorbo kapa sa bahay. Tulog na sina papa."

"Jusko, mukha bang may gagawin tayo sa kwarto mo? Ikaw ha." Sabi ni Natalie.

Namula bigla si Jonathan, "Gaga. O sige na, sunduin nalang kita." Sabi niya.

Just Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon