Kung ikaw ay masaya tumawa ka!

1 0 0
                                    

Hindi lahat ng naririnig mong tumatawa ay masaya. Naranasan mo na bang kahit punong-puno ka ng problema't suliranin sa buhay eh nagagawa mo paring tumawa?

Wag ka mag-alala hindi ka nag-iisa. Bakit natin kailangan magmukmok diba? bakit natin kailangan dibdibin kung wala ka namang dibdib. haha! joke lang ikaw naman masyado ka ng seryoso. Anyway, balik tau sa usapan minsan kasi kahit anong lungkot at anong hirap ang nararamdaman mo kailangan mong tumawa tulad nito. hahaha! oh diba dahil sa pagtawa kahit papano naiibsan yung lungkot na nararamdaman natin.

Bakit nga ba tayo nalulungkot? ah! alam ko na kasi di na tayo tulad noon nung panahong puro laro lang yung inaatupag natin, yung tipong pagkatapos ng eskwela pag uwi diretcho lang sa panonood ng anime, paglalaro ng piko, text at iba pa. Oh diba! yun kasi yung mga panahon na wala tayong iniisip kundi tumakas kay mama dahil pinipilit nya tayong matulog sa tanghali. hahaha! kaya hindi ako tumangkad eh kasi pagtapos maglunch at matutulog nagkukunwaring tulog ako at pagtulog na si mama tatakas na ko para makapaglayo at puntahan yung mga kababata ko sa labas na kanina pa naghihintay.. haay! ang sarap isipin wala kang ibang iisip kundi maglaro at magpasaway lang eh ngaun eto na nagkakaedad kaya dumadami ang responsibilidad. Tumatagal ang buhay lumulungkot. Oops! huwag kang malungkot kapatid alam mo kung bakit kasi kahit lumulungkot ang buhay dun naman natin natututunan na masarap paring mabuhay.

Naalala ko pa noon, late na ko umuuwi madalas nga may dala ng pamalo si mama para sunduin ako at pauwiin hahaha! dun ko narealize na may frat pala kami ni mama. Ang bilis ng panahon si mama na malakas pang pumalo noon ngayon unti-unti kong nakikita na nagkakaedad na kung dati wala akong kahit anong plano sa buhay at ang tanging naiisip ko lang e yung maghanap ng trabaho hanggang yun nga nagkatrabaho ako at dun ko din nakita na ang hirap palang kumita kaya naiintindihan ko na kung gaano kahirap yung role ni mama sa bahay bilang ilaw ng tahanan.

Nakakarelate ka ba? haha masarap balikan yung pagkabata na halos hihingi ka lang sa magulang at wala kang ibang iisipin kundi mag aral lang na may halong lakwatsa haha pero ngayong malaki kana at nakakapagtrabaho na isipin mo naman kung paano tutulungan yung magulang mo. Simpleng pasasalamat sa kanila dun sa mga sakripisyong ginawa nila para sayo. Kasi wala naman silang hiniling kung mabigyan ka ng magandang kinabukasan.

Oh wag ka ng malungkot kaya ang problema tinatawanan lang yan bakit? kasi pumapatong patong lang yan at nadadagdagan haha! sayang naman ang life kung sasayangin mo lang sa pagiging malungkot at pagiging problemado hindi ka naman siguro ipinaglihi sa sama ng loob hahaha! kaya go with flow and move on! owrayyt haha!

At alam mo ba kung ano ang sekreto para maging masaya? Sige! bibigyan kita ng konting tip pare.
Una, matulog ka ng sapat . Bakit? syempre para yung mood mo maging maganda at yung pakiramdam mo syempre.
Pangalawa, kumain ka ng tama hindi marami at hindi kulang. Kumain ka ng tama at masustansya para maging malusog ka.
Pangatlo, wag mo ikumpara sa iba kung ano at saan ka ngayon. Kung successful na sila hayaan mo time nila yun kasi ikaw may tamang time din para sayo. Be patient ika nga nila.
Pang-apat, mag dasal ka. Kausapin mo ang Panginoon. Bakit? kasi sya ang magbibigay sayo ng tamang desisyon at sya din ang gagabay sayo sa tamang landas.
At pang lima, ikaw ang magmokotivate sa sarili kung pipilitiin mong maging masaya sa buhay. Tandaan mo choice mo ang maging masaya sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano maging masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon