Chapter 90

647 44 100
                                    

Ferdinand POV

Nasa tabi ko na si Imelda at nagbabasa ng libro

Ako naman ay hindi mapakali sa aking kinauupuan. Nag-iisip ako kung ano ang maaaring gawin para maakit ko ang kaniyang atensyon

Nang lumingon ako sa kanya ay nakikita kong pokus ito sa pagbabasa ng kaniyang libro

Librong ilang buwan na ding naka stand-by sa nightstand dito sa kwarto

"Hindi mo pa ba iyan natatapos?" panimula ko

"Hindi pa" sagot nito habang ang mga mata'y nasa basahan parin

Sabi ko ng aba Ferdinand eh, mag-isip ka pa. Marami pa kayong pwedeng pag-usapan

"So.. how are your projects?" patanong ko nanaman

"Maayos naman" ang tanging naging sagot nito

"If there's anything you need assistance for, andito lang ako" pasabi ko sa kaniya

At siya'y tumango lamang na parang hangin ang kausap

Parang wala na siguro kaming mapag-uusapan nito

Kaya ay tumayo nalang ako at dumiretso sa banyo para umihi at maghilamos nang biglang nagsalita ulit si Imelda

"Though there's this problem with the hospital. We have a shortage of medical practitioners. Nainip na siguro sa paghihintay dahil ongoing pa ang pagpapagawa nito. Siguro mga next month pa ito magso-soft opening"

"Ah, I see. Sige, I will call the head of the health department to gather all of the doctors with brilliant minds" sagot ko naman sabay ngiti

Habang papasok naman ako sa banyo ay bigla akong napadapa sa sahig

Imelda POV

Habang ako'y nagbabasa at nakita kong biglang bumagsak si Ferdinand sa sahig

Nagulat naman ako at daling nakatayo at dumiretso sa kaniya

"What's wrong?" tanong ko habang nakaluhod at nakapatong ang isang palad ko sa kaniyang likod

"Ang sakit" sabi nito habang hawak hawak ang tagiliran

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka bumalik nanaman ang kaniyang sakit

Bigla akong nag-alala at nataranta habang nakatingin lang sa kaniya. Walang alam sa kung ano ang dapat kong gawin

"Saan diyan? Doon ba sa kung saan ang masakit noon?" taranta kong pagtatanong

Ano ba ito? Hindi ko alam kung aalalayin ko ito papuntang kama, lalabas at hihingi ng tulong o didretso na sa telepono para tumawag ng ambulansya?

Gusto kong nalang umiyak. Ang bilis na ng takbo ng dibdib ko

"Sakit" ang paulit-ulit na sabi ni Ferdinand

"Saan ba kasi? Ano ba ang masakit?" tanong ko nang tanong sa kaniya

"...ang mawala ka" dagdag naman nito

Bigla namang natunaw ang pag-alala ko at naiba na patungong pagkainis

"BWISIT HA?!" galit ko sabay tulak sa kaniya at tumayo na rin ako

Nakakairita

Parang bata itong lalaking ito

Nakita kong tawa lang ito ng tawa parang kinikiliti ng mga diyablo

"It's not funny, Ferdinand" sabi ko sa kaniya nang pinapahalata sa aking mukha na galit ako

"Of course it is!" tawa niya parin habang papalapit sa akin

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon