[ Zoe's POV ]
'Pagkatapos ng graduation ko eh pumunta muna ko sa probinsya kasama si papa. Wala na kong balita sakanya. Nagpalit ako ng number, lumipat ako ng bahay at doon tumira muna sa tito kong medyo malapit lapit ang bahay sa papasukan kong paaralan. Hindi ko pa nasasabi sa mga bakla since busy kami at wala nang panahong magkita.
Pare-parehas kami ng papasukang paaralan ang alam ko. Pero hindi na yata kami magkakaparehas ng mga kurso. Biglang nagbago ang isip ko pati ni Anton. Si Jhun at Lester pinagpatuloy ang international studies. Si Anton medtech daw habang ako ay nag banking and finance. Kunwari daw matalino ako sa math! Accounting lang naman 'diba? Bahala na katabi ko dyan!! hahaha!
Nandito ako sa LRT 2. Umaga pa kaya walang tao. First day. Kinakabahan ako. Panibagong mga mukha nanaman ang makikita ko. Panibagong pakikisama, panibagong mga kaaway at kaibigan. Excited pero kabado.
2 months na ang nakakalipas.
hinahanap niya kaya ako?
tama ba talaga ang ginawa ko?
**FLASHBACK**
Kringgggg!
Pangwalong tawag na ata na tawag ni Brian gamit ang cellphone ni Ate Shin. Alam kong si Brian 'to. Alam ko na hahanapin niya ako.
Gustong gusto ko sagutin pero ayoko, hindi pwede.
Kringgg!!
Nasa byahe pa lang ako tumatawag na siya. Noong umalis ako sa ospital sinabi ko sa sarili ko na kahit pagkausap sakanya hindi ko na gagawin.
Ito ang tama...para sakanya.
Umuwi ako sa bahay at wala si papa. May susi naman ako kaya okay lang.
Pumasok ako nang kwarto at humiga.
Ang mahalaga magaling na siya.
HAYS.
ting!
Messages? Kanino galing?
Ate Shin 09*********
Nasaan ka? hinahanap ka ni Brian kanina pa.Ate Shin 09********
Hoy! Ano? Walang bayad ang pagsagot ng tawag!Ate Shin 09********
Miss ka na niya.Inoff ko ang cellphone ko at tinanggal ang sim card. Basta okay na siya diba? Ikaw naman ang nagbigay ng ganito e. Panindigan mo dapat.
**End of FLASHBACK**
Nakarating ako sa station na bababaan ko. Naglakad ako at sumakay ng tricycle.
Hays Zoe. Ang dami dami dami mong iniisip! Move on! Move on! MOVE ON!!
Teka nga isip ako ng isip anong oras na-
7:30 na!! 30 minutes nalang magsa-start na! BALAK KO PA NAMANG 30 MINUTES BEFORE NASA SCHOOL NA AKO!!
Hala! May aayusin pa kong problema sa admin eh!
"Manong pakibilisan naman po ng takbo!"
"EDI MAUNA KA! NAGMAMADALI MASYADO." Galit na sabi ni manong driver saken!
ABA! ANG INIT NG ULO?
Akala mo kung magalit parang nakikisakay lang ako rito ah? Excuse me, pasahero po ako!!
hays! Pag pinatulan ko baka pababain ako eh!
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Novela Juvenil"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^