Chapter 57: Revelation

84 4 0
                                    

Eto na yung araw na pinakahihintay ko dahil uuwi na mamaya ang pinakamamahal kong Michael. After 4 months of waiting, finally! Magkikita na ulit kami and take note, isang buwan pa waaaah!

Syempre kami ni Mother ay abala sa pag aayos ng decorations. Nagpa cater na din sya dahil madami daw ang pupunta mamaya dito, kasama ofcourse ang relatives nina Michael na hindi nakapunta noong despedida party nila.

"Anak, didiretso na daw sila dito pagkagaling ng airport. Maligo ka na at maya maya ay madami ng bisita" syempre dahil excited ako, dali dali akong pumunta ng bahay at naligo. Nagbabad na din ako at nagpagupit ako kahapon kyaaaah!

1 new message received. Agad ko namang binasa ang natanggap kong mensahe. Sa sobrang abala ko ay hindi ko na din napansin ang cellphone ko.

From: James

Hindi ka na nagtetext. Busy ka? Sama ka naman mamaya sa amin, may dinner kami.

Hindi ko muna nireplayan si Jf. Knowing him, masyado syang matampuhin. Kaya I'm sure kapag tumanggi ako, hindi ako papansinin non.

-

ANDYAN NA SILAAAA! Sigaw ng nanay ko. Syempre nag formation kami ng mga relatives ni Michael. Hawak ko yung banner at itinaas ng husto para makita nila agad.

Pagkababa naman nila ng kotse... Niluwa nito si Michael at ang mga magulang nya. Nagkatitigan kami at sa tingin ko naluluha na ako.. Totoo ba lahat ng to?

Nilapitan nya ako. Binitawan nya ang mga dala nyang bagahe at niyakap ako ng sobrang higpit. Gaya nya ay sinunggaban ko din sya ng yakap. Ramdam ko ang pagmamahalan namin. Ang bagay na hindi nawala kahit na lumipas ang madaming buwan na hindi kami nagkasama.

"Kamusta ka na? Ang taba mo na ah! Grabe namiss kita" sabi ko sa kanya. Naging mas presentable pa ang kanyang itsura pero nakakapanibago dahil may kulay ang buhok niya.

"Ako din. Ang tagal ko inantay to! Ngayon kasama na ulit kita" niyakap nya akong muli at hinalikan ang aking buhok. Naluluha na din sya.

"Tama na muna yan. Pasok na tayo sa loob, may inaantay pa pala tayong bisita. Sina Tita Silvia mo malapit na daw" sigaw ni Tita Mel sa amin.

Syempre hanggang sa pagpasok ay magkahawak kamay kami. Magkatabi kami sa Dining Area habang iniintay ang natitira pang guest.

Halos kinse minutos na kami nag aantay. Nainip na din si Tita Mel kaya nag abang na lamang sya sa may pintuan nila. Sino ba naman kasi yung sobrang pa special na taong yun? Hindi ba nila alam na nawawalan na ng init yung pagkain. Hays naman oh.

"Federicko! Silvia! Nandito na kayo sa wakas" hiyaw ni Tita Mel. Wow Federicko? Kapangalan nya si James ha. Parehong pang matanda hahaha.

When they reached the dining area ay agad na tumayo si Michael at inakbayan si.... JF?!

Nagkrus ang mga mata namin at maging sya ay nagulat ng makita nya ako. Bakit sya nandito? Hindi kaya... Si Michael yung sinasabi nyang pinsan nya? Oh my god! Hindi ako makapaniwala.

We acted na parang hindi kami magkakilala pero sa akin sya tumabi. Hays nang aasar yata tong mokong na to.

"Ka ano ano mo si Michael?" Bulong nito sa akin pero hindi ako kumibo. Ayokong mahalata kami. Kailangan ko pa ng madaming tanong at kwento mamaya.

Tahimik ang pagkain namin. Ang matatanda lang ang maiingay. Ang awkward naman kasi talaga e. Bakit ba hindi ko natanong noon pa man yung middle name ni Jf?! Yun pala isa syang parte ng pamilya Burgos.

Nang matapos ang dinner, we headed to the sala. Pati si Jf nakasunod.

"Ano James! Hindi ka pumunta ng despedida party ko ah? Musta na?" Paninimula ni Michael ng usapan.

"Maayos naman. Masaya. Ikaw musta ang America? Pasensya na ha busy mga magulang ko kaya I decided na di na rin pumunta... By the way--" hindi na natapos ni Jf ang sasabihin nya dahil biglang sumingit si Michael.

"James, girlfriend ko nga pala. Si Christine"

Shocked written on Jf's face. Hindi maipinta ang mukha nya. After that ay naramdaman kong may kakaiba sa kanya..

"Kilala ko yang si James. Sya yung kinewento ko sayo na si Jf. Galing sa James Federicko"

"Oh really? Kaya pala kanina nagulat kayo haha. I'm glad magkasundo kayo! Hindi talaga ako makapaniwala" then he smiled a little bit. Talaga? Natutuwa sya? Pero bakit si Jf parang hindi..

"Likewise" matipid na sagot ni Jf habang papalabas ng main door.

"Ay nako Christine! Suplado talaga yan kaya masanay ka na. Tara, samahan mo ako sa taas. Aayusin ko gamit ko" I nodded pero habang paakyat kami ay hindi ko maiwasang hindi tumingin sa pintuan. Jf ano ba nangyayari sayo?

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon