•18•

9 1 0
                                    

Chapter 18

"Were back, baby." Untag ni Zyron at hinalikan ang pisngi ni Thea pagpasok namin sa kwarto niya.

Pinilit kong huwag gumawa ng reaksyon sa ginawa niya pero pati ata sarili ko eh tinataksil na ako..

Napaubo ako sa likod niya.

Napalingon siya sakin ng nagtataka. Walang ng ibang pumasok sa isip ko kundi pangatawanan na lang ang ginawa ko.. umubo ako ng umubo hanggang sa unti unting humina ang pag ubo ko.

"M-may parang bumara sa lalamunan ko. Sorry." Sabi ko at nagpeace sign pa. Yumuko kagad ako at umupo dun sa sofa.

Hindi ko naman namalayan ang pagupo din ni Zyron sa tabi ko, though may ilang inches ang pagitan namin pero feeling ko 1 inch lang ang pagitan na yun. Kahit na aircon dito sa private room na 'to feeling tumatagaktak pa rin ang pawis ko. Hindi ako feelingera sadyang feeling ko lang talaga yun. Whoo~ it's getting hot in here.

Wala na namang gustong lumabas sa bibig ko. I really don't know how to start a conversation with him since i felt this wrong feeling. Sheez, madalas na yata akong nagiging ganto pag kasama ko si Zyron. Para akong natatameme palagi, lalo na ngayon because he's just an inches away from me. Gosh.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ginaya ko naman yun. Pero parang mas lalo lang tumahimik ang paligid. Ininom ko yung natirang chocolate drink at nilapag sa glass table ang plastic cup.

"I really hope she'll be okay soon. Sana gumising na siya." Sambit niya habang nakatitig sa nakahigang si Thea. Nilingon ko siya at nakita ko ang malulungkot niyang mga mata. Para namang gusto ko siyang yakapin.

What? Oh god.

Pinilig ko ang ulo ko at binaling na lang din ang tingin ko kay Thea. Napabuntong hininga ulit ako at tumingin ulit sa kanya.

Malungkot pa rin ang mga mata niya. Oh god! Ilayo niyo po siya sa tukso baka ako'y hindi makapagpigil eh yakapin ko na lang siya basta.

Tumikhim ako ng ilang beses. 5 times to be exact bago bumaling ng tingin kay Thea. Thea patawarin mo sana ako.

"Matapang si Thea. I'm sure, malalampasan niya lahat ng 'to. Gigising din siya." Sambit ko. Gigising ka din at aayusin mo ang buhay mo.

Napansin ko ang pagangat ng labi ni Zyron sa gilid ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Mejo nagulat ako ng marealize kong nakangiti nga siya.

"You know what, i'm starting to be comfortable with you now." Sambit niya at tumingin sakin. Para naman akong hinabol at tumakbo ng napakalayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko nga eh naririnig niya 'yon kasi ang tahimik ng paligid.

Nagkibit balikat siya at binaling na ulit ang tingin kay Thea. Huminga ako ng malalim at bumuga ng mala-electric fan na hangin. Phew! Nababaliw na ako.

"Maybe because you're my girlfriend's bestfriend.." Napahinto siya. "I mean my fiancé's bestfriend."

Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin. If he's comfortable with me na edi meaning friends na kami?

"W-were friends na?" I don't know where did i get the guts to ask him that. I know we hated each other before pero possible nga kayang pwede kami maging magkaibigan?

"Yes."

What the heck. Pagkasabi niya nun eh may parang something na kumiliti sa loob ng tiyan ko. Ohmy! Ito ba yung sinasabi nilang butterflies in the stomach? Hindi ko namalayan ang pagngiti ko. Bakit parang kakaiba ang meaning ng yes niya sakin. Parang.. Parang sinasagot na niya ko. Choss.

Bahagya kong nasampal ang sarili ko at nagtataka naman siyang lumingon sakin. Tumaas ang isang kilay niya.

"B-baka kasi nananaginip lang ako. Hehehe." Saad ko at ngumiti na lang sa kanya.

Pero para naman akong natauhan sa sinabi ko at kagad na tinakpan ang bibig ko. What the heck did i just say?

Pero huli na ang lahat dahil ngumiti na naman siya at hindi ko na naman alam ang gagawin ko at feeling ko mahihimatay nako.

"Silly. You're not dreaming Dennise, maski ako hindi rin makapaniwala." Nakangiti at nakatingin pa rin nyang sabi sakin.

Wala na. Nahimatay nako.

--

Ala 6 na ako nakauwi ng bahay. Tumambay lang kami dun maghapon at nagkwentuhan ng nagkwentuhan, dumating naman si Tita't Tito eh mga ala singko na kaya umuwi na rin kami and hinatid naman ako ni Zyron dito sa bahay.

Hindi ko naman inakala na madaldal din pala si Zyron, palasalita at palaging nakangiti. Ibang iba ang Zyron na nakaharap ko kanina kaysa sa Zyron na kilala ko. I smiled at that thought pero nawala rin ng natauhan ako.

Kwinento din niya sakin kung pano niya nagustuhan si Thea which is a long story. Magbestfriend kasi ang mga Dad nila.. and as usual pinagkasundo silang dalawa. He was the first one who fell inlove.

Sabi niya..

Atsaka pareho kasi ang business na pinapatakbo ng pamilya nila, pero yung kina Zyron eh nakabased sa South America, kina Thea naman dito sa Pilipinas at buong Asia.

Pinihit ko ang seradura ng pinto ng kwarto ko at kagad na sumalampak sa kama.

Tinitigan ko ang ceiling at nagflashback lahat sa isip ko ang nangyari bago naaksidente si Thea. Simula nung nagbreak sila ni Patrick hanggang ngayon. Saka ko lang narealize ang mga sinabi ni Thea noong nasa 6th floor kami ng Eng. Bldg. Hiniwalayan niya si Patrick because she's already engaged with Zyron that time, yun pala yung ibig sabihin nun. She gave up her unrequited love for Patrick because of her family decision. May parang kumirot sa puso ko, mga bata pa lang kami hinahangaan ko na si Thea sa katapangan niya pero mas lalo ko siyang hinangaan sa ginawa niya para sa pamilya niya though it is really heartbreaking pero sinakripisyo niya yun. I don't really know the reason why did their parents arranged their marriage. Hindi ko rin alam na hanggang ngayon ay pwede pa rin palang mangyari 'yon. Pano kaya kung ganon din ang gawin sakin nila Mommy? Ipapakasal din kaya nila ko sa taong hindi ko mahal?

Naputol ang malalim kong pagiisip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sinong nagtext.

Si Lanz.

Sabay daw kaming pumunta bukas kay Thea. Nireplyan ko naman kagad siya ng sure pagkatapos ay tumayo ako. Kumuha ako ng pangtulog at dumeretso sa banyo.

Bigla namang nagflashback sa isip ko yung mga ngiti ni Zyron kanina. Hindi lang ako makapaniwala. His smile. It's natural. He really looked good when he's smiling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon