This story is a work of fiction. Any characters, names, events, places, businesses and other incidents are either product of the authors imaginations or used in a fictitious manner. Any relations to the persons "dead or alive" is purely coincidental.,
Proudly present "Heart Breaker"
© 2022 Aries Cunanan, All Rights Reserved.
People said if their hearts broke, they won't love and let others broke it again.
Sila yun, not me. Lagi ko kasing naiisip na baka nagawa nila yun because they were not ready at that time, right?.
Pero dahil lagi kong kino-consider yun as an excuse nag mumukha lang pala akong tanga.
Actually there's no excuses when you want to hurt someone, it's your choice to hurt them. Pero kung ako ang papipiliin hindi ko iyun gagawin.
You know what hurts me the most?. Naging bulag ako, I didn't even know na dumating lang siya to distract me. I wish I knew it first.
*****
(Messenger rings)
Naka dalawang tunog ang aking cellphone ngunit hindi ko ito pinansin dahil as usual puro GC lang naman ang mga iyon.
Nakayari na akong mag sulat nang biglang tunog nitong muli, at sa pagkakataong iyon ay dinampot ko na ang aking telepono upang tignan kung bakit ang ingay ng aking Messenger.
Sa pag scroll ko ng mga messages ay may isang pangalan ang siyang nag palaki ng aking mga mata. Hindi ko inaasahang mababasa kong muli ang pangalang iyon sa aking Messenger.
May biglang paro parong para bang nais kumawala sa aking sikmura, hindi ko mapigil ang pag pintig ng aking dibdib.
Nag mistula akong statwang hindi makagalaw, naninikip ang aking dibdib. Kinikilig ako?
KINIKILIG AKOOO!..
Binukas ko ang mensaheng aking natanggap. "Kumusta ka?" Tanong ng lalaking kay tagal ko nang hindi naka usap.
Anong sasabihin ko? Kinakabahan ako!.
"Ayos naman, ikaw?" Tugon kong may panginginig pa ang aking kamay sa pag pindot ng send button.
"Ayos pa naman, eto humihinga pa awa ng diyos." Pabirong sagot nito.
"Amen. Haha" Ang siyang tanging naitugon ko.
He's my childhood friend or should I say, MY CHILDHOOD CRUSH. It's been 5 years since they migrated to Canda, duon kasi nag tatrabaho ang Father niya at dahil duon pinilit silang mag migrate kahit pa labag ito sa kalooban niya.
"Libre kaba today?" Tanong niya.
"Nasan kaba?."
" Anyway buti marunong kapang mag tagalog 5 years na kayo diyan sa Canada ah?" Balik na tanong ko naman sa kaniya.
"Oh bakit hindi naman aber? Baka nakakalimutan mong 16 years old na ako nu'ng umalis kami" Mabilis na sagot niya.
"Nasa pinas na ako ulit aayain ba kita kung nasa Canada pako?" Pilosopong dugtong pa nito.
Sabagay bakit niya ako yaya-yain kung wala pa siya dito, Ano iyon may lumilipad na ticket to Canada na sumalpak sa mukha ko? Ka swerte ko naman sa part na'yon! HAHAHAHAHA.
"Huwag kang magalit, malay ko baka ilibre mo pa akong ticket pa Canada diba? HAHAH" Pabirong sagot ko naman rito.
"Ano, are you free today or not?" He said.
"Sungit mo naman." I answered. Napaka sungit naman kasi, siya nangalang itong nag aaya ay siya pa tong mag susungit?.
"Hinde oy, pasungit mo atang binasa eh." Sagot muli nito.
BINABASA MO ANG
Heart Breaker
General FictionThis is the story of Nick Guzman, also known as Nicky who was openly gay that the only thing he wants is someone who can appreciate and give the same effort as he give. When Nick meet his old friend Jake that he admired for so long, he taught that J...