Lose in the Game: One Shot Story

99 3 0
                                    

I love inventing and playing games. I even played my own feelings. I hate falling. I even hate losing. But after that immature trick, I lose the game and never regreted it.

Because I realized...

Losing is also a key to success.

CHAROT!

Copyright © 2017 by mEesoR

EDITED

A/N: This was written under my other account (orderoftheangels). Nilipat ko lang at binuhay muli, may konting pagbabago lang naman. Yun lang, enjoy reading!

~¤~¤~¤~

Fourth year highschool ako noon nang may na-imbento akong laro na ako lang ang nakakaalam. Sounds insane, right? Pero teka basahin nyo muna yung kwento ko nang maintindihan nyo ako.

Napaka-inosente kong tao. Never pa akong nagka-interest sa kahit na sinong lalake noon. Maybe because I'm avoiding it.

Walang crush, walang iniibig, as in wala. Kahit basketball player, nerd o dancer pa yan. Akala ko na-tomboy na ako, pero hindi talaga. Buti nalang kasi sayang lahi, duh. Wala lang talagang nakakuha nang atensyon ko non. Not until he came.

Second week ng klase sya pumasok non kaya akala ko transferee sya pero hindi naman pala. Unang kita ko palang sa kanya tumatak agad sya sa isipan ko. Napaka-misteryoso nang dating nya, hindi sya pala-imik at hindi rin sya palangiti. Lagi lang seryoso ang mukha nya hindi rin sya magsasalita kung di mo kakausapin at hindi ka nya papansinin kung di sya interesado. Suplado.

At dahil dun na-curious ako nang todo sa kanya, ibig sabihin nakuha nya ang atensyon ko, ibig sabihin nagka-interest ako sa kanya. Sinubukan ko syang iinstalk sa facebook nakakatawa lang dahil hindi sya active. Wala masyadong posts o pictures, yung tipong parang kagagawa lang. Wala akong nakuhang impormasyon sa kanya. Na-challenge ako sa kanya. Baka kasi hindi sya tao at nag-disguise lang. Char!

Then one time natapilok ako sa corridor ng building namin, halos maiyak pa ako sa sakit nang paa ko. Tapos nagulat ako nang lapitan nya ako at ang mas nakakaloka tinulungan pa nya akong tumayo. Para akong nakuryente nang hawakan nya ang kamay ko. Kaagad naman akong napahawak sa pader na malapit sa akin.

"Ah salamat." Sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin bagkus ay tumingin sa paa ko.

Tumalikod sya, akala ko iiwan na nya ako pero bigla nalang sya umupo sa harap ko yung para bang naka-squat.

"Sakay." Yun lang ang sinabi nya pero para akong mahihimatay sa sobrang kaba. At kilig?

Nagdalawang isip ako dahil bukod sa nahihiya ako natatakot rin ako na baka mabigatan sya sa akin. Hindi ako nakapagsalita nang mga panahong yon. Ilang segundo na yata akong napatitig sa likod nya. Ang lapad, sarap yakapin. Napailing ako sa naisip.

I felt something that time. Something weird.

Nang natagalan sya tumayo nalang sya.

"Ayaw mo?" Nakatalikod pa rin sya sa akin.

"Ah ano kase. Ah..." Nag-iisip pa ako nang idadahilan nang bigla syang humarap at lumapit sa akin. Napayuko ako sa sobrang hiya. Ito ang unang beses na nakaramdam ako nang hiya.

Bigla nyang hinila ang kamay ko na nakahawak sa pader na suporta ko kaya napapikit ako nang matutumba na ako. Ang akala ko sa sahig ako babagsak pero nang idilat ko ang mga mata ko, mukha nya agad ang una kong nakita. Lalo akong nahiya nang ma-realize ko na buhat-buhat na pala nya ako, bridal style pa. Yung kanang kamay ko nakahawak lang sa balikat nya at yung kaliwa naman nasa bandang tyan ko.

Lose in the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon