"HUY nakita mo na ba? Nakapost na sa bulletin board yung list para sa mga nakapasok sa Dean's Lister," rinig kong sabi ng kaklase ko."Hala seryoso ba? Gagi, kinakabahan ako! Check na ba natin sa baba?" sagot pa ng isa.
"Sure ako, si Elle na naman ang number 1 sa DL," sabi nila na sabay tingin sa'kin.
"True! Agree ako d'yan! Hay nako, Elle. Paano po ba maging favorite ni Lord? Maganda ka na nga tapos matalino pa. Ayan ang when talaga," dagdag pa ng isa na ikinatawa namin.
Bigla kaming napatingin sa may harapan nang biglang may kumatok.
"Good afternoon po, dito po ba yung section ni Ms. Dizon? Pinapapunta po kasi siya sa office."
"Huy Elle, may naghahanap sa'yo, tawag ka raw," pag-ulit ng kaklase kong malapit sa pinto.
Dali dali akong pumunta sa labas at sinundan yung babaeng tumawag sa'kin.
Habang nilalakad namin ang hallway, papuntang office, mapapansin mong abala ang mga studyante magkumpulan sa may bulletin board na tabi lang din ng office.
At gaya nga ng ganap every quarter
"Kinakabahan ako, parang ayoko pa tignan," sabi ng babae sa kasama niya.
Naririto na naman ang listahan kung saan magdidikta kung gaano ka nagsumikap sa pag-aaral—ang Dean's List.
"Grabe, si Dizon pa rin number 1? Natutulog pa kaya siya?"
"Kaya nga e, grabe sana all!"
Rinig kong sabi nila bago ako tuluyan nang makapasok sa office.
"KAILANGAN ko na ang list of booths na idi-display for Foundation Week. Paki-follow up sa akin 'yon, Ms. Dizon. I need it before mag Friday," sabi ni Sir Lopez—siya ang coordinator na naghahandle ng mga programs sa university.
"Yes po, Sir. Kakausapin ko na po tomorrow yung mga naka assign na sections. Ipapaabot ko nalang po kay Marie bukas," sagot ko na ikinatango ng ulo niya. Si Marie naman ang secretary namin sa Student Council.
"And oo nga pala, sino na ang mag peperform para sa last day ng Foundation Week? Kailangan na rin ma-finalize 'yon, para mabigay ko na yung report sa school admin," pahabol niya.
Oo nga pala, kailangan ko nang maghanap ng mag peperform. Wala pa 'kong nahahanap. Mayroon kasing week-end concert every last day ng Foundation week. And ako ang inassign na maghandle kung sino ang magpeperform para rito.
"Isabay ko nalang din po sa list this Friday, sir. Mamaya ko palang po kakausapin yung performers."
I lied. Wala pa talaga akong nahahanap. Ni hindi ko pa nga alam sino ang magpeperform.
"O siya sige, ikaw na bahala Ms. Dizon. May tiwala naman ako sa'yo since ikaw ang Student President. Huwag mo akong bibiguin."
Yan ang huling sabi niya bago ako tuluyan lumabas ng office.
NAKATULALA akong kumakain mag-isa sa cafeteria. May mga bumabati naman sa'kin na kakilala ko, pero wala talaga ako sa mood makipag socialize, masyado akong maraming iniisip.
At isa na rito ay kung sino ang iimbitahin ko para kumanta sa Foundation Week.
Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil ayoko namang ma-disappoint sila sa'kin, malaki ang expectations nila kaya hindi ko rin dapat sila biguin.
"Huy, ang lalim naman masyado ng iniisip mo." Nagulat ako nang marinig kong may nagsalita sa tabi ko.
"Oo nga, ano ba 'yang iniisip mo? At bakit ka tulala d'yan?" sunod pang sabi ng isa.
BINABASA MO ANG
Till Our Next Sunrise
RomanceGabrielle Dizon, also known as Elle. Known for being the smart, responsible, and social butterfly type. Everyone looked up on her for being a strong independent woman, but despite her well-respected image, is a delicate little girl in need. Will Gab...