Chapter 6

59 3 1
                                    

"Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa'yo, Allegra."

Napatanga ako sa sinabi niyang iyon. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Bakas ang sensiridad sa asul niyang mga mata. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero para sakin ay tumahimik ang buong paligid. Walang ibon na humuhuni o kahit ang ihip ng hangin ay di ko rin marinig. Tanging pintig lamang ng puso ko ang rinig ko.

Mali ito. Hindi dapat ganito, walang ganito noon. At wala nito sa libro!

Mas lalong kumunot ang aking noo nang hawakan niya ang mga palad ko. Tinignan ko yun at sinundan ng aking tingin. Hindi ko dapat ito maramdaman eh. Hindi ako ang bidang para sa'kanya! Allegra, tandaan mo! Bata ka pa! Bata pa kayo! Maaring magbago ang pag ibig na yan. Maaring pagnariyan na ang Tunay na bida sa istorya ay itatapon niya ako uli. Hindi ako makakapayag na manngyari iyon. Ayokong magsilang muli ng sanggol at kalaaunan ay mamatay rin dahil wala akong kakayahan na mahalin at alagaan siya. Ayokong maranasan ang nangyari noon sa ikatlong pagkakataon. Tama na ang isang pasakit na pinitikim niya sa'kin. Ayoko.

"Allegra, huwag kang umiyak, parang awa mo na." Naramdaman ko ang mga daliri niyang humaplos sa aking pisnge. Hindi ko namalayan na may mga luhang pumapatak na pala dahil sa'kanyang ginawang pag amin.

Kinuha ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at pinunasan ang luha ko. Lumayo ako sakanya ng bahagya.

"Akuji, Salamat pero ngayon lang iyan. Ngayon lang iyang nararamdaman mo para sa'kin. Hindi maglalaon ay may makikilala kang mas higit pa sa'kin at mas mamahalin mo, higit pa sa sarili mo." Tanging sambit ko at nag umpisa nang maglakad.

"Paano mo nasabi na may mas mahahalin ako higit pa sa sarili ko? At sino ka para diktahan ang puso ko, Allegra!" Napahinto ako sa mga sinambit niya.

Kasi alam kong hindi tayo ang para sa isa't isa. May iba kang mamahalin at ang Saintess iyon. Hindi ako. Parte lang ako buhay mo. Pinagtagpo lang tayo ngunit hindi tayo tinadhana, Akuji.

Mga katagang nais kong sabihin sakanya ngunit alam kong hindi ko maaring sabihin iyon, hindi niya pwedeng malaman na may naalala ako sa nakaraang buhay ko.

"Akuji." Hinarap ko siya, akmang lalapit siya pero sinenyasan ko siya na wag siyang lalapit. "Akuji, bata pa tayo. Marami pa tayong makikilalang tao. Sa ngayon, kaya mo nasasabi iyan ay dahil tumpulan tayo ng tukso. Hinihibang ka lamang ng isipan mo dahil sa mga tukso ng mga kaedad at mga nakakatanda, pero ang puso mo. Mahal ako bilang kaibigan lamang. Wag kang magpalinlang sa mga tukso, Akuji."

Tanging sambit ko at umalis na. Tinahak ko ang daan papuntang tahanan. Maluha luha ako habang naglalakad, at sa paglakad ko ay ang paghakbang ko sa paglayo ko kay akuji at sa buhay niya.

Masakit ang mga sinabi ko sakanya ngunit wala pa iyon sa mga sinapit ko sa kamay niya dahil mahal ko siya. Tiniis ko ang lahat ng sakit na ginawa niya noon sakin at sa anak namin pero ayoko na mangyari muli iyon. Ayoko nang ulitin ang katangahan at pagiging martyr ko dahil lang sa mahal ko siya. Ayoko.

"Oh, anak. Bakit ka umiiyak?" Napahinto ako sa taong nagsambit nun. Nasa bahay na pala ako, hindi ko man lang namalayan dahil sa mga iniisip ko. Niyakap ko ang aking ina at mas lalong akong napahikbi nang ilayo niya ako ng bahagya at lumuhod para yakapin ako.

"Ina.." hikbing sabi ko sakanya.
"Anak, bakit? May nangyari ba?" Pag aalo niya sakin. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyik o ano ang mararamdaman ko.

Umiiyak ba ako dahil sa wakas, alam kong minahal niya ako sa buhay na ito o umiiyak ako dahil sa sakit na kung kailan wala na ang anak namin at kung kailan upos na ako ay tsaka niya ako minahal? Hindi ko alam kung sakit ba o saya ang mararamdaman ko dahil sa mga katagang sinambit niya.

Captivated by the Young LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon