Kabanata 29

17 2 1
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Today's Halloween Party, but here we are today, under the forest while exploring the unknown forest. Spending time talking to the nature. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip ni Rukia at kung bakit dito niya pa kami niyaya.

Nababanas na rin akong tingnan sila dahil sa tuwing nakikita ko sila'y naaalala ko ang pangba-backstab nila saakin. Ewan ko ba, simula nang marinig kong pinaku-kwentuhan nila ako habang nakatalikod, nawalan na ako ng ganang makasama sila. Kung hindi ko lang niyaya si Jenny na sumama saamin dito, baka hindi na rin ako sumama.

"They're just my friends but you're my best friend. I'm more comfortable with you than to be surrounded by temporary people." Biglaang naibulalas ko sa sobrang inis.

Nahagip ng mata ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa kalituhan. Baka iniisip niyang insecure ako dahil biglaan ko nalang in-open ang tungkol sa mga kaibigan ko!

"Alam ko iniisip mo, masyado akong advance mag-isip. Not that I'm advance, I just think the possibility of being their companion, they'll leave me. That's all. Pina-plastic lang nila ako, mabuti sana 'yong mga pinagsasabihan nila ng tungkol saakin ay hindi rin sinasabi saakin. Kaso bina-backstab din sila." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

Tuluyan na niya akong hinarap, at dahil matangkad siya ay tinitingala ko siya ngayon habang pinanatili ang kalmadong ekspresyon na salungat sa totoong nararamdaman ko.

"So desperate huh?" She sarcastically stated.

Nakagat ko ang dila ko dahil sa sinabi niya. She's harsh! Pero ako rin naman ang nag-umpisa nito kaya papanindigan ko nalang.

"Not that, gusto ko lang ibalik sakanila ang mga pinaparamdam nila saakin. I'm giving them the benefit of being my one of my friends. The satisfaction on their faces." A wicked smile formed on my lips.

Naiisip ko palang na ang ekspresyon nila ay natutuwa na ako. Gusto kong ipalasap sa kanila ang mga pinaparanas nila saakin. Kung nagd-doubt sila saakin, magd-doubt rin ako sakanila.

Hindi na siya nagsalita pa, sa halip ay nakuha ng atensyon namin si Rukia na nagyayayang magpahinga muna raw.

Tumaas ang kilay ko ng magtama ang paningin namin ni Sassa na mabilis niyang iniiwas.

"I'm tired. Pahinga muna tayo, dapat pala hindi nalang ako sumama—" Reklamo ni Sassa habang pinupunasan ang kaniyang pawis.

Pabebe talaga!

"Wag ka ngang reklamador diyan, Sassa. Isa pa, mas enjoy ito kesa sa Party sa school." Pambabara ko.

Napayuko naman siya at nanahimik na. Bakit kasi ngayon lang niya na-realize na nakakapagod ang gagawin namin? Tsk!

"May malapit na bahay yata do'n, kita niyo?" Turo ni Rukia sa malayo na siya namang nakaagaw ng pansin naming lahat.

Tumanaw ako roon sa sinabi niya at totoo ngang may malaking bahay—o tamang sabihing mansion ang nakatirik roon. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda mula sa Mansiong iyon.

"Oo nga, pwedi tayong magpalipas ng gabi roon at—" Napabaling ako kay Dawn at agad na kinunot ang noo.

"Hindi pwedi, Dawn. Hindi pa natin kilala ang mga nakatira roon at isa pa sino naman ang tanga na magpapatayo ng bahay sa ganitong kaliblib na lugar? Hindi naman mukhang bahay 'yan e, mas mukha pang haunted house." Pambabara ko sa mga sinabi niya.

Baliw na ba siya? Paano nalang kung isang mangkukulam ang may-ari niyan at kami ang pag-initan? Hindi ba nag-iisip 'to?

Umiwas siya ng tingin katulad ng ginawa ni Sassa kanina ay tumahimik nalang din siya.

"I-isa pa, masama ang pakiramdam ko sa b-bahay na 'yan." Nahihiyang sabi ni Sassa.

Ako rin. Malakas ang kabog ng puso ko sa haunted house na iyon. Parang may ibang aura ang ibinubuga ng bahay na iyon.

Nagulat nalang ako ng hilahin ni Jenny ang braso ko papunta sa gilid na kung saan kami huminto kanina.

"Bakit gano'n naman ang pakikitungo mo sakanila?" Kumunot ang noo ko ng masalamin ang inis sakaniyang mga mata na katulad saakin.

Ngumisi ako ng tipid habang nag-flash sa utak ko ang mga narinig ko noon kina Sassa at Dawn isama ko na rin si Rukia.

"I heard them backstabbing me. Sassa is a kindest among the two but I heard her that she's doubting my way of living, hindi siya naniniwala na kaya kong magpaalis ng Kaluluwa sa katawan." Sinikap panatilihin ang kalmadong ekspresyon ko kahit sa totoo lang, gusto ko nang umiyak. Hindi naman kasi ako magaling pagdating sa argumentation.

"Sinabi mo na tiyamba lang—" Nagtagis ang bagang ko ng marinig iyon.

"Yes, sinabi ko 'yon. Sinabi ko 'yon kasi ayaw ko nang makarinig pa ng panghuhusga o pag-aalinlangan saakin. Dawn is a weirdest I've ever known, she says that she sense and see auras of the people, but when I tell them my job, she's just silent but have an accusing eyes." I could sense myself that I'm on the edge of crying.

"Rukia is a blunt and sarcastic... She can throw a lot of words that you might hurt. But when she heard about my job, she's just smirked and no words came from her trashy mouth." I added in shaky voice.

She pulled me closer to her and hugged me tightly. I could feel her warmth and comfortable body. The tears is rolled down on my cheeks. Lahat nalang ng taong nakapaligid saakin ay sinasaktan ako. Wala naman akong ginawang masama, pero bakit nananakit sila ng walang dahilan?

She just tapped my back and comforted me with her meaningful words.

"Naintindihan kita, pero naiintindihan ko rin sila. Alam kong hindi kapani-paniwala ang kakayahan mo, pero naniniwala ako ako sa'yo. Normal lang makaramdam ng pag-aalinlangan lalo na kung sa mga ganoong usapan." She brushed my hair with her fingers while I'm crying on her shoulder.

"Katulad nga ng sinabi mo, Sassa is a kindest, but she's doubting you. Pero sa tingin mo ba, magi-stay pa sila sayo after nilang malaman 'yon kung hindi sila naniniwala sa'yo? They're just shocked but they're keep trusting and believing you. Sa tingin mo sasama sila sa ganitong lugar kung nagd-doubt sila sa'yo? Sumama sila kasi ayaw ka nilang mapag-isa."

Gusto kong mag-prostesta sa mga sinabi niya ngunit tanging hikbi nalang ang naisagot ko. Sumama sila rito dahil ito ang napag-planuhan. Wala silang pakealam sa nararamdaman ko!

Kung may pakealam sila, nasaan sila noong kailangan ko ng makakasama? I was there for them in their darkest times, but I wonder where they are when I needed their companion?

"What happened?" Boses ni Rukia ang bumungad sa tainga ko.

"Ahm. She's just tired. She had no sleep last night. Kailangan muna nating magpahinga." Pagtatakip saakin ni Jenny.

Maggagabi na at kailangan namin ng masisilungan. Kanina pa kasi kami naglalakad sa forest na 'to at inabutan na kami ng ganitong oras. Delikado kung aabutan kami ng gabi rito.

"Pahinga muna tayo do'n." Rukia''s added.

Umalis ako sa pagkakayakap ni Jenny at pasimpleng pinunasan ang luha ko at lumingon ng may ngiti sa labi kay Rukia.

"Let's go." Nauna na akong maglakad bitbit ang aking backpack.

Kinikilabutan ako sa bawat hakbang ko papalapit sa bahay na iyon, ang puso ko rin ay hindi na normal ang pagtibok dahil sa matinding kabang nararamdaman.

Masama ang kutob ko sa bahay na iyon ngunit wala akong choice kundi sumama nalang sakanila dahil mas delikado kung gagabihin kami sa pusod ng gubat na ito.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon