A/N: Para kay Ate SiEp to. Happy Birthday, ate! Sana magustuhan mo. Late ko na na-post, e. Mehehe. Sensya na po! :)) Iloveyou, ate! <3 :">
- - - - -
Nagmamaneho ako papunta sa parking lot ng campus. Badtrip ako ngayon, dahil ang daming bwiset sa bahay. Psh.
Napaapak ako bigla sa break at napataas ang isang kilay ko. What the hell! Bakit may nakaparadang ibang kotse sa favorite spot ko -ni Alette Joy Labrador?! Grr.
Humanda ka sakin kung sino ka mang pangahas ka! Hindi ba niya alam na wala pang nagtatangkang iba na iparada ang kotse nila sa spot na yun?!
Agad akong bumaba sa sasakyan at padabog na sinara ang pinto nito. Taas noo akong naglakad papalapit sa sasakyan na nakaparada sa sa favorite spot ko.
Nasan ba yung mayari ng kotse na to?! May ilan akong nakitang estudyante sa parking lot.
"Hey!" sigaw ko sa lalaking nakita ko. Luminga linga siya sa paligid niya at saka humarap sakin at tinuro ang sarili. I rolled my eyes.
"Oo, ikaw! Come here!"
Halata sa muka niya na kinakabahan siya. Tss. So gay. Kalalaking tao, takot sakin? Sabagay. Sino bang hindi matatakot kay Alette Joy Labrador?
Ang bagal namang maglakad nitong lalaki na to. Parang pagong.
"B-bakit?" nangangatal na tanong niya.
"Alam mo ba kung kaninong kotse to?" mataray na tanong ko sabay turo sa kotse na nasa likod ko.
"H-hindi p-po, e." napayukong sabi niya.
"Ganun ba? Umalis ka sa harap ko. Wala kang kwentang kausap!" sabay talikod ko.
Wala bang nakakaalam kung kanino tong kotse na to?! Tumingin ako sa wrist watch ko. Male-late na ko. Hindi pa ko nakakapag-park. Ano ba yan?!
"Goodmorning, Miss AJ! May problema po ba? Mukang mainit ang ulo natin, a?" humarap ako kung kanino galing yung boses na yun. Si Arvin lang pala. Kasama niya yung mga aso niya.
"Alam mo ba kung kaninong kotse to? Male-late na kasi ako at sa favorite spot ko lang naman nakaparada ang kotseng yan." madiin na sabi ko.
"Ayun lang ba? Osige. Kami nang bahala diyan. Bigay mo sakin yung susi mo at kami na ang magpaparada. Baka malate ka pa sa first class mo." bumalik ako sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko.
"Thanks!" ngumiti ako at hinagis ko sa kanya ang susi na nasalo naman niya.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa room ng first subject ko. As usual, pinagtitinginan na naman ako. Araw araw naman silang ganyan. Akala mo ngayon lang mga nakakita ng dyosa na naglalakad sa hallway.
May biglang humarang sakin. Kaya napahinto ako. Kilala ko to, e. Eto yung nerd na laging nangungulit sakin pag nakikita ako.
"H-hi, AJ! Ang g-ganda mo talaga. Eto, nga pala, o. Ako nag bake niyan." ngumiti siya sakin kaya nakita ko yung kulay blue niyang ipin dahil sa mga braces niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan yung hawak niyang maliit na jar na may lamang cookies.
"Nababaliw na ba talaga siya? Baka mapahiya lang siya sa ginagawa niya." narinig kong sabi ng isang babae sa kasama niya nakiki-usyoso.
Napangiti ako. Tinignan ko ulit yung nerd na nasa harap ko.
"Ano nga ulit pangalan mo?" mahinahong tanong ko. At mas lalong lumapad ang ngiti niya. Ang babaw.
"M-migule.. Miguel Krisostomo."
"Ow! So, Miguel.. Salamat sa cookies." ngumiti ako ng konti ay kinuha ko sa mga kamay niya yung jar at lumakad na palayo.