20

33 13 0
                                    

Olivia's Point of View

Nakatingin lamang ako sa bintana ng kuwarto ko habang isip-isip ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya dahil nandyan si Charles para sa'kin.

Sinasamahan narin niya ako sa mga gawain ko tulad sa flower farm ni mama at sa mga assignments ko, tinuturoan niya rin ako mag-gitara at kinakantahan niya ako minsan.

Ilang araw ko naring hindi pinansin si je simula ng mangyari ang eksenang nangyari sa'min noong nakaraan na. Ni iniiwas ko narin ang mga mata ko sakaniya at pinipigilan ang nararamdaman ko. Ayaw ko ng may maramdaman pa sakaniya.

Ilang saglit pa ay bigla namang may kumatok sa pinto at ng bumukas ito at tumambad sa'kin si mama, muli na lamang akong tumingin sa labas ng bintana at napahinga ng malalim dahil tiyak na kakausapin nanaman niya ako tungkol sa mga bagay na personal kong pinagdadaanan.

"Oleng? Ilang araw ka ng hindi lumalabas ng kuwarto mo. Pati mga clay models mo at libro di mo naaayos at nagagalaw." sabi nito ngunit hindi ako umimik.

"Ako, pag nadedepress ako nag-shoshopping ako o kaya ay nagpupunta ako sa parlor, gusto mo samahan kita?" tanong ni mama. Napabuntong hininga nalang ako at napairap sa kawalan saka nagsalita.

"Mommy, pabayaan niyo na lang po muna ako." walang ganang sagot ko at napapikit.

"Paano kita pababayaan, eh parang wala ka sa sarili mo lately." sabi nito.

"Eh ano po bang pakealam niyo?" giit ko, bigla naman akong nakaramdam ng guilt. "Sorry po." hingi ko ng paumanhin.

"I understand anak." sagot niya, natawa lang ako at humarap rito.

"No ma, you don't understand. Lagi nalang na parang naiintindihan niyo'ko, para nalang alam niyo kung anong nangyayari sa'kin pero you don't know anything about me." pangisi-ngising sabi ko kay mama pero sa totoo lang ay nagiging emosyonal nanaman ako.

"I'm sorry you feel this way. Alam ko ng mamatay ang Daddy Oliver mo ay nahirapan kang maka-recover, i tried to reach out to you pero lagi kang lumalayo, parang di na kita kilala olivia, still i keep trying to reach out pero-" di ko na pinatuloy ang sinasabi ni mama ng mag-salita na'ko.

"Siguro nga yun lang ang problema.. try kayo ng try pero hindi niyo talaga alam kung anong nararamdaman ko." nangingilid na ang luha ko matapos ko itong sabihin.

"Hindi totoo yan." giit ni mama, tumulo na ang luha ko dahil hirap na hirap na akong mag-explain sakaniya simula pa noon.

"Totoo yun ma. Tignan niyo, maski kelan ba? Inisip niyo ba na gusto naming palitan ang daddy? hindi. basta kung anong gusto niyo." sabi ko rito ngunit umiling-iling si mama.

"Mabait si Frankie, parang mga anak ang turing niya sainyo." depensa ni mama kay tito frankie para kumunot ang noo ko.

"Ma! iisa lang ang daddy ko at siya lang ang nakakaalam kung anong nararamdaman ko!" humihikbi kong sabi habang habol-habol ang hininga.

7 years ago na ang lumipas ng mamatay si Daddy Oliver. Naging masakit para sa'min ang pagkawala niya lalo na sa'kin, siya lang talaga yung taong nalalapitan ko at nabibigyan ako ng magagandang payo para sa tamang direksyon na gagawin ko sa buhay at siya rin ang taong tunay na nagmamalasakit sa'kin. Nung buhay pa siya ay iba ang pakikitungo sa'kin ng mama namin at parang iba ang tingin nito sa'kin, kaya ganun nalang ang naging treatment ko kay mama ng mamatay si daddy.

Lumapit sa'kin ng dahan-dahan si mama at hinawakan ang mga kamay ko. "Alam ko ang hirap na dinadaanan mo anak, dahil sa nararamdaman mo para kay jeremiah? hindi ba?" sabi ni mama at gulat akong napatingin dito habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa mata ko.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon