Prologue

89 1 0
                                    

"Anna!" Bati kaagad ni Tita Sabel pag dating pa lang namin. Hindi ko alam kung  inaabangan niya ba talaga kami sa pintuan. Pinsan siya ni mama sa father side.

Nandito kami sa bahay nila upang ipagdiwang ang bagong taon. Tuwing bagong taon kasi ay nagkakasam-sama kami rito upang magkamustahan, kuwentuhan, at nagpapalaro rin kung minsan. Hindi rin mawawala ang inuman.

Ngayon ay January 1, ganito na ang nakasanayan namin, noon pa man. Ala sais pa lang ng gabi kaya naman wala pa masyadong tao. Baka maya-maya lamang ay darating na ang ilan pa sa mga kamag-anak namin. Sa father side pa rin ni mama syempre.

Pilit akong ngumiti na hiniling kong sana ay hindi maging ngiwi. Niyakap niya ako at nakipag beso.

"Tita.." Naiilang at nahihiyang ani ko, habang pilit na nakangiti. Nakangiti siya ng malaki sa akin at maya-maya pa ay napansin niya ang katabi ko. Tiningnan niya ito at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Ah.. Tita, si Geib po. Geib si Tita Sabel, pinsan ni mama." Pagpapakilala ko sa kanila. Medyo naiilang ako, dahil hindi naman nila alam na may boyfriend na ako.

"Good evening po. Geib po, nice to meet you po and Happy new year po," pormal at magalang na bati ni Geib kay Tita Sabel. Inilahad niya rin ang kamay niya upang makipag kamay kay Tita Sabel, tinanggap naman ito ni Tita at nakipag kamay kay Geib.

"Good evening din. Happy new year sa inyo. Pasok muna kayo sa loob, aayusin ko lang yung mga bine-bake ko. May pagkain na d'yan sa loob. Anna, ikaw na ang bahala." Nakangiting bilin sa akin ni tita bago siya lumabas sa dirty kitchen para i-check ang bine-bake niya.

"Tara," yaya ko kay Geib at dumeretso kami sa living room instead na sa kusina. Hindi pa naman ako masyadong gutom, dahil may baon rin naman kaming pagkain sa sasakyan kanina.

"You okay?" Tanong ni Geib sa akin habang naglalakad kami papuntang living room. Nginitian ko naman siya at tumango bilang sagot.

Umupo kami sa couch at hindi na pinansin ang mga kamag-anak kong mga kaedaran ko. Hindi ko naman close yung mga iba kong pinsan, halos mga bata o mas bata pa sa akin ang mga ka-close ko. Masyado kasing rich kid yung mga iba kong pinsan.

Nanginginig ang mga kamay kong nakapatong sa mga binti ko kaya naman isinarado ko ang mga kamao ko, hindi na rin mapakali sa pag galaw yung mga binti ko. Naramdaman kong hinawakan ni Geib yung mga kamay kong nanginginig kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hey.. Gusto mo bang umuwi na tayo?" Mahinang tanong ni Geib sa akin. Nginitian ko siya para ipaalam na ayos lang ako at umiling bilang sagot sa tabong niya.

"You seems uncomfortable," puna niya habang hawak pa rin ang mga kamay ko, pinapakalma ako. "You don't need to force yourself, you know. Huwag mong pilitin kung hindi ka komportable, kung hindi mo kaya."

"Ayos lang ako. You're with me, so..." Nakangiting bitin na sagot ko sa kaniya. "You? Are you okay?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. Palaging na lang niyang iniisip ang iba, nakakalimutan na niya ang sarili niya.

"I'm fine. As long as you're fine then, I am too." Then he kissed my forehead, putting my head on his shoulder. Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa baywang ko. Habang hawak pa rin ng kanang kamay niya ang kamay ko na ngayon ay tumigil na sa panginginig.

Pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Kinakabahan ako sa mga sasabihin nila. Hindi sa'kin, kay Geib. Kinakabahan ako sa mga sasabihin nila kay Geib. Ayos lang na ako yung mapahiya, makatanggap ng mga masasakit na sasabihin nila. 'Wag lang siya. 'Wag lang si Geib. Sobra-sobra na yung abalang naibigay ko kay Geib. Ayo'kong pati siya madamay sa pamamahiya ng mga kamag-anak ko.

"Hey.. Are you hungry? Are my babies hungry?" Mamayang tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. Gusto kong kumain, pero hindi ako makaramdam ng gutom ngayon. Kinakabahan talaga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Love AgainWhere stories live. Discover now