KABANATA 44

730 15 1
                                    

Nakatuon sa amin ni Sayoko ang atensyon ng mga bisita habang nagsasayaw sa gitna ng reception.

♪♫ Too many billion people

Running around the planet

What is the chance in heaven

That you'd find your way to me?

Tell me what is this sweet sensation?

It's a miracle that's happened

Though I search for an explanation

Only one thing it could be ♪♫

Nakatitig na naman siya sa akin. I wonder what I look like in his eyes.

"Teka, pwede na ba tayong umupo?" bulong ko sa kanya. Dahil halos isang oras na kaming nagsasayaw.

Bigla siyang ngumisi, "Oo, kung iki-kiss mo ko."

Parang bigla akong nakaramdam ng hiya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

♪♫ That I was born for you

It was written in the stars

Yes, I was born for you

And the choice was never ours

It's as if the powers of the universe

Conspired to make you mine

And til the day I die,

I bless the day that I was born for you ♪♫

"Bakit naman parang hindi makatingin sa akin ng diretso ang asawa ko?" natatawang tanong niya at saka mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Mangako ka na mananatili ka sa tabi ko habang buhay," bulong niya.

"Sayoko, hinding hindi kita iiwan. Maaring magsisi ako pagdating ng araw pero hindi ako aalis sa tabi mo kailanman. Mananatili ako sayo habangbuhay, kahit ano pang mangyari. At nagpapasalamat ako sayo dahil pumayag kang manatili ako sa buhay mo."

Ngumiti siya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Sumasabay pa rin ang mga katawan namin sa ritmo ng musika.

♪♫  Too many foolish people

Trying to come between us

None of them seem to matter

When I look into your eyes

Now I know why I belong here

In your arms I found the answer

Somehow nothing would seem so wrong here

If they'd only realize ♪♫

Yumakap din ako sa kanya at inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko, "Ako ang dapat magpasalamat sayo, sa pagtanggap mo ulit sa akin. Kasi para sa akin ayokong nang mawala ka pa sa tabi ko, kahit ilang segundo. Kaya simula ngayon, gusto ko araw araw, oras oras, minuminuto at segusegundo magkasama tayo. Habangbuhay," sagot niya.

Tumulo na naman ang luha ko, "Oo tama ka, araw araw, oras oras, minumimuto, bawat segundo mahalaga."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

♪♫ That I was born for you

And that you were born for me

And in this random world,

This was clearly meant to be

What we have the world could never understand

Or ever take away

And till the day I die

I bless the day that I was born for you ♪♫

Napuno ng hiyawan ang paligid ng mabilis akong hinalikan ni Sayoko. Nangatog ang tuhod ko at nanghina. Napayakap nalang ako sa kanya nang mas mahigpit at itinago ang mukha ko sa dibdib niya. Marahil ay pulang pula na ang mukha ko ngayon.

♪♫ What we have the world could never understand

Or ever take away

And as the years go by

Until the day I die

I bless the day that I was born for you ♪♫

Ramdam na ramdam ko ang titig ng mga bisita. Ganunpaman, hindi ako nahihiyang ipakita sa lahat kung ano ang nararamdaman ko para kay Sayoko.

Lalo na't buong puso niya akong ipinagmamalaki at ipinagsisigawan sa lahat ang relasyon namin ngayon at kung gaano niya ako kamahal.

Mahal na mahal ko rin siya, at kahit gaano kahirap magiging matapang akong harapin ang lahat ng pagsubok na darating sa amin para sa lalaking bumuo ng pagkatao ko.

At bago matapos ang araw na ito, "May we call on stage our newly weds," tawag ng emcee. "Before we end this day and open another chapter, let's hear Mr. and Mrs. Miller's final say to each other, to their loved ones and everyone who played a big part of their once upon a time as the continue their happily ever after."

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Sayoko papuntang stage at inalalayan niya ako sa pag-akyat.

The emcee handed the microphone to Sayoko.

"Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa Diyos sa araw na ito at sa mga mahahalagang taong kasama namin ni Aki ngayon at makakasama pa namin sa pagdaan ng panahon. Ten years ago, actually all my life, I had to do the hardest thing that I've ever had to do which was just to wait. I know it's crazy to wait that long but then I knew I was waiting for my wife. At kahit wala nang dumaan pang falling star naniniwala akong para kami sa isa't isa. Dahil simula ngayon, si Sayoko at Akinka ay forever and ever na," ngumiti siya sa akin at itinuloy ang pagsasalita. "Ito ang unang araw ng aming habangbuhay. Ma'am, Sir," tumingin si Sayoko kay mommy at daddy. Nakita kong namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata. "Alam ko pong hindi na ako karapatdapat para sa prinsesa ninyo. Pero pinapangako ko din pong gagawin ko ang lahat para patunayan sa inyo na hindi kayo nagkamali sa pagpili sa akin." I saw dad and mom smiled at him. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik na matagal nang nasa lalamunan. "Aki, mula ngayon hanggang sa magpakailanman, sayo ang puso ko." Nagpalakpakan ang mga bisita pagkatapos magsalita ni Sayoko.

At iniabot niya sa akin ang microphone pagkatapos ding magsalita. "Nagpapasalamat din ako sa Diyos sa pagkakataong makasama sa isang importanteng okasyon ang lahat ng taong malalapit sa puso namin ni Sayoko." Nakakataba ng puso na makita sa baba ng stage na nakangiti sina daddy, mommy, Akiko, Sayoko's parents, Chummy, Yummy, Thunder, Josh, Grace, Yaya Coring, Kuya Peter at iba pang mahahalagang bisita. "Sayoko, alam kong marami pa tayong pagdadaanan, marami pa tayong pagsubok na haharapin, pero siguradong sigurado ako na kayang kaya natin yon. Sasalubungin nating dalawa ang bawat araw na punong puno ng pagmamahal at pag-asa. Magiging mabuti akong maybahay, ipinapangako ko sayo na magiging mabuti akong ina sa mga magiging anak natin. Magiging matapang ako at ako ang magiging lakas mo sa kung ano mang haharapin natin simula ngayon. Dad, mom, thank you. Maraming salamat po. Alam kong matigas ang ulo ko pero sinuportahan niyo pa rin ako sa desisyon ko." Pinahid ni Sayoko ang luhang dumadaloy sa mukha ko mula sa aking mga mata. I look at him deeply in his eyes, "Mahal na mahal kita."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Mas mahal kita," bulong niya. Biglang tumulo ang luha niya, kaagad kong pinunasan iyon.

Sandali niya akong nginitian, ipinatong niya ang kamay ko sa dibdib niya hanggang sa tuluyan niyang angkinin ang labi ko. Parang katulad ng dati, parang may mga nagliliparang paruparo sa tiyan ko at alam kong dahil pa rin iyon sa lalaking kaharap ko ngayon, ang lalaking pinakamamahal ko mula noon hanggang ngayon.

Muling napuno ang reception ng palakpakan at hiyawan ng mga bisita.

True love isn't found, it is built.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon