Nalalapit na ang ending bwahaha. ANW, SORRY LATE UD. SASALI KASI KAMING HALLYU RV CG KAYA NA-BUSY SA MGA PRACTICE. Tas sinabayan pa ng school. Edi wow sabog utak
-MARIA
• • • •
SEHUN'S POV
Magkatabi kami ni alliah ngayon at nasa likuran namin sila neya at suho. Nakakatawa si neya, nakaskirt siya pero nakabukaka. Normal ba yun? May sumakay na mag asawang matanda pero wala silang maupuan. Automatic ako-- este kami ni alliah na napatayo at ibinigay yung seat sa mag asawa. Bale ngayon nakaupo na kaming dalawa sa dulong dulo ng bus at nasa harapan na namin sila neya at suho. Well kailangan ko nanamang umarte, umusod ako at kunwaring naartehan na katabi ko siya. Ang ganda na sana ng pag arte ko nang may magflashback sa aking makulubot na utak.
"Malalaman mo din kung sino yun sehun. Malapit na. Basta kumpirmahin mo muna kung mahal na ba ko ni alliah tska mo lang malalaman kung sino yon."
Arggh tangina ano bang pinagsasasabi nung nognog na yun? Nakakaasar. Tinanong ko lang naman kung sino yung babaeng kasama niya, hindi ko naman sinabing alam ni alliah na may kasama siyang babae.
Pano ko kukumpirmahin na may gusto na si alliah sa kanya? Eh diba gusto ako ni alliah? Kung gusto pa ko ni alliah hindi siya magseselos, at kapag di siya nagselos ibig sabihin gusto niya na si jongin sunog! Tama! Pero diba nakakalungkot hindi na ako gusto ni alliah. Well, babawiin ko rin naman siya.
TURN OFF OPERATION #6. MAKE HER JEALOUS/CONFIRMATION- Next operation
"Ah pogi, kasama mo ba tong si ganda? Natutulog eh, pano ko sisingilin?" Nagulat naman ako sa konduktor. Ano ba yun panira naman ng thoughts, joke.
"Oo kuya, ako na po magbabayad." Sabi ko naman.
"Ay ang sweet niyo namang boyfriend." Sabi ng konduktor. Luh? Wews. Magiging boyfriend pa lang ako niyan, wag excited kuya. Ako man ay excited din. Chos.
"Hala kuya, hindi po kami niyan. Kaibigan ko lang po yan." Depensa ko. Kasi nga di pa kami, wait lang kayo huehue
"Ay ganun? Ligawan mo na! Bagay kayo, maganda't gwapo o diba?" Sabi ni kuya. Kinilig naman ako. Ngingiti na sana ako eh, kaso lumingon si suho at neya kaya kunwari nakasimangot ako.
Nalingon naman ako kay alliah, ambilis naman makatulog neto. Tsk. Umusod ako ng konti kasi baka mamaya mauntog nanaman sa bintana. Umalog yung bus pero hindi siya nauntog, sa halip nahilig yung ulo niya sa balikat ko. Hays, sa tuwing titignan ko si alliah at yung ngiti niya nahihirapan akong umarte. Konti nalang, mababawi na kita ulit.
"Sehun, hawakan mo nga muna tong cellphone ni alliah." Sabi ni neya kaya inabot ko naman.
Naiisip nyo ba kung anong naiisip ko? KAKALKALIN KO YUNG GALLERY NIYA. HUAHUAHUAHUA.
Pagbukas ko tumambad sakin yung wallpaper niya, ang cute hahaha naka close up yung mukha niya sa camera. Binuksan ko yung gallery. Maraming folders, may EXO, Red Velvet, GOT7 at marami pang iba. Pero may isa dun na naagaw yung pansin ko. Ang title ng folder? 'HIM' pagbukas ko..Puro stolen shots ko, yung iba galing sa facebook ko. Anong? >/////<
Gusto niya pa ba ko? O si Kai na? O gusto niya na si Kai pero gusto niya pa rin ako? Pwede ba yun? Mahal ko o mahal ako? Sad story ganun?
Sa isang folder pa, ang title 'MY STAR' puro naman picture ni Kai, or should i say pictures nilang dalawa. Puro selca nila. WTF. Leche nasasaktan ako, tangina naiiyak ako para akong tanga dito. Tumingin pa ko ng ibang folder. May isa dun 'MONGGOLOIDS' puro picture nila este naming lahat. Ang XiuChen, TaoRis, SuLay, ChanBaek, si neya at si alliah, ako at si Kai. Ang dami naming picture. Dati pa tong iba. Ang saya namin dito.
May isa pa kong nakita 'HUNNIEPIE' puro naman pictures naming dalawa. Ang saya namin dito. Grabe, para akong tanga dito tangna umiiyak na ko. Namimiss ko na yung kulitan namin ni alliah. Kelan ba kasi matatapos tong pasakit na to? Tangina.
Itinigil ko na yung pangangalkal ng folders dahil mas lalo lang akong mahihirapan pag maaalala ko yung dati. Natulog din ako at humilig sa ulo ni alliah. Mag iisip ako kung anong gagawin kong arte para sa lunes.
ALLIAH'S POV
"Bhe, andito na tayo. Gising na kayo." Panggigising ni neya sayo. Mag iinat ka sana nang maramdaman mo yung ulo ni sehun na nakabaling sayo.
"Hunnie, gising na." Inalog mo siya at nagising naman siya.
"Ermm.. Oh eto na yung cp mo /yawns/" Nagulat ka naman ng makita mong hawak niya yun. Sabagay wala ka namang masyadong secrets dun. Binubura mo din naman yung mga conversations niyo ni Kai.
Bumaba kayo ng sasakyan at nagpaalam na si suho at neya sainyo. Nakakalungkot naman :(
"Bye alliah! Hatid ko lang tong girlfriend ko 5:39 na eh." Nagulat ka naman sa sinabi ni suho.
"GIRLFRIEND?! K-kayo n-na?!" Tanong mo. Ngumiti naman silang parehonat namula si neya.
"Bakit ayaw mo ba?" Pilyong sagot ni suho sabay akbay kay neya. MALANDI TONG MGA TO NAKAKABITTER.
"Waaaaaaaaaaaah! Congrats bhe!" Sigaw mo sabay yakap kay neya. You're so happy huehue
"Hahahaha sige salamat, ingat kayo ah. Goodnight!" Nagbabye sila at tuwang tuwa kang naghintay ng jeep at nalimutang kasama mo pala si sehun.
"Uy, di ka pa ba uuwi? Di naman eto yung sakayan mo ah?" Tanong mo.
"Ihahatid nga kita -________________-" Sagot niya. Ay kahiya emegeds asdosdoiaosoajddwk
"Uh, okay." Sumakay kayo ng jeep, medyo mahaba habang biyahe, syemperd malayo ang sakayan mula sa bahay niyo. Pag uwi mo ay sinalubong ka ng mama mo.
"Mamaaaaa! Namiss kita hihihihi" Tumakbo ka sa mama mo at niyakap siya.
"Ikaw talaga, oh sehun gusto mo bang maghapunan dito? Salamat naman at hinatid mo to." Tanong ng mama mo pero tumanggi si sehun. Pero mas makulit ang mama mo kaya naman hinatak niya si sehun papasok sa loob.
"Bawal tumanggi sa grasya alam mo ba yun? Kaya kakain ka dito." Pinaupo ng mama mo si sehun at pati ikaw, nagdasal kayo bago kumain.
"Si tita talaga." Sabi niya sa mama mo. Nagkuwentuhan kayo tungkol sa nangyari dun sa bahay ng lola ni baekhyun. Syempre hindi nyo kinuwento na nag inuman kayo at nilagnat ka. Pagkatapos niyo kumain eh umuwi na rin si sehun at ikaw tinawagan at tinext mo si jongin.
Mabilis lumipas ang mga araw at balik sa dati ang pasok, binago ang kulay ng bawat buliding ng school kaya kayo nawalan ng pasok nung nakaraang isang linggo.
Susunduin ka ni Kai sa school, magkikita kayo ng monggoloids mamayang recess, si baekhyun naghahanap ng bagong liligawan at lalagyan nya ng kanyang bonggang eyeliners (A/N: REQUEST NA KAYO KUNG GUSTO NIYO NG SIDESTORY KASAMA SI BAEKLA! COMMENT AGAD! VOTE NA DIN HAHAHA KAMSA~) si meann at dyo, hindi pa makumpirma. Hindi sila nag uusap pero nagpapansinan sila.
At lunes ngayon, hindi mo alam ang mangyayari sa buong linggong to. Pero base sa nangyayari mula pa kaninang umaga, MUKHANG HINDI MAGANDA ANG LINGGONG TO.
• • • •
Sa mga pupunta sa July 19 sa Hallyu, please support us! (AIM - Red Velvet CG) May page din kami sa facebook kung gusto niyo lang naman i-like huehue 감사 징굿! ♥
-MARIA
BINABASA MO ANG
The Turn Off Operation (Sehun Fanfic)
FanfictionNever give up on something you really want, it's really hard to wait but worse to regret.