Un amour de jeunesse (Goodbye First Love)

27 1 0
                                    

Author's Note: Ang istoryang ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi hinangad ng author na manira o maghabol sa kung sino mang karakter na bida dito. Ito ay isinulat sa kadahilanang walang maisip na kwento ang manunulat. Kung may komento man kayo, i-message niyo na lang si author. Haha! Pis yow!

Year  2005 at 3rd year highschool ako nun nang makilala ko ang aking first love.  Nung panahong yun uso sa school namin ang mga contest. Every month sini-celebrate ang iba’t-ibang subjects. May slogan making, poster making, essay writing, logo making, interpretative dance at kung anu-ano pang pwedeng gawing paligsahan.

Nasa first section ako nun at samin nakatutok ang attentions ng mga teachers. Priority kung baga. Public school lang kami, at kahit public lang yun, masasabi ko namang maganda ang turo at mabubuti ang mga tao doon. Kasama na ang mga teachers and classmates ko.

May event noon at kasali ang section namin. Hindi ko maalala yung exact event pero natatandaan kong may practice kami sa bahay nung leader namin dahil magpeperform kami. Mga bandang hapon nagsimulang magdatingan yung mga kamember ko. Nakashorts lang ako nun at naka sando na red, typical na pambahay. Practice lang naman kasi. Nagsisimula na kaming mag-usap usap tungkol sa mga gagawin namin ng may makita ako sa loob ng bahay ng leader namin na guy na sa tingin ko ay ka-age lang namin. Napansin kong nakatingin sya sakin at may binulong sa kasama nya na pinsan ng aming leader.  Pinakilala siya samin ng aming leader na si bebe na pinsan nya ito, “pinsan ko nga pala, nonong nalang itawag nyo sa kanya.” Hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus na lang sa pinag-uusapan namin ng mga kasama ko.

Nasa tapat kami ngayon ng baranggay hall para mag-umpisa na sa practice at nagform kami ng circle. Maya-maya lang inapproach ako nung classmate kong si kim sabi nya,  “kay, napansin mo yung pinsan ni bebe?” sabi ko naman, “bakit?” siya naman, “ang sama kasi makatingin ee.” Hindi ko na lang siya pinansin nun at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa namin. Habang lumilipas ang oras namin, napapansin ko din na tumitingin sya sakin, hindi ko naman sinasadyang mapatingin din sa kanya. Hindi naman siya nag-sa-smile sakin o kung ano man. No reaction lang.

Napag-alaman kong 2nd year highscool palang yung pinsan ni bebe na si nonong. Mas bata samin ng isang taon pero sa look nya, parang di naman nagkakalayo yung year namin. Idi-describe ko yung itsura nya ha? Moreno sya at matangkad sakin ng mga 10 centimeters, siguro. Cute din sya. Lalo na kapag nakasuot siya ng ball cap. Pansin ko nga mahilig siya sa cap, kasi sa tuwing nakikita ko siya ay iba-iba yung sinusuot nyang cap. Pabaligtad nya yun kung gamitin kaya ang astig tignan. Ewan ko ba, bawal naman talaga sa school magsuot ng cap pero nagagawa nya pa rin magsuot. Nagmumuka din syang maangas paminsan-minsan. May mga nagsasabi nga na ang yabang daw nung look niya. I second the motion naman. Hehe!

Hindi ko alam kung pano nangyari na nagkatext kami. Gamit nya nun yung cellphone nung pinsan nyang si bebe sa kadahilanang wala pa syang cellphone. Haha! Grabe lang, highschool na wala pa ring cellphone? Nun ding araw na yon, tinanong nya ko kung pwede ba daw syang manligaw. Nagulat talaga ako, kasi hindi mo naman mapapansin sa kanya na may interes pala sya sakin. Hindi ko alam ang isasagot nung mga panahong yon. Hindi naman kasi ako kinakausap nun pag nagkakasama kami. At tsaka bawal pa ako magpaligaw dahil ayaw pa ng parents ko. Hanggang sa di ko na namalayan na nililigawan na nga niya ako. Madalas kami nagkakatext, kung di nya gamit yung cellphone ng pinsan nya ee gamit naman nya yung cellphone nung papa niya.

Sa school naman hindi kami ganong nakakapag-usap dahil iba yung building nila sa building namin. Sa may Mathay building kami while sila naman ay sa Liban Building. Tuwing breaktime tinatanaw na lang namin ang isa’t-isa, ako sa terrace ng 4th floor namin at siya naman sa 3rd floor ng bldg nila. Lagi nyang suot yung black cap niya, tapos kakaway siya sakin. Buti na lang at medyo malayo yung bldg nila samin at hindi niya nakikitang kinikilig ako. Inaasar nga ako ng mga friends ko pag may ganung moment ee. Hehe!

Un amour de jeunesse (Goodbye First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon