I tried my best to make my actions fast. Kailan ba ako makakakilos nang hindi natataranta dahil sa pagmamadali nitong mga kasama ko? Kanina pa nila ako tinatawag dahil pupunta na raw kami sa hall kung saan gaganapin iyong party na sinabi ni Keifer sa akin.
"Isang minuto nalang, Ash ha? Kapag hindi ka pa talaga tapos diyan iiwan ka na talaga namin!"
Napapikit nalang ang mata ko. "Then leave me! Susunod nalang ako!" Sigaw ko pabalik.
Hindi na nga nagsalita pa iyong boses na iyon. Napailing nalang ako.
Suot ko iyong bikini na nabili ko sa mall kahapon, hindi iyong may butas sa gitna ah? Mamaya ko na susuutin iyon kapag nakaluwag-luwag na kami ni Keifer! Napahagikhik nalang ako sa isip ko. I'm just wearing a simple red bikini na sinapawan ko ng roba.
Yes, a robe. Dahil hindi naman ito bastang party sa bar eh. We're having a party beside the sea, kaya required talaga ang ganitong suot. Mag-na-night swimming daw kasi kami mamaya sabi nung tatlo. Wala naman akong magawa. Iyon naman talaga ang pinunta namin dito hindi ba?
I'm sure other interns in other fields had been envying us right now.
Intern pa nga kami, nag babakasyon pa! Tapos sila todo focus na sa mga trabaho nila.
Nang matapos kong itali ang buhok ko ay agad na akong lumabas. I locked the door and turned around nang may makita akong bulto ng tatlong tao.
"Ows shit!!" Napatakip ako sa mukha ko sa takot. "Ano ba?! Akala ko ba umalis na kayo?!" Singhal ko sa mga demonyita.
"Baka umiyak ka, eh kaya hinintay ka nalang namin."
I gasped, "Ang dami niyong alam. Excited kayo palagi, parang hinahabol lagi ng aso."
"You can't blame us, bitch. Mang-huhunting kasi kami ng boys tonight! Kaya huwag kang umepal!"
"Pati ikaw, Crystal?" Crystal just shrugged her shoulders. "Sumbong kaya kita kay Khent?"
"Edi isumbong mo! Hindi kami bati ngayon. Kaya wala akong pake kung sumabay pa ako kay Ava na manghunting ng boys tonight. Bahala siya sa buhay niya."
Napaismid ako, "sabi na nga bang may LQ kayo eh."
Kung sino pang excited, siya pang huling maglakad. Nauna na ako sa kanila papunta sa hall. Marami-raming tao na rin ang naglalakad at mukhang pareho kami ng pupuntahan kaya naman ay sumunod na rin kami sa kanila.
And I wasn't wrong. Mukhang planadong planado na nga yata talaga ni Keifer ang outing na'to dahil pati ang hall na gaganapan ng party ay napapalamutian na rin ng mga bulaklak. Real flowers. Not plastics.
"Ang daming boylets!" Matinis na bulong ni Ava sa gilid ko, sapat lang para marinig ko.
Muli na naman akong napa-irap at masungit siyang tiningnan. "Tumigil ka, Ava. Baka gusto mong ipakain ko sa'yo 'yang mga bulaklak na iyan?"
Her mouth immediately closed. Good.
"Mga employees lang ba talaga ang nandito, or may iba pang outsiders? Base sa nakikita ko mukhang may ibang hindi kasali sa KJM." Crystal uttered.
"Yeah, may mga unfamiliar faces." Segunda naman ni Ophelia.
"Ako ang maghahanap ng boylet para kay Ophelia ha? Bahala na kayong maghanap ng sa inyo." I giggled before winking at Ophie.
Mahina siyang napakamot sa pisngi.
Tuluyan na nga kaming naglakad sa loob ng hall.
Para lang naman kaming nasa isang bar pero walang walls na nakapagilid. Napakalamig lalo pa't nasa tabi kami ng dagat. Lahat ng upuan ay nasa gilid lang at may mga disco lights din sa gitna.
YOU ARE READING
Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]
RomanceMONTAIRRE SERIES #1: THAT BITCH IS MINE Keifer Joshua Montairre has been depressed for a vey long time. His mom cheated on his dad and it gave him an incomplete family. He had been resenting this man his mom had a relationship with. And it turns out...