Chapter 1: "New School"

78 5 2
                                    

CHAPTER 1: "New School"

ALYSSA'S POV

"Bakit kailangan ko pang lumipat ng ibang paaralan?! Kainis naman si mommy oh! >.< Alam nyo naman kung bakit ayaw na ayaw kong lumipat diba?!" Ngayon pinipilit nya na naman akong lumipat ng ibang school , hindi naman sa ayaw ko sa school na lilipatan ko . . . sadyang MAN HATER lang talaga ako.!

Ako nga pala si Alyssa Lee but I prefer to be called as ysa, 17 yrs. old, half Korean and half Pinay, syempre maganda, ubod ng mayaman, matangkad, matangos ang ilong at basta ilarawan nyo nalang ang isang dyosa at ako na yun. My hobbies are singing, playing guitars & shopping. Yan nalang muna at kayo nalang ang manghusga sa aking personalidad.

"Ysa, kailangan mo lumipat ng school. Hindi puro babae nalang ang mga nakakasama mo. Learn to socialize, forgive and forget.!" oo, tama ang narinig nyo. Noon kasi, nasa Girls High ako nag aaral, kaya puro babae ang kilala at nakakasama ko araw araw. Simula kasi ng aksidenteng iyon . . . Aisshh tama na nga, baka maalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon. >.<

"It's easy for you to say all of that because you haven't experience what I had experienced before ! You should've understand.!" >.< mangiyak ngiyak kong sabi.

"My decision is final, lilipat ka ng paaralan sa ayaw at sa gusto mo.!"

*BOOOGSH!*

Tumakbo at pumasok ako sa kwarto ko at padabog na isinara ang pinto.

"Ikaw talagang bata ka! Huwag mo nga akong talikuran! BUMALK KA DITO!"

Hindi ko na narinig si mommy. Siguro napagod na yon kakatalak. Para naman kasing may magagawa ako diba?

CALLING TRIXIE . . . . .

(Oh, ba't ka napatawag?) Si Trixie yan. Napakacold talaga nyan. Pero kahit ganyan siya, bestfriend ko parin yan.

"Bruha! Kailangan ko ng tulong mo."

(Anu naman yun, Aber !)

"Ililipat kasi ako ng mommy ko sa ibang school eh"

(Mas mabuti, nang mawala kana sa buhay ko.)

"Ayoko nga! Hindi maaari yon. Kung maghirap ako, dapat ikaw rin.!" maldita ba? syempre joke lang yun noh, kailangan lang talaga para mapapayag siya. HAHA

(At kung hindi ako pumayag?)

"hmmm, wala lang naman kasi akong gagawin. Sisiguraduhin ko lang na mawawalan kayo ng matitirhan" sarkastikong pagkasabi ko. Kaya ko kasing gawin yon, pero hindi ko naman tototohanin, syempre bestfriend ko parin siya. Hindi sa pagmamayabang ha, pero kami lang naman kasi ang PINAKAMAYAMANG pamilya dito sa aming lugar."

(Kahit kailan, letse ka talaga sa buhay ko noh ?! Oh ano bang gusto mong gawin ko?) HAHAHAH, ang sarap talagang takutin ng babaeng ito, ang dali kasing mapikon. XD

"Isa lang naman kasi ang dapat mong gawin. Diba lilipat ako ng school at . . ."

(At ano? Gusto mong sundan kita?)

"Patapusin mo nga ako! Well, ganon na nga, as if naman na may magagawa ka diba."

(Oo na, sige na nga. Kailan ba?)

"Pagkatapos ng school year natin"

(Teka, dalawang buwan nalang yun ah! Paano yan, ni hindi pa nga ako nakapagpaalam sa mga magulang ko eh. Alam mo namang ayaw nilang palipat-lipat ako ng school diba?!)

"Ako na ang bahala sa lahat, basta dapat magkasama pa rin tayo sa next school year sa pagpasok sa bago nating school."

(Bahala ka nga!) Aba! at binabaan pa talaga ako ng bruhang yon!

TRIXIE'S POV

Hello po! Ako nga po pala si Trixie Klein, half American and half Pinay po ako. Ako po ang pinakamagandang dilag sa buong mundo. Nagmomodel po kasi ako at nagmamanage din ng iba't-ibang branch ng mga restaurants namin at ang business partner lang naman namin ay ang mga magulang ng BFF kong bruha na si Alyssa. Magkakilala lang naman kami since 5 yrs. old kami. Ngayon ay 17 yrs. old na kami at incoming freshmen sa college. Pero kahit lagi nya akong binablockmail, labs na labs ko parin siya.

ALYSSA'S POV

Pagkatapos ng pagtawag ko kay Trixie, pumunta ako sa mall NAMIN para bumili ng mga damit, accesories at kung anu-ano pa.

O.O WAAATDA ?!

Yung lalaking yun! Kamukhang kamukha nya yung lalaki sa aking nakaraan! >.<

*dug.dug.dug.dug*

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako! Natatakot ako! GOD, help me!

Tingin doon >>.>>

Tingin dito <<.<<

Phew! -_- hay salamat!

At sa wakas nakatakas din ako, ay oo nga pala, if curious kayo kung anong nangyari sa aking nakaraan, eto yun . . .

*FLASHBACK*

(5 yrs. ago)

Gabi na din nun at naglalakad akong mag-isa sa kalyeng napakadilim at napakatahimik na sadyang ang yapak ng aking mga paa lang ang maaaring maririnig patungo sa bahay namin. Ginabi ako ng uwi dahil tinapos pa namin ng aking mga kaklase ang aming proyekto. Hindi daw kasi ako masusundo ng aking driver dahil nagkasakit daw ito at wala din namang mga sasakyan patungo sa bahay namin kaya naglakad nalang ako pauwi, hindi kasi ako matatakutin sa mga multo, mas takot pa sila sakin eh.

May isang lalaking lumapit sa akin at hinablot ang aking braso, siguro mga 4 na taon ang tanda niya sa akin.

"Alyssa" nakakatakot ang boses nya, pero parang pamilyar ito.

"B-bakit p-po?" nangangatal na ako sa takot kasi hindi ko alam kung bakit nya ako kilala ngunit hindi ko naman siya kilala.

"Sumama ka sakin"

"S-s-aan n-nyo p-p-po ako d-dadalhin?" bigla nalang nya akong kinaladkad habang titig na titig siya sa aking mga mata.

"Patawarin mo ako"

"A-ano po . . ." hindi na niya ako pinatapos. Bigla nalang niya akong isinandal sa pader. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Grabehh, ang lakas lakas niya, ni hindi man ako makapalag sa kanya, kahit ang pagsigaw man lang ay hindi ko magawa dahil hinahalik halikan na niya ako at hinawakan sa kung saan saan. Nanginginig na ako sa takot, hindi ko na kaya, iyak na ako ng iyak at humihingi ng tulong at awa. Para bang hindi na niya ako naririnig., ngunit bigla nalang siyang tumigil at sabay sabing "Patawarin mo ako d-dahil . . . " alam kong naiiyak na siya at puno ng galit ang kanyang boses.

*END OF FLASHBACK*

So ayun nga. Hayzz . . kailangan ko na palang umuwi at pagpahinga, sumasakit na din kasi ang ulo ko eh.

SA BAHAY

"Oh anak, anong nangyari sayo? Parang namatayan ah! HAHA" Si daddy talaga, minsan na nga lang umuuwi nang-aasar pa.

"Oo nga eh, namatayan ako ng aso si meng meng" makisakay na nga lang, minsan lang to eh. HAHA

>.> <.<

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay pa kaming tumawa. May topak din kasi minsan tong daddy ko eh.

"Oh, kumain kana anak, handa na ang hapunan."

"Tapos na po akong kumain dad, matutulog na po ako. Sige Good Night po." sabi ko habang nag kiss sa cheeks ni daddy.

"Ok, Good Night my princess" nagkiss din siya sa cheeks ko. Sweet talaga yang daddy ko kaya nga spoiled ako jan eh. HAHA.

Pumunta na ako sa kwarto ko at naghahanda na para matulog. Maaga talaga kasi akong natutulog para hindi magka eyebags. HAHA pumanget pa ako nyan eh.

- End of Chapter 1 

(A/N: Bukas nalang po ulet, matutulog pa po si miss author. Phew, nakakapagod din pala ito, pero alam ko namang worth it ang sacrifices ko. ^_^ Please VOTE and COMMENT, I would really appreciate it. Sorry po pala sa mga wrong grammars at spellings. Please support this story. )

He Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon