Parang kahapon lang nung si Amarah ang umalis, ngayon si Auri nanaman at si Kaia.
"Why do you guys keep on leaving?" Umiiyak na tanong ko kaya niyakap naman ako ni Kaia
"Gurl, malapit lang ang Cebu. May helicopter naman kayo, bisitahin mo pa ako everyday" pagbibiro niya kaya binatukan ko naman siya
"As if papayagan ako" I chuckled "Tangina this will be the first time na magkakalayo tayo for such a long time. I'm gonna miss you so much" mahigpit ko siyang niyakap
"I'll miss you too Blizz, don't worry about me. Kaya ko na ang sarili ko. At ikaw, mag iingat ka rin sa Manila. But I'm sure you'll be fine, andun naman si Quendrick para alagaan ka" aniya't nanunukso akong tinignan.
Nagpaalam narin ako kay Auri at nag-iyakan rin kami dahil hindi na kami makakagala everyday and everynight.
"Ma mi-miss kita at inuman natin!"
"Same!"
Imbes na ako dapat yung may mga habilin sa kaniya, ang ending siya mas dami pang habilin. Sabi niya pa practice safe sex, gago talaga. Baka nga mauna pa siya eh!
It was time for them to leave kaya kumaway nalang kami sa kanila. I kept my emotions as I watched both of them leave. Pero noong tuluyan na silang makalayo, doon ko na naibuhos ang luha ko.
"Hey, it's gonna be okay. Magkikita pa rin naman kayo niyan" sabi ni Noeh at inakbayan ako at si Blaize.
"Ano, sino nanaman sainyong dalawa ang aalis??" Tanong ko kaya tumawa naman sila
"I should be the one asking that" Noeh said. Aalis narin kasi kami ni Blaize papuntang manila.
"Babalik ka rin naman ng Amerika" inirapan ko siya
"Matagal pa yun. May aasikasuhin pa muna ako saka ako babalik" aniya
"Like what? Your relationship with yout bestfriend's friend?" I teased kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Dami mong alam" aniya't naunang maglakad kaya natawa naman ako.
"Tayong dalawa nalang" I said to Blaize
"Mamimiss ko ingay nila" aniya't naluluha kaya hinagod ko naman ang likod niya
"Ikaw lang naman talaga maingay sa 'ming lahat" sabi ko kaya parehas kaming natawa. Quen was already waiting for me outside kaya nagpaalam na ako kina Blaize at Noeh na sabay nang umalis. I was about to get inside the car when someone grabbed my arm kaya napalingon ako at nagulat ng makita si Draco.
"D-Draco,"
"Yna, can you please tell me where Amarah is? What happened? Ba-bakit biglaan??" Parang maiiyak ng sabi niya. His voice was cracking and I could see the sadness in his eyes. Mukhang wala panga siyang tamang tulog dahil ang itim na ng ilalim ng mga mata niya at namamaga pa.
Pero kahit ganun, nagkunwari akong hindi naaawa sa kaniya. Mas kawawa ang ginawa niya sa kaibigan ko.
"Why are you still asking? You cheated on her didn't you?" May bahid na galit na sabi ko
"It was all a misunderstanding. I could never do that to her.." hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil parang hindi naman siya nag sisinungaling o ano
"Misunderstanding pala tawag kapag nakipag talik ka sa ibang babae?"
"Yna, I swear-"