Part 1

8 0 0
                                    

Madalas mo ako padalhan ng mensahe.


"Beh, kumain ka na ba?"

"Miss you, huwag kang papagutom."

"Magpahinga ka na, maaga pa ang pasok mo."


Madalas nga wala naman talagang sense yung usapan. Pero palagi pa rin akong nagrereply sa mga text mo may masabi lang.


"OK naman ako." Kahit hindi naman talaga at gulong gulo ang isip. Nuong araw na iyon sinabi sa akin, "Umalis ka na muna at gagamitin ko ang kwartong ito." Sabi ng kamag-anak na nuong una pa ay wala namang pakielam.

Di ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko. Di na kita ginambala pa. Ang mahalaga malaman mo na OK lang ako.


Binalot ang mga gamit kasama ang mga pangarap. Naisip kong ipagtanggol ang karapatan dahil ibinigay ng lola ang maliit na kwartong ito para sa akin. Tiningnan ko ang paligid. Puno ng mga lumang damit, sanlaksang aklat na naipon, mga binasa at babasahin pa.


Saan ko ngayon ilalagay ang mga ito? Di ko mapigil ang lungkot. Madalas ganito ang eksena, pero natuyo na ang aking luha. Nawala na ring ang aking kakayahang magpahayag ng lungkot.


Naalala ko nung maliit pa ako, namatay ang aking lolo. Ikinuwento ko sa mga kakalase ang nagyari pero sabi nila, "Bakit parang OK lang sa'yo?" Of course, di OK pero di alam kung paano ang tamang paraan ng pagpapahiwatig ng lungkot. Feeling ko tuloy abnormal ako.


Bukas kailangan kong makahanap ng malilipatan. Buti na lang weekend nagtopak tong Tito ko. Sigurado mahirap makahanap ng malilipatan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OK lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon