"Hello, mom? Yes, nandito na po ako sa airport. Where are you?" Palinga-linga ako para hanapin ang mga magulang ko na susundo sa akin ngayon.
My mouth formed an "O" when I saw my mom waiving at me. I smiled and walk towards them but someone hit my bag.
Agad ko naman itong sinamaan ng tingin. "Are you trying to steal something from me? Magnanakaw! May magnanakaw dito!" Sigaw ko kaya naka agaw kami ng pansin.
"Hoy, hindi ako magnanakaw! Sshh ka nga!" Tinakpan naman niya ang bibig ko pero huli na ang lahat dahil hinawakan na siya ng mga guards. Serves him right!
"I apologize Ms.Valiente but Wrayn, our employee is not a snatcher. I can assure you that ma'am and nakita naman po natin sa cctv na natulak lang din po siya ng mga tao." Pagpapaliwanag ng manager nila.
Umirap nalang ako sa hangin at tumayo na, handa na para umalis sa opisina.
"Hindi ka manlang ba magsosorry? You just accused me."
Nakataas ang kilay kong binalingan ang lalaking bumangga sa akin kanina. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Me? Are you talking to me? The nerve!" Nagmartsa na ako palabas ng opisina pero bago pa ako makalabas ay narinig ko ang huling salita nito.
"Magandang matapobre."
I look at him one last time and nakatingin din pala siya sa akin bago tuluyang nagsara ang pinto ng opisina nila. Kakabalik ko palang nasira na agad ang araw ko.
"Anak, bakit naman hindi ka nagsorry? May kasalanan ka rin naman." Nakaiwas na tingin ni daddy.
"Dad, are you siding him? Gosh! Akala ko namiss n'yo ako." Pag-iinarte ko.
"Darling, we are not siding him. It's just he also deserve an apology from you. Hindi ka namin pinalaking matapobre." Pangaral sa akin ni mommy kaya naman ay umiwas nalang ako ng tingin. Hindi na nagsalita dahil alam kong talo lang ako, dalawa sila eh.
Pagkarating sa bahay ay agad agad akong tumakbo papunga sa kusina kung nasaan ang paborito kong kasambahay.
"Manang!!" Tumakbo akong yumakap sakaniya kahit lumalayo ito sa akin.
"Jusko! Samo't sari ang amoy ko, anak. Nakakahiya ano ka ba namang bata ka!"
"Eh si manang para namang hindi mo ako namiss?" Pagtatampo ko kunwari.
Hinampas ako nito sa bewang bahagya. "Ano ka ba naman! Syempre ay nagagalak ako na narito ka. Osya, maupo na kayo at niluto ko ang paborito mo."
"The best ka talaga manang!" Niyakap ko pa muli ito bago naupo sa lamesa kasama ang mga magulang ko.
"Kumusta naman ang New York, Ivy?" Tanong ni Daddy.
"Still New York, dad. I met a lot of famous designer at school." Masayang pagkukwento ko habang inaalala ang pag-aaral ko sa ibang bansa. Actually, I want to stay here for good. Isang taon nalang naman at makakatapos na ako. Pwede ko naman na sigurong kunin nalang dito sa Pilipinas 'yon.
"Any suitors?" May panunuya sa boses ni mommy.
"A lot but they are not my type and also I don't like foreigner to be my husband, mom. Iba pa rin ang Pinoy." Kumindat ako at tumawa.
Natawa rin ang parents ko sa akin. "Ikaw talaga, osya, kumain ka na at para makapag-pahinga ka na."
"Mom, dad, Lili and Lilo will fetch me here later. You know," paalam ko na pinayagan naman nila.
I'm glad that my parents are not that strict. They are cool.
Patulog na sana ako ng magring ang cellphone ko. Gosh!
"Oh?" Wala sa mood kong sagot.
(Taray naman! Ipapaalala ko lang sa'yo na susunduin ka namin ni kuya mamaya.)
"I know, Lili! Let me sleep, okay?" Pagtataray ko pa.
(Sige na magbeauty rest ka na at maraming papi sa pupuntahan natin mamaya. Mwa!)
She ended the call. Tss, paniguradong mga spoiled and conceited men ang mga nandoon. Out of nowhere, the picture of the man at the airport earlier cross my mind. His eyes looking directly to mine.
Napaupo ako galing sa pagkakahiga. "His eyes are baby blue? How could an employee have a very beautiful baby blue eyes? It must be a contact lense." Pagkausap ko sa sarili ko. Here I am again, judging people.
Pinagsiklop ko ang aking mga palad. "Sorry po, Lord sa pagiging judgemental. Huwag n'yo po akong paparusahan. Amen."
Pagkatapos magdasal ay pinikit ko nalang ulit ang aking mga mata para makapagpahinga at may energy ako mamaya.
"Hoy Ivy!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko habang nag-aayos ako.
"Don't you know how to knock?" Maarte kong sabi at nagpatuloy sa pag-aayos.
"I know pero kung kwarto mo, hindi ko alam. Tara na!" Hinila na ako nito.
"Wait, my bag!" Hinablot ko nalang ito saglit bago nagpatianod sa babaeng ito. Laging nagmamadali talaga.
"Mom, dad, we're going!" I shouted.
"Bye tito and tita!" Lili shouted too.
"Hey, long time no see!" Lilo kissed me on the cheek.
"Miss your long time crush?" I teased him. He just rolled his eyes to me which made me laughed. Lilo is Lili's older brother na nagconfess sa akin before na crush ako kaya hanggang ngayon ay inaasar ko siya.
While on our way, Lili and I keep on chitchating. Paminsan-minsan ay sumasali si Lilo pero kami lang talaga ni Lili. She's my bestfriend nasa womb palang ako ni mommy.
"Wow, infairness, maganda dito sa pinagdalhan n'yo sa'kin. Girl, party in New York is a blast, bigtime."
"It's more fun in the Philippines!" Sigaw naman ni Lili dahil nasa loob na kami at talagang malakas ang music.
Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. It is true that it's more fun in the Philippines. Well, let's have some fun!
We ordered some drinks to start our night but we don't have a plan to get wasted.
"Girl, did you see those boys? They are all from Ateneo." Tinuro naman nito ang mga lalaki sa harapan namin. Not my type.
"And those boys are from La Salle," turo nito sa kaliwa naman namin. Not my type either.
"And those boys are from UST." Turo nito sa mga nasa kanan namin pero hindi ko na nabalingan ng tingin dahil pinaningkitan ko si Lili ng mata.
"It's dark here and you still know where school they came from? Seriously, Lili? You're so lalakero!" I accused her.
"Nako! Sinabi mo pa! Lahat na ata ng univesity sa Pilipinas nagkaboyfriend 'yan." Dagdag naman ni Lilo.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Lili bago kami inirapan.
"You know what, let's just dance! Come on!" Hinila na naman kami nito. Nag shot muna ako ng isa bago tumayo at sumunod sakaniya pero sa hindi inaasahan ay nabunggo ako ng kung sino kaya naman napa-upo ako sa sahig.
"I'm sorry. Let me help you." Wika ng nakabunggo sa akin. Tinanggap ko naman ang kamay nito na nakalahad at handa na siyang tarayan ng makita ko kung sino ang nakabunggo sa akin.
"You again?!" Hindi makapaniwalang saad ko matapos makita ang lalaki sa airport kanina.
"I guess?" He smirked at me while still holding my hand.
-💙
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
RomanceI love her. She is like a moon shining so bright and so high. I love her and no matter what, I will get her. Baligtarin ko man ang lahat sa akin ka pa rin.