Sa lugar sa kung tawagin ay Tregusoiya na matatagpuan sa bansang Espanya—na ang pangunahing gawain ay tungkol sa teknolohiya sa gitna ng kagubatan gamit ang iba't ibang klase ng halaman at puno—Naninirahan si Astrea, ang dalawamput dalawang taong dalaga, ang nag-iisang Prinsesa at ang bunsong anak nina Haring Lihon at Reyna Elena.
Si Astrea ay may dalawang kapatid na lalaki—sina Prinsipe Agustin at Prinsipe Theodore. Bilang isang Prinsesa s'ya ay nararapat na mamuno sa kabulaklakan ng nayon kasama ng kanyang ina na si Reyna Elena, Kaya't iyon ang kanyang ginagawa.
Tumutulong sa pag-gawa ng mga bagay na gawa sa bulaklak na may halong teknolohiya, at pinanood kung tama ang ginagawa ng iba.
Isang napakabait n'yang bata at matalino idagdag pa ang taglay nitong kagandahan na siguradong kahit sino ay mahuhulog dito. Ilan lamang 'ata ang ganitong klase ng tao sa mundo. At isa s'ya sa kanila. Tunay ngang pinagpala.
Ngunit sa kabaitan n'ya na iyon ay may tinatago s'yang bagsik at kasungitan. Ayaw ng Prinsesa sa magaslaw na uri ng nilalang kaya't puno ng ka-istriktuhan ng pamumuno nito. Mapa-babae o lalaking lohinyan ay maayos at matinong kumilos.
Mayroong sampung tribo ang Tregusoiya—ang Kabulaklakan na pinamumunuan nga ng mag-ina, ang Halamanan na pinamumunuan naman ni Haring Lihon at ng mga kapatid na lalaki ni Astrea, ang katubigan na pinamumunuan ng pamilya nina Haring Halusyon, at ang Kapunuan na pinamumunuan nina Prinsipe Louminu.
May iba't ibang tawag sa bawat tribo. Ang tawag sa kabulaklakan ay Lohinyan, sa Halamanan ay Halanshiyon, sa katubigan ay Aquanyin, at sa Kapunuan ay Matanrilayun.
YOU ARE READING
The Tregusoiya Forest
Short StoryThis is just a one shot story so I hope y'all enjoy it!