My Sh!tty Valentine

124K 3.4K 718
                                    

Why do we celebrate Valentine's? It's stupid if you'll ask me. I mean, do you really have to highlight that one day when all motels have their peak season? 

Nag-aaksaya lang kayo ng mga bulaklak.

Masakit sa mata ang pula... pwede ba!

Pasko nga hindi ko sini-celebrate kahit official holiday eh, yan pa kayang Valentine's na gawa-gawa lang ng malalanding magjowa?

And before you say anything. No. I'm not bitter. Yes, I may have been single for a long time now (25 years). Oo na. NBSB na ako. Ako na ang kawawa. Ako na yung palaging tinitingnan ng mga kamag-anak at parang tinatanong mentally na 'Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?'

Oo na. Ako na ang palaging tulay at hingian ng advice. Eh kasalanan ko bang walang nagkakagusto sa 'kin?

I always feel like shit on Valentine's. Na para bang biglang nabaliktad ang ratio ng couples at singles. Na parang sa araw na yun, biglang ikaw na lang ang single sa mundo. Yung ganung feeling.

Kanina nga, pagkapasok ko sa office... gusto ko ng umuwi eh. Pano kase, nagkalat yung mga pre-ordered bouquets na nasa desks ng mga lalaki. Pati sa table ng crush ko meron.

Kaso asa naman akong sa akin nya ibibigay yun. Eh hello... una't huling beses naming mag-usap eh nung Christmas party.... nung nagpapagame sya at contestant ako.

Before and after that was such a lame excuse for a daydream.

Pero deep inside my skeptic heart, there's a hope na hindi ko mapatay-patay. There's a hope na sana ngayong araw ay magkaroon na sya ng lakas ng loob para magtapat sa 'kin. Kase, you know, I got wrapped up in the idea na may lihim din syang pagtingin sa akin. Ganun naman kadalasan sa kwento di ba? Yung akala nyo lang si girl yung may HD kay boy pero sa bandang huli... ayeeee... sila rin pala.

Well bullshit for you. I happen to be disappointed with that notion many times now. And I know another disappointment is yet to come again.

Dumating si crush and I waited for him to come to me and give me the bouquet. It didn't happen. By lunch time, I was hesitant to go outside the building kase baka ayain nya akong mag-lunch. Did you know that I actually waited until 2pm before finally getting it to my head na hindi yun mangyayari?

Nagpakagutom lang ako para sa wala.

By afternoon, I was so eager to leave. Kase pointless ang maghintay sa isang taong inaassume mo lang na may gusto sa 'yo. I should have realized it a long time ago... hindi nya ako gusto. That's the reason why he's not adding me in Facebook and the reason why he doesn't even get bothered when I walk by.

WALA SYANG GUSTO SA AKIN!

Ang kapal lang kase ng apog kong mag-assume kase nga naman nagkakasalubong minsan yung tingin namin. Stupid, I know... but how would I know if someone likes me or not when no one actually showed me that they like me? Palagi akong nanghuhula. And every time... I was proven wrong.

Wait--nagpakilala na ba ako? Hindi pa di ba?

Okay... so let me continue with my story. Don't bother asking my name. I'm not in the mood for proper introductions. You'll forget my name later on anyway.

So where was I? Ah... right. In the middle of my woes against Valentine's. Kanina, habang naglalakad ako papunta sa bus stop, gusto kong mairita sa mga couples na akala mo nasa park sa kabagalan nilang maglakad.

Yung iba pahara-hara pa yung mga hawak na teddy bears and flowers. Pwe! Naaawa ako sa mga katulad kong ang gusto lang ay makauwi ng maaga pero eto sila't nang-iinggit.

Naiinis ako dahil parang ako na yung pinaka-undesirable na tao sa mundo.

Kanina nga, nilulunod ko ang sarili ko sa Pearl Coolers at Flip Floats. Masakit sa lalamunan at ngipin ang sobrang tamis na inumin pero sabi kase nila, nakakapagpasaya daw ang chocolate.

My Sh!tty ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon