The Indenial Push and the Hot Pull

12.8K 109 30
                                    

Tinitigan ko ang maleta ko na nasa aking harapan bago bumalik ang aking tingin sa kontrata na nagsasaad ng magiging set-up naming tatlo.

A threesome... While I am in my mini-disappearance?

Nailing ako bago itinago sa loob ng shoulder bag ko ang kontrata. So, here's exactly what is going to happen next, from here.

Chad wanted me to ignite Steph’s desire to date a woman again while we are all in the threesome relationship. He's been with him for two years, after all. Pumayag din si Chad na hindi necessarily ako ang magustuhan ni Steph. Kailangan niya lang muling maakit sa babae. In exchange, he invited me to stay in his farm in Sariaya Quezon Province and promise to attend to my needs, whatever it may be.

So I asked him to actually grant me one wish in exchange of my service in our threesome. And mabait si Chad. He's super nice and didn't bother to ask further. He just agreed.

Doon ko napatunayan na mahal niya talaga si Stephen. Kaya hindi ko matanggap na ganito kalaki ang sakripisyo na gagawin niya para sa pamilya niya. I thought family is supposed to be your support to everything you want to do in life. At least, that's how books and school explain the concept of family.

Napabuntong hininga bago napailing. I am being too invested in this. Sa halip na mag-overthink, I should really just mind my own business.

Napatingin ako sa cellphone ko para silipin ang oras at nang makitang pumatak na rin sa wakas ang ala-una ng tanghali, tumayo na ako sa kinauupuan ko. I left a letter on my roommate's bed along with my key. Siya na ang bahalang magsabi sa dorm manager.

I took my luggage and then exit my dorm.

Kaagad kong tinungo ang lobby ng building at dire-diretsong nilakad ang parking. Just in time, I received a text message from Chad saying nasa parking lot na siya.

Napangiti ako at mas binilisan ang lakad. I see Chad as a friend... But I could not deny how hot he was. Hindi siya mukhang bading at hindi rin naman siya nagdadamit pambabae. At kung hindi mo alam na may boyfriend siya, siguradong lalandiin mo siya dahil sa sobrang kagwapuhan niya.

Tinanggap ko na rin sa sarili ko na attracted ako sa kaniya.

I saw the familiar car na naghatid sa akin noong isang araw dito sa dorm pagkatapos ng orgy na dinaluhan naming tatlo.

I was smiling as I approached the car. Kumatok ako sa bintana ng sasakyan. The window rolled down and my smile instantly frozen.

“Disappointed?”

Ilang beses akong napakurap bago nahanap ang boses kong sagutin siya, “Bakit ikaw ang nandiyan? Nasaan iyong boyfriend mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.

No other than Joshaia Stephen.

“May meeting si Chad sa mga suppliers ng feeds ng farm kaya ako na pinapunta niya para sunduin ka.” He gave me a cold shrug before he rolled up the window again.

Napaawang ang bibig ko bago nakaramdam ng matinding inis. He's exactly the definition of rude.

“Bwisit!” Saka ko sinipa ang gulong ng sasakyan. Pabalyang hinila ko ang maleta ko papunta sa likod ng sasakyan saka malakas na hinampas ang takip ng trunk.

“VENICE!” Lumabas ang ulo ni Steph mula sa bintana ng driver seat na nanlalaki ang mga mata.

Nginisian ko naman siya nang nakakaloko. Huwag niya akong bigyan ng attitude dahil mas ma-attitude ako. “Open this damn trunk! Saan ko ilalagay ‘tong maleta ko, aber?”

Naningkit ang mga mata niya kasabay nang pagtiim ng panga. “Pwede mo ring itapon na lang ‘yan,” walang abog niyang sagot sa akin bago muling ipinasok ang ulo sa bintana at itinaas na naman iyon.

Three to TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon