Jaimee
"Bakit hindi na itutuloy?"
"Narinig ko lahat ng usapan niyo kanina ni Kade, Jaimee. Mas mabuti ngang magquit ka nalang para hindi na lumaki problema niyo sa isa't-isa". Blanko ang isipan at alam kong nakasimangot nako ngayon dahil sa sinabi ni Cholo.
" Narinig mo lahat?"
"Oo, lahat."
"Ayoko." isang sagot sa kanyang sinabi. Naistatwa siya sa kanyang kinauupuan at hindi alam ang ilalabas na salita sakanyang bibig.
"You hate sports, right? so bakit umaayaw kana, chance mo na 'to Jaimee para umalis."
"Tss, oo ayoko nga pero malay natin magustuhan kotong laro nato. Sinabi ko kanina na gusto ko ng scholarship diba? kaya ayoko nang magquit." please Cholo, I need this sport, makisama ka sakin please.
"Kaibigan ko si Kade, Jaimee. Ayokong sumama ang loob niya sakin at ayoko maipit sa problema niyong dalawa and one question, bakit mo sinabi kay Kade na Boyfriend moko? I don't even like you nor love you " at nagfreez ang buong katawan ko sa kinauupuan ko. Oo nga pala! Bakit ko nga ba nasabi 'yon kanina?
"Sorry, hindi ko 'yon sadyang masabi, my mind are empty at bigla kang pumasok sa isip ko kaya ko nasabi sakanya 'yon. Huwag kang magalala hindi niya paniniwalaan 'yon dahil alam kong may tiwala siya sayo at sakin ay wala."
Rinig ko ang pagbuntong ng kaniyang hininga.Tinignan ko siya sa kinauupuan niya at napakaseryoso niyang tignan, wala kang mapapasok na katatawanan na topic at baka magwalkout lang 'to o di kaya tignan kalang neto mula ulo hangang paa. Wala nako masabi at ang tanging ginagawa namin ngayon ay magtitigan.
"This is our deal diba, kaya panindigan natin toh lalo na ikaw, ikaw ang nagpasok sakin dito."
"Blinablame mo naba sakin tong pagpasok mo sa sport na'to?"
"No? Why would I? Totoo naman diba kaya huwag mong isipin na blinablame koto sayo. Please Cholo, I need this sport for my future, I have future Cholo kaya please hayaan mo na sakin 'to.
I don't know if nagmamakaawa bako para hindi niya ako paalisin pero sincere akong nakikiusap sakanya. Ang tahimik niya, hindi ako sanay. Alam kong gusto niyakong sigawan pero pinipigilan niya ang sarili niya at mahinahong nakikipagusap sakin.
Ilang minuto nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit saakin.
"Tumayo kajan."
"Bakit? Papalayasin mo bako dito sa library at kakaladkarin?"
"Tumayo ka nga jan." Ulit niya at tumayo na lang ako.
Pagkatayo ko nang laking gulat kong sinunggaban niya ako ng yakap. Halos manlaki ang mata ko at bumilis ang pintig ng puso sa ginawa niya! Baliw ba'to?bakit niya 'to ginawa?
Magpupumiglas na sana ako nang humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
"Im worried, Jaimee. Hindi kay Kade, kundi sayo. Okay lang ba braso mo?kanina kopa tinitignan at namumula yan."
"Salamat sa pagalala?but can you please get off Cholo?hindi ko kailangan ng yakap!"
"Kailangan mo'to, pampagaan ng loob." at hinayaan ko na siyang nakayakap sakin ng marinig ang kanyang sinabi. Narealize ko na totoong nakakagaan ng loob. Nakakadeja vu, halos dati pagnasa lowest point ako ng buhay ko si Kade ang yumayakap sakin at totoong gumagaan ang pakiramdam ko, pero ngayon iba na ang nakayakap sakin but i feel the same. I think hugging me is my medicine kaya hinayaan ko nalang na nakayakap siya sa akin.
Nang pumiglas siya sa pagkakayakap, hinawakan nia ang magkabila kong braso at hindi siya sa akin makatingin ng direkta.
"Deal granted, Jaimee. Hahayaan kita makasali sa Volleyball kung ayon ang ikakabuti mo." He said that then I smile. Kitang kita ko sakaniya ang pagkagulat na reaksyon. Nagulat ba siya dahil nakita niya kong ngumiti? To be honest, Im happy Cholo. Thankyou.
Nang matapos ang eksena na 'yon, umupo ule kami. Para bang kumportable ule siya at nakikita ko nanaman ang pagkajologs na ugali sakanya.
"Feeling ko crush mo na'ko, swerte mo daming babaeng may gustong yakapin ako tas ikaw?? like duh so swerte!"
"Alam mo ba na muntikan na kita suntukin sa ginawa mong 'yon sakin kanina." he stop smiling and he rolled his eyes.
"Btw, okay lang ba braso mo?"
"Oo, hindi naman ata 'to dahilan ng paghatak sakin kanina ni Kade, kanina ata 'to sa bola hindi pa naman ako sanay."
"Actually mamumula nga talaga yan pagfirst timer ka, pero pagnakasanayan mona hindi nayan sasakit tsaka mamumula."
"Ang hirap pala magvolleyball, kung titignan kasi parang ang dali lang, nagkakamali pala ako."
"Tss Jaimee Alora dami mo pang matutunan talaga."he smirk while staring at me." Ahh ganto nalang, I'll coach you."
"Sige nga." Mabilisan kong pagpayag. Kanina kasi sobrang kabado ako dahil ang daming nanonood sakin habang nagtratraining ako 'e hindi pa naman ako marunong pa talaga kaya sobrang hiya at kaba ang nararamdaman ko kanina.
"Okay, meet me every uwian." At lumabas ang pagtatakang reaksyon ko sa aking mukha.
"No, maggagabi na 'yon at wala akong balak magstay dito para magensayo."
"Nope, hindi dito. Sa house ko, sa likod ng bahay namin.Madalas talagang naglilibot mga guard dito kaya sobrang hirap chumamba magensayo tuwing gabi.Kaya sa bahay ko tayo kita tuturuan Jaimee Alora."
"Tss,wag na.Makakaabala pa tayo sa magulang mo, talbog palang ng bola ang ingay na eh at saka sesermunan mo lang ako sigurado ako dyan."
"No,ako bahala. Madalas naman sila daddy wala don--"
"Oh tignan mo wala pala tapos aayain mo pa--"
"Syempre if wala talaga sila sa bahay, tatawagan ko sila para magpaalam. Okay naba?Are you G?"
"I don't know. Pagiisipan ko, sige na mauuna nako sayo." Aniko.Tinapik ko nalang siya sa braso at nagpaunang lumakad.
Tama ba 'tong ginagawa ko?Gusto ko din talagang ipagpatuloy kasi malay natin dito aayos future ko.Pero si Cholo tuturuan ako? sa bahay pa niya mismo, tama ba 'yon? Hindi sa nagiging OA ako at kung iisipin andami niyang kabaliwan na ginawa sakin at baka madagdagan pa nga.
Pero kung ako lang din ang tatanungin, gusto ko talagang matuto, tama nga naman ang desisyon niya kasi kung tutuusin wala pa talaga akong niisang natututunan.
"Sure, pag-isipan mo muna. Kung free ka bukas, meet me sa labas ng school!" Pasigaw niyang ani dahil malayo layo nadin ang pagitan namin sa isat isa.
Bahala na.
End of Chapter 12.
Thanks for Reading^_^
BINABASA MO ANG
MY VOLLEY BOY(On-Going)
Non-FictionSPORT SERIES #1 Cold.Puro pag-aaral lang.Ayaw ng kaibigan.At higit sa lahat,ayaw sa sports.Si Jaimee Alora ba kamo?Well ganyan ba ang magiging kapalaran niya?O tuluyang pababaguhin ng isang Ace ng Volleyball Team na si Cholo Fuentez?