"Pare, ang hirap mo namang ligawan!" sabi ko sa mokong na 'to sabay abot sa tatlong long stemmed roses
"Huy! nasisiraan ka ba ng bait ha? May lagnat ka?" hahawakan sana nya yung noo ko pero umilag agad ako.
"Naman eh! Bulaklak oh! ang arte mo!" Nakakaasar na talaga ayaw nyang tanggapin yung roses ko. Valentine's day pa naman ngayon!
"Tama na nga yang drama mo Pre! Hahahaha!" Pre! Tinawag na naman akong pre!
"Ano ka ba sabing "pare" itawag mo sakin! Hindi Pre"
"Eh bakit? Gusto mo PRECIOUS?"
"PRECIOUS-IN mong muka mo. Dyan ka na nga!" Iniwan ko na sya.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Hindi naman normal sa isang babaeng katulad ko ang manligaw sa lalaki. Siguro dahil sa boyish ako at pakiramdam ko isa akong lalaki na nanliligaw. Astang lalaki, kilos lalaki, yun nga lang yung anyo at puso ko babaeng-babae pa rin.
Mga nakaktatlong hakbang pa lang ako, bumalik ako sa harap nya.
Itong mokong na 'to! Naka-smile pa....natu...natutunaw... tuloy... ako...pero HINDI! galit ako.. GA-LIT ako! Sinaksak ko sa dibdib nya ang tatlong long stemmed roses na binili ko kaninang umagang-umaga sa flowers shop.
Napansin kong kumunot yung noo nya, "Para sa'kin talaga 'to?" Habang hawak-hawak ang mga bulaklak ko.
"Oo! Tanga ka ba! Mahal kita pare!" Halaaa ano ka na!!! nakngpu! Nasabi ko tuloy ng wala sa oras!
"Precious..."
"Isang pang tawagin mo kong Precious, Mr. Luigi Avleonan! Hahalikan kita!"
Na-yari na talaga! Ngumiti pa ang mokong na 'to...lalo tuloy....akong....na...i...in....love sa kanya... hayyy....bakit ba kasi hindi na lang ako pinanganak na girly.. sa hitsura kong ito..boyish...malamang mababasted ako ng lalaking 'to! Iisipin pa nyang nagjojoke ako.
"Pare, joke ba yan? Hahahaha!" Kitams na! Nakngpu! Nagtatapat na nga akong ng pag-ibig na matagal ko ng kinikimkikm dito sa mokong kong best friend tapos hindi nya ko paniniwalaaan!!! </3
"Hinahamon mo ba 'ko?" Tanong ko na astang lalaking gustong makipag-suntukan. Ganito ako eh! Hindi ko na mabago kahit gusto kong magpaka-babae para sa kanya.
Ngumiti ulit sya.
****
"Let's all welcome our Seniors!"
Seniors prom ngayon at nakakaasiwa itong suot ko. T-shirt at jeans lang naman ang sinusuot ko, kung pwede nga lang magganun dito ginawa ko na! Kaya lang prom, anong isusuot ko tuxedo eh sa paningin ng lahat babae ako! Isa pa babae naman talaga ako!
""Oi!!!! guys si Pre ohhh!!!" sigaw nung isa kong ka-batch. Ang alaskador na Jonathan. Galing Section 1.
Nagsunuran naman ang mga kaklase nyang lalaki na mga bully rin. "San ang kids party Pre? Magka-clown ka ba? Hahaha!" Sunud-sunud na rin ang panlalait nila.
Ano bang masama sa suot kong pink na mini dress, na aaminin kong luwag sa'kin dahil hiram ko lang 'to sa pinsan kong mataba, at sa make-up ko, na yung kapitbahay naming bakla ang gumawa at nagbantang mambubulabog ng bahay kapag binawasan ko itong blush-on na ubod ng pula? Tapos ubod ng pula rin ang labi ko na parang sinuntok.
Hindi naman sa gusto ko talagang ipahiya ang sarili ko pero malay ko bang hindi pala kaayaaya itong hitsura ko ngayon? Hindi naman ako marunong tumingin ng fashion. Wala rin akong alam sa maganda at pangit. Alam ko lang ay ang t-shirt at jeans ko na komportableng isuot at hindi nawawala sa uso.