Araw ng sabado, walang pasok kami pareho ni Armeng. Uuwi kami mamaya sa Antipolo dahil holiday din sa Lunes. Kailangan ko rin iabot kanila Mama yung naipon ipon ko sa pagtatrabaho. Baka bawasan na naman ni kuya ang ipadadala ko sa kanila. Mamasahe lang ako kaya medyo mauuna ako kanila Armeng dahil ira-rides nila ang pag-uwi sa Antipolo.
Wala pa akong kagana ganang bumangon. Alas-singko na ng umaga. Mag babiyahe ako mamaya mga 7:30. Gising na rin si Armeng at kachat si Jethro. Naayos ko na rin kinagabihan yung aking mga bibitin.
"Be, hindi ba tayo bibili ng lugaw?", Tanong ni Armeng.
"Baka kasi makakita ko si Daichi doon eh maaaga Yun nagigising. Ikaw na lang bilhan mo na rin ako. Chat mo na lang si Jethro para may kasama ka".
Pinuntahan ako ni Armeng at tinignan ako.
"Si Ian pa rin noh?", Malungkot niyang sabi. Boto siya kay Daichi. Siguro kahit sino namang nakakaalam mas pipiliin si Daichi kaysa kay Ian. Makikita naman na matino si Daichi pero kapwa sila mabait. Kahit sa anumang anggulo si Daichi pa rin ang lamang para sa kanila.
"Wala eh siguro kahit tumanda na ako at magkaanak. Mahal ko pamilya na maaari kong buuin pero palaging may parte sa akin na laging nagmamahal kay Ian",
Niyakap ako ni Armeng. Hindi magawang tumulo ng luha ko. Mas mabigat sa dibdib yung dinadala ko. Buti na lang at andyan si Armeng.
"Maghilamos ka muna be. Toothbrush na rin. Antayin ko lang saglit si Jethro", Wika ni Armeng at lumabas na ng kwarto.
Pumunta na rin ako sa banyo at naghilamos. Mag babakasyon lamang ng tatlong araw sa bahay hindi ko naman na dapat ipaalam sa kanila. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang ganda ko. Pinaglaruan ko mukha ko. Nagpapraktis ako kung anong ngiti ang bagay sa akin. Kung saang view ako maganda. Tingnan ko na rin ang kabuuan ng aking katawan. Ganito pala ako kaliit. Hindi ko masasabing sexy ako pero parang ganon na rin. Sakto lang naman yung mga laki ng aking dibdib at pwet.
Naglagay ako ng lip balm sa labi bago tuluyang mabuhat ang sarili kong bangko. Mukhang Fresh na.Saktong pagkatapos ko maghilamos ay dumating na si Armeng. Lumundag ako sa kaniya at parang isang bata na excited sa pasalubong ng Ina.
"May bisita ka sa labas", Saad niya na hindi ko naman maipinta ang kanyang mukha.
Bisita? Ako?
"Nosi?", Tanong ko na may pagtataka.
"Balasi?", Pagbibiro ni Aremeng. Tinulak niya ako sa harap ng pinto. Siya na rin ang nagbukas para sa akin.
Lumabas na ako ng pinto at nakita ang isang lalaki na may maamong mukha ang lakas ng pabango niyang nilagay.
"Oy, Daichi. Ano ginagawa mo rito?", Tanong ko sa kanya. Parang binuhos niya lahat ng brand ng pabango sa sarili. Naka-jacket siya at pajama pa. Mukhang hindi pa siya nakakapag suklay ng buhok. "Halika, ka pasok ka", pag-iimbita ko sa kanya sa loob.
Pumasok siya sa loob. Pinaupo ko siya sa lamesa dahil ayun lang yung pwedeng pag tambayan ng mga bisita sa maliit na apartment na ito.
"Uuwi ka raw ng Antipolo?", Tanong niya habang hinahain ko yung dalang almusal ni Armeng.
"Namiss ko sila Mama. Sa Lunes ng gabi ako babalik". Inilapag ko na sa mesa yung pagkain. Tinawag ko na rin si Armeng at kumain na kami. Inalok namin si Daichi pero ayaw niya kumain.
"Narinig niya kami ni Nanay na nag-uusap", Ngiti sa akin ni Armeng na nagsasabing sorry.
Nginitian ko siya ng ngiting nagsasabi na hindi nag-iingat. Nakatingin lang si Daichi sa akin. Bakit kaya ako nahihirapang basahin mga expression niya?
YOU ARE READING
Committed
RomanceHindi lubos akalain ni Chin na muling makakatagpo niya ang kaniyang unang pag-ibig. Mahigit isang dekada man ang nakaraan at lubos man na nadagdagan ang bilang ng kaniyang edad ay hindi niya nakalimutan ang unang lalaking minahal niya, si Ian. Sa m...