Chapter 2

107 11 3
                                    

"Ayos ka lang?" Liam asked after we entered the elevator which is directed to the top floor unit, sa penthouse ni Luca

"Oo," sabi ko kahit kabado. Iniisip ko pa rin kasi kung nakita ba ni Luca na hinalikan ako ng pinsan niya.

Why are you anxious? Wala ka namang ginawang mali. Boyfriend mo si Liam. At wala naman kayong relasyon ni Luca?

Bumungad sa amin ang malakas na amoy ng beer pagbukas ni Kuya Kai ng pinto ng penthouse. "O! Nandito na ang magjowa!" Sigaw niya. Lumingon ang lahat sa direksiyon namin. Everyone is seated on the wide living lounge. Punong-puno ng alak ang mesa na nasa gitna. Tantiya ko ay nakarami na sila.

They all greeted us habang lumalapit kami sa kanila. The guys was fist-bumping with Liam at binibiro nila kung naka first-base na ba siya.

"Pre, huwag mo ng sagutin. Baka mainggit lang kami." Kuya Akio butted in. He waved at me. Nginitian ko lang siya.

My sister, Amira gestured me to sit beside her.

"Sinong naiwan kina Rowan at Mira?" Tanong ko sa kanya. Rowan and Mira are their children. Anak nina Kuya Lucien at ng ate kong si Amira.

"Bihira na kaming makadalo sa mga get-together kaya sinamantala na namin habang nasa bahay sila Mama." She said. May bahay sila malapit sa NAIA, kung saan sila naninirahan sa ngayon. Mayroon din silang mansion sa Isabela.

"Musta hell week?" Ate Chloe who's on my right side asked me. She had a tall glass of beer in her hand.

"Ayos naman 'te."

My eyes roamed around as they talked about their daily life. Kumuha din ako ng maiinom. Ate Aethel smirked when I reached for the tall glass of beer, too. Pangmalakasan ang mga ito sa inuman. Kaya ganoon din ako. I was eighteen when they allowed me to drink. I have a high alcohol tolerance at kailanman ay hindi ako umuwing lasing.

I noticed that they renovated a lot of space here. Mas high-end na ngayon ang datingan ng penthouse niya. It has a high ceiling. Tantiya ko ay nasa ten to eleven feet ang taas ng floor to ceiling. Binago din yata ang oversized windows, tanaw ang buong metro manila. May dalawang kuwarto dito sa baba at may hagdan pa papunta sa taas. Iyon na siguro marahil ang master's room. Wala pa iyon dati. Chef-inspired na din ang kitchen nila at may built-in na dining area.

Tumayo ako para tingnan kung may binago din sa outdoor space.

I was in awe! May swimming pool na! Dati ay bar area dito. May mga lounger din. Nakita ko sa bandang kaliwa ang mini-bar.

Nang pumasok ulit ako para kumuha ng beer ay siyang pagbaba naman ni Luca galing sa master's bedroom.

Nagtama ang paningin namin. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko kinaya ang intensidad ng mga titig niya.

"Someone is outside!" Kuya Casimiro announced. "Chikababes!" Niluwagan niya ang pinto para makapasok ang sinasabi niyang babae.

The woman was in a tight mini black dress. She looked stunning and sexy. Her hair is dyed. And she has a fair white skin.

They all greeted her. Luca embraced her and kissed her on her cheeks. He waved at us. The woman asked him if where's the toilet kaya sinamahan niya ang babae kung nasaan iyon.

Wala sa sarili kong tiningnan ang katawan ko. I'm 150 pounds at kahit na anong diet ko ay hindi ako pumapayat.

Nakaupo si Kuya Lucien sa tabi ng ate ko kaya kay Liam na lang ako tumabi. Naabutan kong pinagkukuwentuhan nila ang tungkol sa business nila.

Maya-maya, bumalik na ang dalawa sa living area.

Dinig ko ang bulong ni Kuya Akio kay Kuya Kai. "Sabuyan mo ng beer!" he was pertaining to Luca.

Racing Back To You (Montecillo Sisters Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon