"Renee, punta ka sa party ko mamaya, ha?"
Tumango ako kay Solana.
"Dapat lang, aba! Bestfriend kita tapos hindi ka pupunta?! Wala na nga si Niara, wala ka pa?! 'Wag na mag party kung hindi ka pupunta." She exclaimed.
Umirap ako, "OA ka sis? Malamang pupunta ako. Ikalma mo 'yung puday mo, please."
"Okay," She laughed. "Gusto mo pasundo kita kay Morris?" Pagtanong niya sa akin.
Agad na nagliwanag ang mata ko.
"Sure ba na pupunta iyon? Sabi niya sa'kin last week hindi daw siya sure ah?" Tinaas ko ang kilay ko at uminom sa kape ko.
Paano kasi ay pakipot ang isang 'yon. Nakakainis. Kaya nauunahan e, tsk.
Tumango nang sunod-sunod si Solana. "Oo. Sabi ko kapag hindi siya nagpunta ay hindi kami bati." Sabi niya sabay tawa.
Natawa ako at napairap. Ako ang naii-stress sa dalawa na 'to kapag magkakasama kami, e. Akala mo may dalawa akong anak na aso't pusa kung umasta.
Tinigil ni Solana ang pagkain at kinuha ang cellphone niya at nakita kong nagpipi-pindot ng kung ano. Pinakita niya sa akin na tinatawagan niya si Morris at ni-loudspeaker niya 'yung phone niya. After ilang rings ay sumagot na ito.
"Oh?" Bungad ni Morris.
"Sungit! Punta ka mamaya, ha?"
"Yeah, kulit. Gusto mo ako pa magbukas mamaya ng club, e." Pag jo-joke ni Morris.
"Whatever," Irap ni Solana. "By the way, daanan mo si Renee sa condo niya. Tutal magkalapit naman kayo ng building." She said.
"Sige, chat ko na lang siya maya. Does she know na dadaanan ko siya?" Morris asked.
"Yeah, she's with me right now nga, e."
"Oh? Alright. Hello, Ren. Buti 'di kayo nagsasawa sa mukha ng isa't-isa 'no?" He joke.
"Hindi, eh. Kung ikaw siguro mag sasawa ako." I joked.
Malakas na tumawa si Solana kaya naman napatingin sa amin ang ibang mga tao sa cafe.
I heard Morris groan from the line, "Sige na, sunduin na lang kita ng 6 pm, Renee. See you."' He said then ended the call.
"Minsan talaga nakakapikon kausap 'yang si Morris." Sabi ko sabay iling.
"Sinabi mo pa," Sabi niya sabay subo ng chocolate waffle niya.
Katatapos lang kasi ang finals namin at mag b-break na kami for Christmas kaya nag decide kami na mag girl date ni Solana dahil deserve namin 'to at naka survive kami ng isang term. Nasakto na rin na birthday salubong niya mamaya kaya ang saya nanaman ng buhay!
YOU ARE READING
A Line Between Us
RomanceAurora Renee is a 3rd-year Medical Technology student who wanted nothing but to reach her dream of becoming a Doctor. She thought that setting her goals early would mean that she would be able to reach her dreams easily... or that's what she though...