Patikim naman ng sulyap mo
Patikim ng yakap mong maamo.
Patikim ng mukha mong walang maihalintulad
Patikim naman ng pagmamahal mong
sagad-sagad.
Patikim naman ako ng kaligayahang
maibibigay ng iyong ngiting walang
kasing kulay, Patikim naman ako ng titig
mong ako’y biglang mabubuhay at sandali’y
mamatay.
Patikim naman oh’ please, huwag mo na
sanang ipagkait, kahit sa panaginip
kong ito’y akin manlamang makamit.