Papunta na sana ako sa gate pero naunahan ako ni Mommy. Kaya paglabas ko sa sala nandun na si Sandro. Nasabi ko na din kay Mommy ang about sa Activity kaya di na siya nagulat.
"Good evening po. Tita" bati niya kay Mommy.
"Good evening din hijo. You can call me Tita Czarina. At yun naman ang bunso ko si Clarence" turo ni Mommy kay Clarence na nanunuod ng TV sa sala.
"Ayy sige po. Hello Clarence" bati niya kay Clarence. Tiningnan lang siya ni Clarence bago nginitian.
"Sige po Mommy, punta na kami sa kusina" paalam ko.
"Sige po Tita. Start na po kami" paalam din ni Sandro. Magalang din pala ang loko.
"Sige. Goodluck. Galingan niyo ang pagluluto"
Dumiretso na kami sa kusina. Hinati muna namin ang ingredients at inayos na rin namin ang mga dadalhin bukas.
Hindi ko alam anung trip ng prof namin at pinagluluto kami agad. E yung iba samin hindi pa marunong magluto. Mabuti na lang marunong na ko. Bonus na lang na marunong din ang partner ko. Tinanong ko siya kanina sa supermarket kung marunong siya magluto. At sinabi niyang baka daw mas magaling pa siya sakin. Hmp. Yabang.
Inuna ko muna i-grind ang ibang parte n g pork liver. Yung iba naman hiniwa ko ng maliliit. Saka hiniwa ko na rin ang mga patatas at carrots. Pati bell bell pepper.
Pinrito naman niya yung mga hiniwa ko. Nakapag marinade na din pala ako ng beef kanina bago siya dumating.
Palitan kami sa paghahalo at paglalagay ng mga ingredients.
Ng matapos kami. Naglagay ako sa platito para tikman. Pasado naman sakin at sabi niya pasado na rin daw sa kanya.
Mukhang maayos namin kami makakapag present ng dish para bukas.
"Pwede bang makigamit ng banyo?" Maya maya ay tanong niya habang inaayos ko ang caldereta na dadalhin niya para ipatikim kina Tita Yssa, Sally at Sarah.
Yung para sakin naman nilagay ko na rin sa malaking bowl at inilagay sa lamesa.
"Sige. Paglabas mo ng kusina. Kaliwa ka lang tapos makikita mo na ang Cr."
Nailagay ko na sa paper bag ang mga dadalhin niya para naman maayos tingnan.
5:30 kami nag start at quarter to 7 na ngayon.
"Hello.. Good evening" Napapitlag ako sa biglang pagpasok ni Troy sa Kitchen.
"What are you doing here this late?" mataray kong tanong.
"Hinatid ko lang si Cheska. Nasiraan kasi siya ng sasakyan e. Ohh.. nagluto ka. Patikim ha"
Bago pa ako makasagot. Nakakuha na siya ng kurtsara at palatito saka sumandok ng kaldereta.
"No doubt. Magaling ka talaga magluto" sabi niya pagkatapos tikman ang kaldereta.
"Syempre, ako pa ba?" Mayabang kong sagot bago tumawa.
"Actually, WE cooked it!" di ko na namalayang nakabalik na pala si Sandro.
Ibinaba ni Troy ang hawak niyang platito at tiningnan ng masama si Sandro.
"Who are you?" Tanong niya habang masama ang tingin.
"Boyfriend ka ba ni Chelse?" Ganting tanong niya sa halip na sumagot. Para ako yung natetense sa kanilang dalwa.
"No. But--"
"Hindi naman pala. So I guess there's no need for you to know" malamig na putol ni Sandro sa sasabihin ni Troy.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionIt's all started on one song. She heard someone singing a song inside a classroom. Will she be able to find the owner of the voice?? Or continue life and forget about his voice?