KatharinaMabilis na lumipas ang mga araw. Gumaling na rin ang mga sugat ko sa buong katawan ko. Sa ngayon ay kasama ko si Mariel, day off niya kasi ngayon. Nagkukwentuhan lang kami. Si Baste naman ay nasa trabaho.
" Kath, ano nga palang trabaho nung kasama mo? Yung nagpatira sayo dito sa bahay nato?" tanong ni Mariel.
Bahagya akong napaisip. Ano nga pala ang trabaho ni Baste? Ang tagal ko ng nakatira dito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang trabaho ni Baste.
" Hindi ko alam eh. Hindi ko natanong sa kanya." sagot ko.
" Sayang naman gusto ko pa namang malaman kung anong trabaho nun. Gusto ko kasing maghanap ng ibang trabaho eh. Pagod na akong mag-alaga ng bata."
" Bakit naman? Masaya kayang mag-alaga ng bata." sabi ko.
" Sa una lang yan Masaya kasi mukhang mabait sila, pero pagtumagal na lalabas na ang kulit ng mga yan. Tsaka isa pa namimiss ko lang lalo ang anak ko kapag may kasama akong bata." sabi ni Mariel. Nagulat ako sa sinabi niya.
" May anak ka na?" tanong ko.
" Oo, meron na. Isa, babae maglilima na yun sa susunod na buwan." sagot nito.
" Hala, hindi halata na may anak ka na. Ang sexy mo kasi eh." sabi ko. Totoo naman na mukhang dalaga lang si Mariel at walang asawa. " Kailan ka nag-asawa?" dugtong ko pa.
" Wala akong asawa, anak lang." tipid na sagot nito. Nabakas ko sa mga mata nito ang lungkot ng banggitin niya ang salitang 'Asawa'. Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang ayaw niya rin naman pag-usapan ang buhay niya.
" Masaya na ako na kasama ang anak ko. Si Miracle ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa buhay na ito. Minsan naiisip ko na sumuko na lang pero tuwing naiisip ko ang anak ko ay lagi kong sinasabi sa sarili ko na kayanin mo para sa anak mo. Oo, mahirap maging isang single mother pero wala pa rin makakatalo sa saya tuwing nakikita ko ang anak ko na nakangiti. " sabi pa nito.
" Saludo ako sayo. Lahat kaya mong gawin para sa anak mo." sabi ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. " Ganun naman talaga ang mga magulang handang gawin ang lahat para sa kanilang mga anak."
Napangiti ako at tumingin sa langit.
' Nay, Tay! Ganun din po ba kayo sa akin? Handa rin po ba kayong gawin ang lahat para sa akin? Kung ganun po, ay nagpapasalamat ako sa inyo. Sa walang sawang pagmamahal na ibinigay niyo sa akin. Mahal na mahal ko po kayo!'
" Hoy, natulala ka na dyan." sabi ni Mariel at tinapik ako ng marahan.
" Ah,,,,,, eh..... wala, naisip ko lang ang mga magulang ko." sabi ko.
" Oo nga pala, nasaan na Ang mga magulang mo? Bakit dito ka nakatira?" tanong nito.
" Ah,,,,,,, eh......kasi mahabang kwento yun eh."
Ngumiti ito. " Handa akong makinig."
Saglit akong nag-isip at ikunuwento na rin sa kanya ang nangyari. Habang kinukuwento ko Yun ay hindi ko na namalayan na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko. Pinunasan iyon ni Mariel at niyakap ako ng mahigpit.
" Wag kang malungkot, hindi mo kasalanan ang nangyari. Mahal ka ng mga magulang mo kaya handa nilang gawin ang lahat para sa iyo. Sadyang mali lang sila ng nalapitan na tao." sabi nito na naging dahilan upang tumigil ako sa pag-iyak. Tumingin ako sa kanya.
" Talaga? Wala akong kasalanan?" tanong ko.
" Oo, kung anak rin kita gagawin ko rin ang ginawa ng mga magulang mo. Mabuti kang tao Katharina. Masyado lang naging malupit ang tadhana sa iyong mga magulang. Bata ka pa para maranasan ang mga iyon. Matatag ka! Ayan ang kagandahan sa iyo. Wag kang sumuko sa buhay." Sabi nito. Tumango ako at ngumiti sa wakas ay natutuhan ko ring tanggapin Ang katotohan na wala talaga akong kasalanan sa nangyari sa mga magulang ko. Ang totoong may kasalanan ay ang mga taong gumawa nun sa mga magulang ko. Kaya gagawin ko ang lahat para maipakulong ang mga taong yun.
Sa katauhan ni Mariel ay nakahanap ako ng isang ate. Ate, na handang magpayo sa akin sa lahat ng oras. Ate, na hindi ako pababayaan. Ate na gagabay sa akin sa ano mang bagay.
" Salamat, Mariel! Salamat sa mga payo mo." sabi ko dito.
" Wala yun, anong klase akong kaibigan kong hindi kita kayang payuhan, diba!"
" Ang swerte ko dahil naging kaibigan kita." puno ng sinseridad na sabi ko.
" Ako rin noh!" sabi nito.
Gabi na, nakauwi na rin sa kanilang mansion si Mariel. Nakapagluto na rin ako at inaantay ko na lang si Baste. Lumipas ang ilan pang sandali ay dumating na rin siya. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang mga gamit niya. Nilagay ko yun sa study room niya. Siya naman ay pumasok sa kwarto niya para makapagpalit ng damit. Pagkalabas niya ay may inabot siya sa akin na box.
"Ano ito?" tanong ko.
"Buksan mo para malaman mo." agad ko namang sinunod ang utos niya. Pagkabukas ko ng box ay isang cellphone ang bumulaga sa akin.
"Baste, para saan ito? Anong gagawin ko dito?" tanong ko.
"Kainin mo!" seryosong sabi niya. Kainin? Nakakain pala ang cellphone. Ano kayang lasa ng cellphone. Akmang isusubo ko na yung cellphone pero pinigilan ako ni Baste.
"Damn, bakit mo isusubo ang cellphone?" galit na tanong nito.
"Sabi mo kainin ko eh." nakangusong sagot ko. Totoo naman eh, siya naman nagsabi na kainin ko yung cellphone tapos ngayon nagagalit siya.
"I'm just kidding! That phone was for you. Naka save na dyan yung number ko use that for contacting me. Ayoko na ulit mangyari na aalis ka ng walang paalam sa akin, mababaliw talaga ako." sabi nito.
"Nakalimutan ko lang naman mag-iwan ng sulat nun eh. Promise hindi na mauulit." sabi ko.
"Hindi na talaga mauulit yun, hindi ako papayag kaya nga binilhan kita ng cellphone para kapag aalis ka ay makakapag-paalam ka sa akin. Pwede mo rin gawing libangan yan para hindi ka ma-bored dito sa bahay. Hindi naman sa lahat ng oras ay kasama mo ako. Kailangan ko ring magtrabaho para sa acting dalawa." sabi nito.
"Wag kang mag-alala may kaibigan naman ako." Kumunot ang noo nito.
"Kaibigan? Lalaki o babae?"
"Babae!" maikling sagot ko.
"Tagasaan, baka naman masama yun?" tanong nito.
"Dyan lang siya nakatira sa kabilang mansion. Tsaka mabait siya, binibigyan niya nga ako ng advice eh." sagot ko. Hinawakan ni Baste ang baba ko at bahagyang inangat ang ulo ko para magpantay ang mga mata namin.
" Huwag kang basta-basta magtitiwala ah. Baka may mangyaring masama sayo. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa iyo." seryosong sabi nito.
Bahagya akong tumango. Para akong bata na pinagsasabihan ng aking magulang.
"Good!" masayang sabi ni Baste at niyaya na ako sa hapag kainan.

YOU ARE READING
I Love You Doc. De Vega
RomanceKatharina Almazan Galit ako sa lahat ng doctor. Para sa akin Wala Silang kwenta. Pero sadyang malupit sa akin ang Mundo. Dahil hindi sinasadyang nahulog ako sa Isang doctor.